Chapter 4

1.2K 42 1
                                        

Love without limits

Aria's POV

Hindi ko mawari kung bakit ganoon nalamang ang epekto sakin ng mga mata nya. Iba ang mga titig nya saakin, tila ba bawat tingin ay may ibig sabihin. His beautiful eyes and the look of his kissable lips. Ugh! Hindi ko maalis sa isipan ko lahat iyon.

*Kring* *Kring* *Kring*

It's 6 in the morning, ugh! Ni hindi pa nga ako nakakatulog ng maayos kakaisip sa lalaking iyon. Inuunat ko ang kamay ko ng biglang bumukas ang pinto ko, "Aria! Oras na! Tayo na dyan!" Bulyaw sakin ni ate.

Nararamdaman ko pa ang hapdi ng sugat ko sa paa dahil sa naapakan kong bubog kagabi. Teka kagabi? Ano nga kayang ginagawa nila ni ate kagabi? Sa kwarto pa ni ate.

Aish! Bakit koba kasi iniisip yun. Aria! Ano ba boyfriend ng ate mo yun.

Huminga akong malalim tsaka nagsalita, "Masakit ang pakiramdam ko a-ate, kumikirot ang sugat ko."

"Sige sasabihin ko kay Cedric na hindi ka makakapasok." Ha? Bakit sasabihin pa nya?

"Bakit kailangan mo pang sabihin sakanya?" Nagtatakhang tanong ko.

"Sila kasi ang may ari ng South Side, hindi ko nga pala nabanggit sayo iyon." Tsaka ako iniwan sa kwarto. Laglag panga ako ngayon. Waahhh! Sila ang may ari ng school.

Kung ganon napakayaman ng pamilya nila, dahil ang South Side International School ay napakalaki.

Natauhan ako ng tumunog ang cellphone ko.

"H-hello?" Saad ko, ["Hindi ka, pumasok ah. Ayos ka lang ba?"] Tanong saakin ni Dansh.

"Ayos lang ako, may nangyari lang sakin kagabi." Sagot ko.

Danshie's POV

Second subject na namin pero wala pa si Aria, ano kaya ang nangyari sakanya? Ang babaeng iyon talaga napakatamad.

Lunch break na kaya naman nagkaroon ako ng chance na matawagan si Aria.

["H-hello?"] Nauutal na bungad nya, "Hindi ka pumasok ah, Ayos ka lang ba?" Panimula ko, balak ko kasing sabihin sakanya iyong nakita ko noong nakaraan.

Flashback

Tanaw na tanaw ko sa kinaroronan ko ngayon si Aria na naglalakad patungo sa classroom namin. Sa di kalayuan ay may nakatingin sakanyang lalaking nakablack mask. At tila ba pinagaaralan ang bawat galaw ni Aria. Yung lalaki naka college uniform sya pero bakit kaya nakablackmask sya?

End of the flashback

["Ayos lang ako, may nangyari lang sakin kagabi."] Sagot nya sa tanong ko, napabuntong hininga ako bago ulit magsalita. "At ano naman ang nangyare sayo ha babaita?" Tanong ko sakanya.

["Mahabang istorya, mabuti pa at pumunta nalang kayo dito sa bahay doon tayo sa roofdeck. Isama mo sila Dylan."] Sabi nya at binabaa agad ang tawag. Minsan talaga bastos kausap to e no!

"Bakit wala si Aria?" Tanong ni Dylan habang umuupo sa kaharap kong upuan, nandito kami ngayon sa canteen para kumain syempre ano paba! Hahahahaha

"May nangyari daw sakanya e, kaya punta daw tayo sakanila after class sa roofdeck daw tayo." Napabuntong hininga si Wayze sa sinabi ko, "Ano kaya nangyare dun?" Tanong nya. At nagkibit balikat lang kami ni Dylan.

Zin's POV

Im now on my way sa room pagkatapos naming kumain ng biglang may isang pamilyar na boses ang tumawag sakin.

"Z-zin?" Nauutal pang sabi ni Jace, aish! Zin na nga lang ang pangalan ko nauutal pa.

"Bakit?" Tanong ko sakanya at tinitigan sya sa mata dahilan para magiwas sya ng tingin.

She really turn me on.

"B- ba- bakit hindi pumasok si Aria?" Tanong nya sakin tsaka kinagat ang pangibaba nyang labi. "May nangyare daw sakanya e, hindi ko alam kung ano." Sagot ko sakanya, ang cute talaga nya.

"Ganun b-ba? Sige salamat." Saad nya habang nakatingin sa sahig. "Jace pwede bang malamang ang n-num..." Number mo. Hindi pa man kasi ako natatapos magsalita ay kumaripas na sya ng takbo.

Aria's POV

Iika-ika ang bumaba para ayusin ang mga pagkain dahil darating ang mga pinsan ko. Pagdating ko sa kusina ay inayos kona ang mga pagkain.

"Dapat nagpapahinga ka, hindi yung kung ano anong ginagawa mo." Nilingon ko ang pamilyar na boses na iyon. Si Cedric, naka white t-shirt, nakaschool pants at nakaschool shoes pa. Siguro ay dumiretso sya dito para makita si ate. Aish!

"Pupunta kasi ang mga pinsan ko kaya kailangan kong maghanda, sa roofdeck kami." Saad ko sakanya. Hindi ko maiwasang tignan ang mga mata nya.

"Ganun ba? Sige sasamahan kitang idala yan sa taas, naliligo pa naman ang ate mo." Tss, bat hindi kaya sya dun kay ate! Kesa mukha syang nagpapafall! Kinuha nya agad ang tray at inalalayan ako papunta sa roofdeck.

Iniayos kona ang lahat para mamaya at tsaka sya lumapit sakin.

"You know what? I just want to love someone without limits." Bulong nya sa tenga ko tsaka bumaba.


---------------------

Please! Vote! Vote! Vote! ❤

My Sister's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon