Blinded by Love

58 0 0
                                    

Title: Blinded by Love
Genre: Mystery/Thriller
Author: ImaginationNpaper

Iyakan.

Pagmamakaawaa.

Patayan.

Hiyawan.

Ito 'yong lagi kong naririnig at nasasaksihan sa tuwing kumikilos na naman siya, pero dahil mahal ko siya hindi ko siya kayang talikuran kaya nagawa kong maging bulag at bingi sa mga pangyayari.

"Gustavio, saan ka na naman galing?" salubong ko sa kan'ya.

Isang malakas na buntong hininga na naman ang aking napakawalan nang makita ang kamay nito na puno ng dugo.

"Sa tingin ko ay nasagot na ang 'yong katanungan," maikling sagot nito at dumiretso na sa banyo.

Isinara ko na ang pinto at sinundan siya.

"Kailan ka ba magbabago ha? Gustavio pagod na pagod na ako sa ganitong buhay!" bulyaw ko sa kan'ya.

Tumigil ito sa paghuhugas ng kan'yang kamay at nanlilisik ang mga matang tinignan ako.

"Walang pumipilit sa 'yo na manatili Fransya! Kung gusto mo ng umalis dahil napapagod ka na, umalis ka! Walang pipigil sa 'yo." Galit na galit na sigaw nito.

Kusang tumulo ang aking luha sa sinabi nito.

"Alam mo namang hindi ko 'yon kayang gawin Gustavio, pero sana mabigyan ka ng pagkakataon na magbago." Malungkot na saad ko rito.

Hindi na siya umimik pa, nagpatuloy lang ito sa paglilinis ng kamay niya. Nilapitan ko ito at niyakap mula sa likod sabay idinikit ang aking mukha sa likuran niya.

"Kahit ano ka pa man, mahal na mahal kita tandaan mo 'yan." sSad ko rito sabay pumikit.

Naramdaman ko ang malakas na buntong hininga nito.

"Mahal na mahal din naman kita Fransya, hindi ko lang talaga 'to matalikuran alam mo naman 'di ba? Ito lang 'yong kasiyahan ko." Sagot nito sabay humarap sa akin at tinugon ang aking yakap.

Tanging tango na lang ang aking nasagot sa kan'ya.

Agad ko namang hinila ang dala niyang sako, sariwang-sariwa pa rin ang dugo na lumalabas galing dito. Halos ganito ang trabaho ko sa tuwing gabi, tagahatid ng mga ito sa ilalim kung saan naroon ang aming basement at ang mga koleksyon niya. Noong una, nasusuka pa ako sa tuwing ginagawa ito pero kalaunan ay nasanay na rin ang aking sikmura.

Sinuot ko na 'yong gloves at nilagyan ng mga kemikal ang aquarium na walang laman. Mabigat ang sako, sa tansya ko nasa apat na piraso siguro ito kaya apat na aquarium ang nilagyan ko ng kemikal. Nang matapos na ako sa paglalagay, binuksan ko na ang sako at tumambad ang mga ulo ng tao na pinugotan ni Gustavio. Ako na mismo ang nagsasara kung minsan dilat ang mga mata nito, hindi ko alam kung bakit ganito si Gustavio.

Kasiyahan niya ang pumatay ng tao, at kolektahin ang mga ulo nito. Siguro may lahi rin siya ng aswang dahil walang kabahid-bahid ng dugo ang labas ng aming bahay, hindi ko rin siya matanong kung paano niya 'yon nagagawa na nadadala niya sa loob ng bahay ang mga sako ng walang nakakaalam. Pero hindi iyon lingid sa kaalaman ng batas, laging laman ng balita ang anonymous killer na namumugot ng ulo na hanggang ngayon ay hindi mahuli-huli.

Isa-isa ko ng hinugasan ang mga duguan nilang mukha at ulo, sariwang-sariwa pa ang dugo at mainit-init pa ang laman. Bago lang talaga ito pinatay. Nilagay ko na sila isa-isa sa loob ng aquarium na may kemikal para hindi ito maagnas at hindi sumingaw ang baho. Tinakpan ko na rin ang mga ito at nilagyan ng petsa ang baba nito kung kailan ito nangyari.

ONE SHOT COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon