"Kamusta araw mo?" Salubong mo sa akin nang makauwi ako galing sa skwela.
"As usual, okay naman pero nakakapagod." Sagot ko habang tinatanggal ang aking damit at sapatos.
"Alam kong pagod ka, halika't kakantahan kita habang ginagawa mo 'yong mga projects at assignments mo." Aya mo sa akin habang ikaw naman ay pumuwesto na sa lagi mong inuupuan.
Hindi ko akalain na ikaw ang magababago ng buhay ko, ikaw 'yong maglalagay ng kulay sa mundo kong walang kakulay-kulay.
Noon kasi, wala na akong ibang ginawa kung 'di sisihin ang aking sarili sa lahat ng bagay. Kumabaga ayaw ko sa sarili ko, ayaw nga rin nila sa akin e.
Laging kinukumpara, laging sinisisi, laging sinasaktan. Takbuhan kapag kaibigan kailanga'y karamay.
Pero simula nang dumating ka, ang daming nagbago. Kahit na ilang beses akong mapagod, ikumpara, saktan, wala akong pakialam kasi ang mahalaga may uuwian ako at IKAW ang naging tahanan ko sa tuwing ako'y masaya at malungkot.
Ikaw ang nagmistulang panyo sa tuwing mata'y lumuluha, ikaw ang naging sandigan kapag kailanga'y karamay. Ikaw ang naging mundo ko.
__
Tulala. Balisa. Hindi makausap.Simula nang mawala ka, lungkot ko'y wala ng katapusan. Akala ko ang pangakong pagkakaibigan ay walang hangganan. Pero bakit nang ako'y tuluyang gumaling bigla kang nawala?
Gumaling nga ako sa gamot na binibigay nila pero bakit hindi ko na maramdaman ang sayang naramdaman ko noong nakakasama pa kita.
"Sana hindi ko na lang ininom ang gamot na pinainom niya sa akin."
__Simula nang makalabas ako sa Hospital na 'yon, hindi ko na alam kung paano pa ulit pumasok sa mundong ginawa ko na ang kasama'y tanging ikaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/148627490-288-k550251.jpg)
BINABASA MO ANG
ONE SHOT COMPILATION
Ficción GeneralCompilation of One shot stories truly made by me.