Short, lame update! :D HAHAHAHAHAHA Nainspired lang akong magsulat kasi ayos ang grades ko. :"> Akala ko talaga may uulitin akong subject! Buti nalang at wala talaga :))
Kapag sinipag ulit ako mamayang madaling araw, maguupdate ulit ako :))
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 7
“Congratulations!” bati sa akin nila Mama at Papa. Katatapos lang kasi ng graduation at tulad ng sabi sa akin ay ako nga ang Summa Cum Laude.
“Congratulations hijo!” bati rin sa akin ng Daddy ni Sabrina. Oo, andito rin siya kasi sila ang may-ari ng university.
“Salamat po” puno ng paggalang ang ibinigay kong pasasalamat sa kanila. Kung hindi dahil sa suporta ng mga magulang namin ay hindi ko naman makakamit ang kung anong meron ako.
“Congrats!” bati sa akin ni Sabrina sabay yakap sa akin. Niyakap ko ito dahil hindi ko inaasahan na darating siya dito. Ang alam ko kasi talaga ay hindi siya pupunta rito dahil may OJT pa siya sa kompanya nila kaya naman nagulat nalang ako kanina habang nagsasalita ako sa harapan ng bigla ko siyang makitang tumabi sa aking mga magulang.
“Maraming salamat at nakarating ka” sabi ko rito. Ngumiti lang ito at binati ang mga magulang namin. Pagkatapos ng batian ay nagpasya ang mga magulang namin na kumain kami sa labas para maging isang simpleng celebrasyon sa natamo kong tagumpay.
Nakarating kami sa isang mamahaling restaurant, the restaurant is exclusive for elites people here in the country. Kung hindi ka kabilang sa sikat, mayayaman na pamilya ay hindi ka pwedeng kumain rito. Discrimination for others but for the owner, they highly value the word ‘privacy’. Isang motto daw ng restaurant ay kung ano ang narinig, nakita, napagusapan niyo sa loob ng restaurant ay doon lamang iyon, bawal makalabas.
Naging maayos naman ang pagkain namin sa restaurant na iyon, masarap ang pagkain pero kung sa ordinaryong restaurant kami ay mas magugustuhan ko pa sana. O kaya kung umuwi nalang kami sa bahay namin at nagluto ay mas okay pa at mas tipid. Hindi katulad dito, hindi naman ganun kasarapan ang pagkain pero ang presyo pwede ng makabili ng isang dosenang t-shirt at short, isama mo na ang labindalawang kahon ng underwears. Ganun kamahal ang pagkain pero hayaan na, tapos na rin naman.
BINABASA MO ANG
My Wife's Regret(COMPLETED)
Ficción General[COMPLETED] "Asawa mo ko pero hanggang papel lang yon!" sigaw niya sa akin at umakyat na siya sa kwarto ng bagong bahay namin. Great! Ang gandang honeymoon para sa bagong kasal na katulad namin. Hindi lahat ng nagapakasal ay mahal na mahal ang isa't...