Chapter 37

887 32 7
                                    

Celestine Amber

Aada's POV

Apat na taon na simula noong huli kong makita si Aria. Ang sabi nila mommy ay maayos daw sya. Wala akong ideya.

Simula nung umalis sya, dito nako nanirahan sa Pilipinas. Para makasama si Cedric.

"Hon?" Tawag ko kay Cedric dahil masyado syang abala sa laptop nya.

Lagi syang ganyan simula nung umalis si Aria, mas lalong naging masungit at busy.

Hindi din sya umuuwi ng bahay minsan. Nakatira kami ngayon sa condo ko. Sabi ko sa bahay nila ni Aria pero ayaw nya.

Tss...

Sana ay hindi na bumalik si Aria.

"Hmmm?" Tipid nyang sagot.

"Dinner tayo sa labas." Anyaya ko.

"Ikaw nalang, im busy." Tss madalas nya nakong tanggihan.

Kaya padabog akong lumabas ng kwarto...

Duch/Daddy ni Aria's POV

I miss my daughter. Ang huling tawag nya samin ay apat na taon na ang nakakalipas.

Si Cedric at ako ay panay ang hanap sakanya, ngunit walang kahit anong impormasyon.

Alam ko ang dahilan ng pagalis nya, pero hindi ko alam... Sana ay pinatapos nya munang magsalita si Cedric.

Sana hinayaan nyang magexplain si Cedric.

*Cellphone rings*

"Hello?"

["Dad..."] Its Cedric.

Kinabog ang dibdib ko, akala ko ay si Aria na.

"M-may impormasyon naba?" Halos mautalutal ako.

Sana ay magpakita na sya, nagaalala kami sakanya lalo na ang mama nya.

["Wala pa po dad, pero may nagpadala po sakin ng annulment papers namin."]

So gusto nyang ma-annul ang kasal nila?

"What? Saan galing?"

["Sa abogado po nya, pero hindi sinabi kung nasaan si Aria. Dahil pati sya ay hindi daw po alam. Tinawagan lang daw po sya."]

"Nakapirma na ba si Aria?" Tanong ko.

["Opo, alam nyo pong hindi...."

Aria's POV

Its saturday ngayon kaya naman, wala akong trabaho.

"Celestine?" Tawag ko dahil kanina ko pa sya tinatawagan ngunit ayaw bumaba.

Celesitine Amber Gozon. Montemayor...

My daughter, ipinaapelido ko parin sya kay Cedric... Dahil ayaw kong mawalan sya ng karapatan kahit sa anak man lang namin.

Hindi alam ni Cedric na may anak kami, pero hindi ko alam kung sasabihin ko pa.

"Napadala na daw ni Atty. Santiago ang nga annulment papers kay Cedric." Sambit ni Jameson.

Nagfile ako ng annulment papers dahil narin sa kadahilanang, sobrang nasaktan ako noon.

Hindi ko nga alam kung nakamove on nako, kahit si Jameson. Alam nyang mahal ko pa si Cedric. Pero iyong ginawa nila ni Ate sakin. Hindi ko alam...

------------------

Please don't forget to vote!❤

My Sister's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon