It's supposed to be Me

62 1 0
                                    

It's supposed to be Me
ImaginationNpaper

Dedicated to: Julaisa Eman

Freshemen days. Iyon iyong unang araw na nakita ko si Mark at agad akong humanga sa kan'yang panlabas na katangian. Kahit freshmen pa lang kami ay matangkad na ito at medyo payat nga lang, pero bumagay naman sa kan'ya. Nasa first section siya habang ako naman ay nasa third section, gusto ko sana makipag-kaibigan sa kan'ya pero nahihiya ako. I admire him for almost six years, ang daming gusto manligaw sa akin noong nasa senior high na ako pero hindi ko sila pinagbigyan. Kuntento na kasi akong nakatingin sa kan'ya lagi habang nasa malayo, hindi ako nawawalan ng pag-asa na baka pala isang araw ay kami pala talaga ang nakatadhana sa isa't isa.

"Hena!" agad naman akong napalingon nang marinig ang boses ni Mei, bestfriend ko simula noong elementary kami.

"Ang ganda naman niyan! May nanliligaw sa 'yo?" tanong ko nang makita ang hawak nitong tatlong rosas na pula at maliit na teddy bear.

"Wala nga akong ideya kung kanino 'to galing e, simula pa ito noong freshmen tayo. Once a week lagi akong nakakatanggap ng iba't ibang regalo na 'di ko naman alam kung kanino galing." Sagot nito.

"Sana lahat may admirer," natatawang sagot ko rito.

"Ikaw, hindi ba may crush ka rito? Make your move na, malapit na tayo gumraduate e." Sagot naman nito.

"Hala siya! Ayaw ko nga, nakakahiya tsaka babae ako." Nahihiyang sagot ko.

"Ah basta, ako gusto ko talaga makilala kung sinong nagpapadala nito sa akin. Gusto ko siya makilala, ang consistent niya kasi." Nakangiti nitong saad habang inaamoy ang rosas.

Natigilan naman ako noong dumaan sa likuran ni Mei si Mark, ang laki na ng pinagbago niya. Kung dati ang payat-payat niya ngayon ay nagkalaman na ito at mas lalong lumabas ang kaguwapuhan nito. Isa rin sa pinapasalamatan ko ay never siya nagkaroon ng girlfriend o nililigawan habang nag-aaral.

"Hena naman e, kanina pa ako salita nang salita rito tapos hindi ka pala nakikinig." Pagmamaktol nito.

"Sorry, ano nga 'yon?" sagot ko sabay kamot sa aking batok.

"Wala na, ano ba kasi tinitignan mo? Hala, nandito crush mo 'no?" panghuhuli nito sa akin.

Alam ni Mei na may crush ako pero hindi niya alam kung sino. Hindi kasi kami ganoon nakakapag-bonding dahil nasa first section ito. Nagkakasabay lang kami minsan sa lunch o kaya naman ay sa uwian.

"Mei, may nagpapabigay sa 'yo." Saad ni Jade, isa ko ring kaibigan.

"Sino raw? Baka may lason 'yan." Biro pa ni Mei.

"Ewan ko, nakita ko lang 'yan sa locker ko e tapos may nakalagay na note na ibigay ko raw sa 'yo." Sagot ni Jade at tumabi sa akin.

Hindi ko mapigilang mainggit, ang suwerte naman ni Mei at may lihim na humahanga sa kan'ya.

Dalawang cupcake iyon na hugis puso, tapos nakatali pa sa pulang laso.

"Gusto mo sa 'yo na iyong isa?" alok niya sa akin.

"Naku huwag na, baka magtampo pa iyong nagbibigay sa 'yo kapag nakita niyang binigay mo sa akin iyong isa." Nakangiti kong tanggi rito.

"Sigurado ka? Sige na, para matikman mo rin." Pamimilit nito.

"Huwag na talaga, okay lang." Sagot ko naman.

Kumain lang kami ng pananghalian at naghiwalay na matapos namin kumain. Si Jade naman ay nasa second section, kaya sabay na sila ni Mei. Ako naman ay dumiretso na sa banyo para mag-ayos muna bago pumasok sa silid namin. Dahil naiihi na rin ako ay pumasok na ako sa isang cubicle. Mayamaya pa ay may narinig akong nag-uusap.

ONE SHOT COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon