At mula sa hagdan ay nakita kong bumukas ang frontdoor namin. Iniluwal nito ang aking ina at isang batang babae na nakasuot ng pulang dress na naka-disenyo na pang bata. Mukhang Little Red Riding hood na ewan. naka-fashion cap pa gaya ng suot ng mga Royalties sa England.
"Sige Freyn, punta ka muna sa dinning room." Ang sabi ni mudra doon sa batang babae.
Kung hindi ako nagkakamali, kasama siya sa bracket ng 10-12 years old.
sino kaya ang paslit na yon. Wag nyong sabihing mag-aampon pa si mudra. Aba naman, ako nga hindi iniintindi tapos magdadagdag pa sila ng isa. Kung sabagay, matagal na nila gusto magkaroon ng anak na babae kaya binalak talaga nila mag-ampon simula ng mawala ang kapatid kong babae four years ago.
Madrama ang estorya ng pamilya namin pero bahala sila dyaan. Ayoko ng madrama , I create my own side of the world.
labas na ako sa walang sawang kaiiyak nina Mudra at Pudra .
Kung nawala, wala na silang magagawa kundi ang tanggapin ang katotohanan pero matigas ang ulo at hinahanap padin nila si Abbie kahit nangyari na yoon apat na taon na ang nakalilipas . Angkukulet. Di maka-move on.
Pumunta din ako ng Dinning room para i-check-out kung ano ang pakay niya sa pamilya ko.
Mukha naman siyang mabait at good girl. Nilapitan ko siya at tinanong kung secret agent ba sya o secret assasin.
Shems, bigla ako tinitigan ng masama na parang kakagatin na ako. Hindi lang pala si Matty ang matapang sa mundo. May mas matindi pa pala sa kanya. Rude ang kapatid ko pero hindi ko yoon masisisi dahil pinalaki siyang brots . Haha Bratz. And besides, may maipagmamayabang naman talaga siya, matalino siyang bata na nag-eexist sa mundo. Siguro kung mayroong mga grupo ng mga kabataan na masasabing totoong genius, isa na siya sa mga yoon. Pwede pa nga siguro siyang maging head of the Crouching Tiger Genius group haha.
fast Forward..
Nasa table na kami sa bahay and we are currently having our dinner. Tahimik ang lahat. Seryoso sina mudra at fudra , at the same time wala namang pakialam si Matty. Nandoon din nakaupo ang batang naka-red dress kanina. Aba wala yata itong balak umuwi sa kanila ah!
Takte..
nag clear throat si fudra at nagbadyang may iaanunsyo siya sa aming magkapatid.
"She's your long lost sister." Saad niya.
what?! nabuhay pa pala siya? after all these years? may lahing anthropology pala siya
"Freyn, welcome back to the Family." saad ulet ni fudra na haos naiiyak na.
stop it, ayoko ng drama. Si mudra tuwang-tuwa naman. Nag-eespark-espark pa ang kanyang mga mata. Di na siya umiyak kasi siguro kanina pa siya umiyak sa kwarto at sa kusina habang nagluluto. Angdrama nila. Kaiinis.
Ayon , diretso padin si Matty sa pagkain. Parang wala lang siya narinig.
ako naman , hindi naa-amaze na buhay pa pala siya. Naging interesado lang ako kung bakit Freyn na ang pangalan niya. Ang alam ko kasi ...She suppose to be Abbie.
"I change it, so what?" Tumingin sakin ang batang babae at sinabi iyan.
aba! hanep, mind-lender din pala ito tulad ni Matty.
"Mind-reader" and sabay na bigkas ni Matty at ni supposed to be Abbie.
what the h*ck! napapalibutan ako ng mga mumunting geniusess.
help me out of here..please. I cried silently to myself.
BINABASA MO ANG
Silent Geniuses
Humor"When someone is silent , it doesn't mean they know nothing " Warning: Be aware , They might be geniuses.