Pizza

35 0 0
                                    

"Pizza"

#Flashfiction

Warning: Errors.

--

"Lolo! Lolo, gusto ko po ng pizza."

Agad namang napalingon si Mang Pedring sa apo, "Mahal 'yon apo eh." Sagot nito sabay ngumiti ng mapakla.

"Pero Lolo narinig ko 'yong bata at Ale kanina, galing sila sa kainan ng pizza. Lolo masarap daw po!" patuloy na pangungulit ni Angge.

"Apo kulang-"

"Lolo may nalimos po ako kanina, siguro sapat na po 'to kahit isang kalahati lang ng pizza." Putol ni Angge sa sasabihin ng Lolo nito.

"Ang kulit talaga ng batang 'to, oh siya bibili na tayo ng pizza. Isang hiwa lang ah? Baka kulangin pera natin eh." Sagot ng Lolo nito.

"Yeheay! Salamat Lolo," tuwang-tuwa namang sagot ni Angge.

"May kita rin naman ako kanina sa paglilinis ng mga sapatos, siguro sapat na 'yon sa pizza na bibilhin natin. Iapapabilang ko lang sa nagtitinda doon ang barya na dadalhin ko."  Saad nito sa apo.

Hindi kasi ito marunong magbilang dahil sa kahirapan ay hindi man lang sila napaaral ng mga magulang niya noon. Wala na talagang pamilya si Mang Pedring, kinupkop at pinalaki niya lang si Angge nang makita niya ito sa gilid ng basurahan. Gustuhin niya mang pag-aralin ito ay hindi niya magawa dahil sa kakapusan sa buhay.

"Ako na lang bibili Lo, para hindi ka na mapagod." Alok ni Angge sa Lolo nito.

"Nandiyan lang naman sa kabilang kanto, hintayin mo na lang ako rito ha? Mayamaya rin ay dala ko na ang Pizza na gusto mong kainin." Nakangiti nitong saad sa apo.

"Salamat po Lolo, ingat po kayo!" saad ni Angge rito at hinalikan muna ang noo ng matanda at niyakap ng mahigpit.

Anim na taong gulan na si Angge at anim na taon na rin silang palaboy-laboy sa kalye. Palipat-lipat lang ng higaan, at iwas na iwas sa mga pulis na nanghuhuli ng mga bata na palaboy para ilagay sa dswd center. Ayaw niyang mawalay sa Lolo niya dahil matanda na ito at sakitin kaya todo tago ito sa tuwing may mga nakikitang nanghuhuli ng batang pakalat-kalat sa lansangan.

"Ma'am magkano po ba 'yong isang hiwa ng pizza?" tanong ni Mang Pedring sa tindera ng pizza.

"Eighty eight pesos po per slice," sagot naman nito.

"Ilang barya po ba 'yon? Makikisuyo sana ako, ikaw na bumilang ng pambayad ko." Sagot ni Mang Pedring at inabot ang dalang supot na may lamang barya sa babae.

Hindi mapigilang manliit ni Mang Pedring nang makitang halos pandirian siya ng mga taong kumakain sa loob ng pizza shop na 'yon. Butas-butas kasi ang damit nito at sobrang dumi ng katawan, para itong taong grasa.

"Manong isang daan po 'yong dala niyo, ito na po 'yong sobra." Sagot ng babae at agad na inabot ang sobrang sukli ng matanda.

"Salamat iha," nakangiting saad ni Mang Pedring.

"Heto na po, dalawa po 'yan. Ako na po ang bahalang magbayad noong isa, kanino niyo po ba 'yan ibibigay?" tanong ng dalaga sa matanda.

"Sa apo ko, birthday niya kasi ngayon. Naalala ko, ganitong taon at araw ko rin siya napulot noon sa gilid ng basurahan." Sagot naman ni Mang Pedring.

"Ganoon po ba? Pasensya na po kung 'yan lang maibibigay ko ha, working student lang din po kasi ako."

"Malaking tulong na ito iha, salamat." Sagot ni Mang Pedring at tuluyan ng lumabas.

Saktong paglabas nito ay agad na may humablot sa dala niyang supot.

"Ibalik niyo sa akin 'yan! Kay Angge ko 'yan!" habol ni Mang Pedring sa mga batang umagaw ng supot na dala niya.

"Bilisan niyo para di niya tayo abutan!" sigaw noong batang may hawak ng pizza.

Nahihirapan mang tumakbo ay pinilit niyang maabutan ang mga batang 'yon, maliksi pa ang mga ito kaya nahirapan siya. Mabuti na lang at may pilis na humarang sa mga bata at hinablot ang dala nitong supot.

"I-Iho, sa akin ang supot na 'yan," humihingal na saad ni Mang Pedring.

"Mga bata kayo! Kung hindi ko pa kayo naabutan, baka inatake na si Lolo sa inyo!" pangaral ng pulis sa mga bata. Agad niya namang inabot ang hawak na supot sa matanda.

"Salamata iho," saad ni Mang Pedring at iika-ikang naglakad pabalik aa kinaroroonan ng apo.

Natagalan man ay napawi ang pagod nang makita ang apo niya sa kabilang kalye, "Lolo!" tumatalong saad ni Angge.

"Heto na ang pizza mo-"

Hindi na natuloy ni Mang Pedring ang sinasabi nang bigla siyang mahagip ng rumaragasang jeepney.

"Ahh! Iyong matanda, tulungan niyo 'yong matanda!"

Parang nawalan ng lakas si Angge nang makita niya kung paano nahagip ng jeepney ang kan'yang lolo. Agad siyang tumakbo sa kinaroroonan nito at halos mabiyak ang puso sa nasaksihan.

"Lolo," umiiyak na saad nito sabay lumuhod sa harapan ni Mang Pedring na naliligo na sa sariling dugo.

"Lolo naman eh!" humahagulgol na saad nito.

Mas lalo itong naiyak nang makita na hawak-hawak pa rin nito ang pizza na pinabili niya.

"Lolo?" saad nito nang mahinang gumalawa ang matanda.

"Angge apo, happy birthday. Mag-ingat ka lagi ha? Mahal na mahal ka ni Lolo..."

"Lolo!"

Hindi ko mapigilang maiyak sa tuwing naaalala ko ang araw na 'yon, ang araw na nawala si Lolo dahil sa akin.

ONE SHOT COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon