"Kuntento na ako sa munting paraiso na kasama ka."
Ito 'yong mga salitang binitawan mo na laging paulit-ulit na bumabalik sa 'king isipan. Hindi ko lubos maisip na ang ating aksidenteng pagtatagpo sa Bus na 'yon ay magbibigay ng panibagong kulay sa 'king buhay.
"Miss, may nakaupo na ba dito?" Tanong mo.
Hindi ko 'yon agad nasagot dahil na mangha ako sa 'yong angking ka guwapohan. Para kang Anghel na nahulog galing sa Langit.
"Miss?" Tawag mo ulit sa atensyon ko.
Doon ako bumalik sa 'king pag-iisip saka nagawa na kitang sagutin.
"Wala po," Mahinang sagot ko.
Tumango ka lang saka tumabi na sa'kin, hindi ko maalis ang aking tingin sa 'yong mukha na napaka amo. Bakit gano'n? Para kang si Hu Yi Tian na sobrang crush ko.
"May dumi ba ako sa mukha?" Sarkastiko mong tanong sa 'kin nang mapansin mong nakatitig lang ako sa'yo.
"Pasensya na, may kamukha ka kasi eh." Nahihiyang sagot ko tsaka binaling ang aking tingin sa labas ng bus.
Biglang nagkasiksikan sa loob ng bus kasi umuulan na pala sa labas, hindi mag kamayaw ang mga tao na nag uunahan na makapasok sa bus. May mga nakatayo may mga nagsisiksikan.
Biglang pumreno ang bus na ikinagulat ng lahat, at lalong-lalo na ako.
Biglang dumampi ang mga malalambot mong labi sa 'king pisngi, hindi maaalis sa mukha ko ang pag kagulat. Bigla mo agad itong binawi tsaka humingi ng tawad, pareho pa ngang pumula ang ating mga pisngi. Hindi ko alam pero kinikilig ako, dahil ba sa guwapo ka o kamukha mo lang ang iniidolo ko.
Hinanap ko ang plate number ng bus, ilalagay ko 'to sa 'king Diary. Tadhana nga naman, napangiti ako nang makita ang Plate Number nito. "BUS 143". Hindi tayo nagkausap sa una nating pagtatagpo, pero masaya naman akong umuwi dala ang baong nangyare kanina.
"Yurien Domingo, nakatunganga ka naman diyan." Biglang sulpot ni Demi habang naglalakad ako pauwi.
"Wala ka na doon," Nakangiti ko namang sagot.
"Ikaw ha, baka may ginahasa ka!" Pag bibintang nito sa 'kin.
"Baliw ka, ako pa talaga ang nanggahasa ah?" Natatawang sagot ko sa kan'ya.
Demi and I are childhood friend, kung ikukumpara mo mas sexy siya kesa sa akin palibhasa suki ng gym e. I'm 19 years old tsaka siya naman ay 20, months lang ang agwat naming dalawa.
"Yurin, samahan mo naman ako bukas oh?" Aya nito sa akin.
"Huh? Saan ka ba pupunta bukas?" Nagdadalawang isip na sagot ko, syempre paano na lang si crush bukas, gusto ko pa namang makita iyon.
"May bibilhin ako, ililibre naman kita eh. Samahan mo na ako please," Pamimilit nito sa akin.
"Chat kita bukas kung sasabay ako ah?" Sagot ko na lang sa kan'ya para matigil na sa pangungulit.
Noong nasa may playground na kami ng aming lugar, bigla kaming nagkatinginan ni Demi. May nagtitinda kasi ng cotton candy tsaka dirty ice cream doon.
"Libre mo 'ko please," malambing na sambit ko sa kan'ya habang nagpapa-cute.
"Tsk, samahan mo muna ako bukas." Sagot naman nito.
"Aish, 'wag na nga lang!" Kunwaring pagtatampo ko tsaka dumiretso na kay manong na nagtitinda.
Kahit na nasa ganito na kaming edad, paborito parin namin ang kumain nito. Dumiretso kami sa swing tsaka doon kinain ang aming binili.
"Dahan-dahan ka nga Harmony para kang mauubusan eh." Saway ni Demi sa 'kin kasi nilalamon ko lang ang ice cream kahit na napakalamig.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT COMPILATION
General FictionCompilation of One shot stories truly made by me.