"Anong oras na nasa galaan ka pa, anong oras mo plano umuwi?"Lagi na lang ganito, lagi niya na lang ako tini-text kung nasan ako o kailan ako uuwi. Hindi naman siya ganito dati e, ang lupit-lupit niya nga sa akin noong buhay pa si Papa.
"Pake mo? Uuwi ako, kung kailan ko gusto." Reply ko sa text niya.
In-off ko na lang ang aking cellphone at patuloy pa rin sa pag-inom kasama ang aking mga barkada.
Mag-aala sais na ng umaga nang maisipan kong, umuwi. Hindi na ako magpapahatid, sanay na rin naman akong mag-isa.
Nang nasa pintuan na ako, bigla akong sinalubong ni mama na nanlilisik ang mga mata.
"Simula ng mamatay ang papa mo hindi ka na nagtino! Ano na bang nanyayare sa 'yo Linda?" Bulyaw nito sa akin.
"Kailan ka ba nagkaroon ng pake sa akin, ha? Sana hindi na lang si papa ang namatay, sana ikaw na lang!" Sigaw ko rito.
Isang magkabilang sampal ang aking natanggap mula kay Mama.
Nanginginig ang mga kamay nito nang maisip kung ano ang ginawa niya.
"Diyan ka naman magaling e! Ang saktan ako." Umiiyak na saad ko at dali-daling tumungo sa aking silid sabay ni-lock ang pinto.
Miss na miss ko na si Papa, kung hindi lang sana siya nasagasaan sana buhay pa siya ngayon.
Hindi ko mapigilang maiyak nang maalala ang masasaya naming alaala na magkasama ni Papa. Hindi ko malapit kay Mama kasi lagi niya akong pinapagalitan at sinasaktan noong nabubuhay pa si Papa kaya ngayon ayaw na ayaw ko sa kan'ya.
"Anak buksan mo 'to," kumakatok na saad ni Mama habang humahagulgol.
"Hindi kita kailangan! Lumayo ka sa akin," umiiyak na saad ko.
"Anak please," umiiyak na pagmamakaawa nito.
__Gusto ko lang naman sana bumawe kay Linda e, nangako ako sa tunay niyang mama noon na aalagaan ko siya pero dahil sa selos ko na nasa kan'ya na ang lahat ng oras ng papa niya kaya naging malupit ako sa kan'ya.
Ginagawa ko naman lahat e, naglalabada ako naglilinis ng bahay ng mga kapit-bahay para may pangtustos sa mga kailangan namin ni Linda. Pero wala na siyang ibang ginawa kundi lunurin ang sarili niya sa alak at bisyo.
__
"Oo nga pala, birthday na ni Linda bukas kailangan ko dumoble kayod para may maipanghanda at ma-i-regalo sa kan'ya."Kahit hindi maganda ang pakiramdam ko dahil sa ubo't sipon ay kumayod ako ng kumayod para may maibigay kay Linda mamaya. Pangbawi ko sana sa mga kasalanan ko sa kan'ya.
__
Bumili ng isang buong cake ang Mama ni Linda at pancit, dumaan din ito sa mall para bilhan ng mamahaling regalo ang anak. Nakita niya ang relo, naalala niya noon gustong-gusto magkaroon ni Linda ng relo. Kaya kahit may kamahalan, binili niya ito.Nakangiti ito ng sobra nang makita ang cake at pancit na nasa mesa. "Sana kahit kaunti lang 'to ay magustuhan ni Linda." Nakangiti nitong saad.
__
Laking gulat ni Aling Lena nang makita ang lalaking nakamaskara na pumasok sa bahay nila."Anong ginagawa mo rito, sino ka?" Nanginginig na saad nito.
"Akin na ang mga pera mo pati alahas kung gusto mo pang mabuhay!" Sigaw nang lalaki sa kan'ya.
"Maawa ka, wala akong pera at mahirap lang kami." Pagmamakaawa ni Aling Lena.
"Anong nasa loob ng kahon na 'yan?" Tukoy nito sa regalo ni Aling Lena para kay Linda.
"Para 'to sa anak ko, maawa ka huwag mo 'to kunin." Pagmamakaawa ni Aling Lena sa magnanakaw.
"Akin na sabi e!" Matigas na saad nito.
Pero dahil ayaw ibigay ni Aling Lena ang kahon, nag-agawan sila rito.
"Matigas ka ha!" Saad ng magnanakaw sabay walang habas na pinagsasaksak si Aling Lena.
"Ahhh! Tulong! Tulong!" Umiiyak na sigaw ni Linda nang makita ang magnanakaw na pinagsasaksak ang Mama niya.
Nabitawan ng magnanakaw ang kahon at dali-daling nilisan ang lugar nila.
Agad na nilapitan ni Linda ang Mama niya na nakahandusay sa sahig at duguan.
"Mama..." Umiiyak na saad nito.
"Anak, huwag ka umiyak birthday mo ngayon. May inihanda akong kaunti diyan, sabay sana tayong kakain kapag nakarating ka na. Pero biglang dumating ang magnanakaw..." Nanghihina nitong saad.
"Mama please, dadalhin kita sa hospital." Humahagulgol na saad ni Linda.
"Hindi ko na kakayanin Anak e, may regalo ako riyan. Kunin mo at basahin ang sulat ko na nasa altar. Happy Birthday ulit anak, mahal na mahal kita." Umiiyak na saad nito habang habol-habol ang hininga.
"Mama. patawarin mo 'ko sa mga kasalanan ko. Sorry Mama." Umiiyak na saad ni Linda.
Mas lalo itong naiyak nang hindi niya na maramdaman ang pulso at hininga ng Mama niya...
__
Makalipas ang isang linggo simula nang mamatay ang Mama ni Linda, ngayon niya pa naisipang buksan ang regalo at sulat nito sa kan'ya."Anak, happy birthday! Pasensya na kung naging malupit ako sa 'yo noon, pero pinipilit ko naman bumawi ngayon e. Sayang nga lang at sobra kang abala sa ibang bagay at hindi mo na ako mabigyan ng oras.
Pasensya na kung hindi ko nasabi sa 'yo na ampon ka lang namin kaya gano'n ako sa 'yo noon, pero anak pangako minahal kita ng totoo.
Sana kahit kaunti lang ang handa mo ngayon, sana maging masayaka. Binili ko rin ang paborito mong relo, baka kasi kapag nasayo na 'to maisipan mo naman na bigyan ako ng oras kahit limang minuto lang makausap lang kita.
"Mhal na mahal kita anak, pasensya na sa mga kasalanan ko."
Niyakap ni Linda ang sulat na galing sa nanay niya at humihiyaw sa sakit, sakit na hinding-hindi niya na matatanggal. Napakasakim kong anak, hindi ko man lang nabigyan ng oras si Mama...
WAKAS
BINABASA MO ANG
ONE SHOT COMPILATION
General FictionCompilation of One shot stories truly made by me.