MWR#12

20.5K 297 6
                                    

Short update ulit. HEHE :) Hindi ko alam kung hanggang ilang chapter itong kwento to, pero wala akong planong gawin hanggang chapter 50 ito. Ganun din iyong kila Asher at Ina. :) 

ENJOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOY :))) 

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 12

Sabrina’s POV

“Anong balita?” tanong ko sa mga private investigators na nasa harapan ko ngayon. Tumungo lang sila at isa lang ang ibig sabihin non, wala parin silang lead kung nasaan si Ethan. Hindi ko alam kung anong emotion ang nararamdaman ko sa mga panahon ngayon dahil limang araw na mula ng iwan ako ng taong mahal ko. Oo, sa halos limang araw na paghahanap ng mga private investigators na ito ay wala parin silang lead. Putang ina. Gusto ko silang sampalin pero tangina, parang hinang hina ako.

 

“Get out” sabi ko sa kanila pagkatapos ay hindi na ulit kumibo. Lumabas naman sila at alam kong mag-uumpisa na ulit silang maghanap. Dapat na maghanap ulit sila dahil sayang ang binabayad ko sa kanila.

Apat silang magagaling na private investigator pero miski isa sa kanila ay hindi makita iyong tao na umiwan sa akin sa hindi malamang dahilan.

“Relax” rinig kong sabi ni Mia. Tinignan ko siya ng masama na naging dahilan para umiwas siya ng tingin sa akin.

 

“Relax? Sa tingin mo makakapag-relax ako kung gayong hindi ko alam kung bakit niya ako iniwan. Kasalanan mo ito Mia kaya wag mag-inaso diyan dahil baka pati ikaw ay malintikan sa akin” sabi ko sa kanya.

 

“Wag mo akong pagsalitaan ng ganyan Sabrina, dahil umpisa palang alam nating lahat na hindi ko kasalanan ang nangyari sa inyong dalawa niyang asawa mong martir at duwag. Hindi ko kasalanan kung iniwan ka niya dahil una, hindi naman ako ang nawalan ng memorya. Pangalawa, ginusto mo ito. Hindi ba’t ikaw ang may gustong hiwalayan na siya umpisa palang? Tapos ngayon hiwalay na kayo ay bumalik na ang memorya mo ay ako ang sisisihin mo? Gago ka ba o sadyang gago ka? Wag kang tanga dahil hindi ako ang may gusto nito” mahabang sabi nito na naging dahilan nito para tuluyan ng umalis sa condo ko kung nasaan ako pansamantalang tumitigil. Hindi ko kasi kayang manirahan sa bahay namin dahil mas lalo ko lang siyang namimiss.

My Wife's Regret(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon