MWR#13

19.7K 292 14
                                    

Short update :) I really hope na maging maganda ang feedback niyo sa story ni Ethan at Asher. :) 

Saka, gumawa po pala ako ng group sa facebook(external link). Gusto ko po kasing maging ka-close kayong mga readers ko. Sana po malaman ko kung sino iyong readers mula kila Gabbie hanggang sa dito kila Ethan. :) Sana po sumali kayo! :) 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 13

Ethan’s POV

 

“Manang sige matulog na po ulit kayo” sabi k okay manang dahil nagising ko siya sa aking pagsigaw. Naalimpungatan kasi dahil sobrang sakit ng ulo ko na para siyang binibiyak. Pasado alas-tres palang ng madaling araw at tanging kami lang ni manang iyong gising.

“Sigurado ka bang ayos ka na iho?” tanong nito. Tumango ako bilang sagot kahit na masakit parin iyong ulo ko.

“Oho. Maraming salamat po at pasensya na sa abala manang” sabi ko rito at agad naman siyang umalis para bumalik sa kwarto nila ni Mang Pedro. Sa pagkakatanda ko ay natulog ako ng alas-nuwebe ng gabi dahil sa sobrang pagod. Tapos ito nga’t nagising ako ng alas-tres ng madaling araw. Nang marinig ni manang iyong sigaw ko ay agad niyang inasikaso ang gamot na iniinom ko kapag inaatake ako ng sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung ilang gamot ang iniinom ko araw-araw at laking pasalamat ko nalang dahil hindi pa ako namamatay dahil sa pagka-overdose.

Sa pagkakatanda ko ay nasa limang gamot ata iyong iniinom pero hindi ko lang sigurado dahil nitong mga nakaraang araw ay nagkakaroon o naapektuhan narin iyong memorya ko, madalas din akong natutumba dahil sa nahihirapan akong magbalance. Sabi rin ng mga kasama ko sa bahay ay madalas ding magbago ang ugali ko, malamang ay epekto iyon ang sakit ko. Pagkatapos ay hindi rin natatapos ang isang araw ng hindi ako nagsusuka, kung minsan ay pagkakatapos kong kumain ay susuka na ako. Palaging ganoon ang nangyayari sa akin kaya naman sobrang nahihirapan ako pati na ang mga kasama ko.

Kasalukuyan akong nandito sa may veranda ng kwarto ko, nakatanaw sa kalangitan na para bang nag-iintay ng isang bulalakaw o ng isang meteor shower. Parang kahapon lang noong iniwan ko siya, noong nalaman ko na pinahahanap niya ako sa mga private investigators, tapos ngayon mahigit tatlong linggo na ang nakakalipas at mas nagiging halata na iyong pagbabago sa katawan ko.

Ang sabi ng mga nagpupunta dito para dalawin ako ay ang laki ng ipinayat ng katawan ko, kunsabagay kahit sino naman ang tamaan ng ganitong klase ng sakit ay talagang malaki ang magiging epekto. Kahit na nandito ako sa Baguio ay patuloy iyong pagpapa-Radiotheraphy ko dahil kahit papaano ay meron pa akong sampung porsyentong pag-asa na natitira. Kahit sampung porsyeto nalang iyon ay pinanghahawakan ko parin kasi makikinabang parin naman ako sa bandang huli.

My Wife's Regret(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon