MWR#1

58.8K 620 24
                                    

Sana magustuhan niyo itong bagong story ko :) 

VOTE-COMMENT-BE A FAN :) 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Asawa mo ko pero hanggang papel lang yon!” sigaw niya sa akin at umakyat na siya sa kwarto ng bagong bahay namin. Great! Ang gandang honeymoon para sa bagong kasal na katulad namin. Hindi lahat ng nagapakasal ay mahal na mahal ang isa’t-isa, sa kaso ko ako lang ang nagmamahal. Dahil yung pinakasalan ko ay hindi naman ako mahal o gusto man lang. Ang saklap lang. One sided love.

Umakyat na ako sa katabing kwarto kung saan siya pumasok at nagpalit ng damit bago mahiga sa kama. Mas masarap siguro ang tulog ko kung ang katabi ko ay yung taong mahal ko at magiging maganda rin naman ang gising ko kung siya rin ang bubungaran ko.

Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa mga mata ko, agad akong tumayo at nagpunta sa banyo pra maligo. Pagkababa ko, nagpunta ako sa kitchen at nagluto ng breakfast. Patapos na akong magluto ng marinig kong may bumaba galing sa itaas, senyales na gising na ang mahal ko.

“Good morning” bati ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Nilagay ko na ang mga niluto kong itlog, bacon, ham, hotdog, and fried rice sa lamesa at naglagay ng juice. Nagumpisa na siyang kumain ganun din ako. Gusto kong magsalita pero nag-aalinlangan ako.

Pagkatapos niyang kumain ay tumayo na siya tapos bumalik sa kwarto para magbihis dahil alam ko may pasok siya ngayon sa school. 4th year college na siya sa kursong Accounting sa pagmamay-ari nilang school. Oo. Mayaman ang pamilya nila at isa sa pinakama-impluwensya katulad ng magulang ko.

Pagkatapos kong magligpit ng pinagkainan, ay nagpunta na rin ako sa kwarto ko para kunin ang gamit ko at ang susi ng sasakyan ko. Pagkababa ko, hindi ko na siya naabutan. Dala niya rin ang sarili niyang sasakyan, umasa pa naman akong maisasabay ko siya ngayon sa pagpasok.

Pagkarating ko sa school ay dumiretso na ako sa classroom ko at doon nakita ko ang barkada kong mga sira ulo. Noong nalaman nilang magpapakasal na ako ay hindi sila makapaniwala, pero wala e mahal ko siya kaya lahat gagawin ko makasal lang sa kanya kahit ang ibig sabihin nun ay ang pagsumpa niya sa akin dahil nakilala niya ako.

Masisi niyo ba naman ako isang taong nagmamahal ng sobra sobra? I guess hindi, dapat sabi nga nila kapag mahal mo ang isang tao lahat gagawin mo. Hindi naman masamang maging selfish, all my life naging mapagbigay ako kaya ngayong nagmahal ako I bet hindi naman masamang maging selfish at intindihin naman ang sarili ko paminsan minsan.

My Wife's Regret(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon