.07

21 0 0
                                    

Papasok na naman.

Pero bago yun , almusal muna.

Kanin. At sandamakmak na Kanin.

Napakaraming kanin. Nasan na yung ulam?

Shems kinain na ni Matty yung para sakin.
AngLupet nya. Hindi ko magalaw yung food nila mudra at pudra kase di ako kumakain ng dishes na niluto para sa kanila. Alien kc ako. I mean, na-e-alien-nan ako sa pagkain nila. Puro diet foods. Lalo na ang kay mudra. Body conscious kung baga. Mga babae talaga .
Ganda nang tawag ko sa kanila noh? Ayaw nila ng Mommy and Daddy ih. Pangmahirap daw yun. Ayaw din nila ng Nanay at Tatay kase pang mayaman daw naman yun. Shems ano na itatawag ko kung ayaw nila. "Pudra and Mudra" :) nagalak pa parents ko kase sakto daw yon, di mayaman, di mahirap. Avenger lang. Avenger.

"AVE-RAGE"

"huh?" Kunot-noo ko kay Matty.

"Average"ulit niya. " not avenger " Diniinan pa talaga niya ng bigkas.

Hindi lang pala to' matalino ih, mind-lender din pala.

"mind-reader" pagwawasto niya.

Natigilan ako. Sh*t nakakabasa nga nga pag-iisip itong si Mattywakal.

"Hindi ako nakakabasa ng pag-iisip." Saad niya.

Napatingin lang ako sa kanya habang seryoso siyang kumakain. Kinain nya talaga lahat. Wala siyang awa. Magbubukas na lang ako ng de-Lata.

Nakatingin pa din ako sa kanya habang seryosong kumakain.

"Sadyang malakas ka lang mag-monologue"
Beastmode na sagot niya.

Natahimik na lang ako. Ganon pala talaga.
Geniusess hates talkative person? Pero di naman lahat ganto sa kapatid ko.

"Magkakasundo siguro tayo kuya kung aaralin mong tumahimik" Tumayo na ito at kinuha ang bag sabay sara ng front door.

Ayon. Nag-evaporate na ang magaling kong kapatid. Ihahatid na siya ni Papa , este ni Pudra sa eskwelahan ng realidad kung saan siya mas nababagay.

Si mudra ayon umalis na din papunta sa Ranch sa pinakamalapit na probinsya sa City na tinitirhan namin ngayon.

2 hours din byahe papunta doon kaya nagmamadali siya.

Kumukulo na Tiyan ko.

Takbo ako sa kusina.

Bukas Ref.
Puro gulay at prutas din.
Lahi ba talaga kami ng forest man?

Shems. Sinara ko na ang ref.

Bukas Kaserola. Puro gulay at sabaw din.

Kumukulo na talaga Tiyan ko.

Bukas Cabinet. Finally! 7.50 na lang . Ariel.
Better stain removal in one wash.

Oh ayan nag-endorse pa ako.
Hindi ako yun noh.
Si Miss Cris Aquino talaga yon.
Bukas pa T.V. eh. Exacto bukas ko ng Cabinet ng ma-on-air ang commercial nya.

Tingin-tingin. Dami stocks na instant foods.
Noodles.Cans. ayon. Kinuha ko na lang San Marino. Binalik ko ulet. Century Tuna Flakes in oil na lang. Kc baka kagatin ako ni MattyWakal kapag binawasan ko San Marino stocks niya.

Para sa kanya talaga yun.
Binili ni Mudra. Grabe halos mapuno isang Cabinet.

That is the Time when you see and learn what is meant by. "Magnetism"

"Favouritism" pagwawasto ng isang Bata sa likuran ko.

Halos mapatalon ako sa gulat.

Si Matty pala. Akala ko ba umalis na sya.

Then may pinakita sya saakin na isang device na nagbi-blink-blink ang red lights.

Sh*t naka security pala ang San Marino Stocks niya. Nag red lights ng ginalaw ko .

Matindi talaga ang batang ito. May araw ka din.

"Araw ko ang lahat." Sabi nya.

Kung sa bagay, Century Tuna naman talaga Paborito ko, gusto ko lang siya sanang galitin. Hahaha.

Pinad-lock pa niya ang Cabinet matapos kong kunin ang CT.

Then tumingin sya sakin ng masama.

Brotz talaga.

"Bratz" ."pero referring yan sa babae. Ano ka ba naman kuya. Magmomonologue na nga lang Mali pa spelling ng iniisip mo." At nag roll-eye pa siya bago bumaba sa pinagpatungan niyang bangko para lang mai-lock at maabot ang cabinet.

Para-paraan talaga. Tsk.
Pati ba naman yung iniisip kong spelling alam din niya.

Hanep.

Silent GeniusesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon