MWR#20

19.5K 259 4
                                    

Ilang araw na itong naka-lagay sa files ko, ngayon ko lang naiupload dahil ang dami ko pong tinatapos. Ako'y estudyanteng nag-aaral ng ewan sa university kaya sana'y maintindihan niyo ang sitwasyon ko ~

Last 3 to 5 chapters nalang ito tapos si 'Her Paid Husband' at 'A Mistress' Side' na ang isusulat ko! Nawa'y masuportahan niyo rin po iyon katulad ng pagsuporta niyo rito! :) :"> 

Sali na po kayo sa facebook group. Link is on my bio ~

Enjoooooooooooooooooooooooooooooy ~

P.S. Medyo matatagalan po iyong CHAPTER na susunod dahil may kailangan akong mga tapusin. Nakakaloko mang isipin pero nirurush kami ng mga professors namin sa majors kaya pasensya na guys. Iuupload ko agad kapag natapos kong isulat ang Chapter 21. 

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 20

Sabrina’s POV

 

Dahil sa sama ng loob ko sa kanya ay umalis nalang ako sa hapagkainan, gusto ko munang mapag-isa kahit papaano. Lumabas ako ng bahay at nagsimulang maglakad hanggang sa nakalabas ako ng village namin at agad akong sumakay ng jeep papuntang SM Baguio. Siguro pag-uwi ko mamaya ay ayos na ulit ako.

Nang makarating ako ng SM Baguio ay nagpunta ako sa Mcdo para bumili ng comfort food ko. Oo, kahit na nasa ganitong edad na ako ay Mcdo parin ang hinahanap hanap kong comfort food o pampakalma ko. Minsan hindi ko maintindihan ang sarili ko, para akong tanga na sasabihing lalaban para kay Ethan at sa anak ko pero ako rin iyong madalas mag-walk out pagkakatapos naming magsagutan ni Ethan.

Masama ang loob ko iyon ang alam ko ngayon. Pagkatapos kong masabi’t makuha iyong order ko ay agad akong pumuwesto sa bandang likod. Bago ako makaupo ay agad akong napatigil ng may tumawag sa aking pangalan.

“Sabrina?”

Agad akong napalingon ay hinanap iyong may-ari ng boses na tumawag sa akin.

“Sabrina. It’s you! I knew it” sabi ng isang lalaking matangkad, maputi, matangos ang ilong, may konting beard at tila pamilyar sa akin. Nakita niya ang pagtataka sa aking mata na naging dahilan siguro para sabihin niya iyong pangalan niya.

My Wife's Regret(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon