Title: Una at Huling Sayaw
By: ImaginationNpaper
Dedicated to my friend, Rachelle.Naaalala mo pa ba noong unang maglapat ang ating mga kamay? Iyon ang unang pagkakataon na nasabi ko sa sarili kong...
"Crush ko 'to," Nasa elementarya tayo noon nang ikaw ang partner ko sa sayawan na i-p-present natin. Lagi mo pa akong sinisigawan dahil hindi ako ganoon kagaling, nahihirapan akong isaulo ang mga tinuturo sa atin.
"Ano ba naman 'yan Rachelle? Kapag hindi mo talaga ginalingan, makikipagpalit ako ng partner." Saad mo sa akin kaya nagsumikap akong sauluhin ang mga galaw. Lagi ko pang naaapakan ang paa mo dahil nga hindi ako ganoon kagaling pero hindi ko mapigilang mapangiti nang sabihin mong, "Huwag mo ako isipin, ang mahalaga ay makuha mo ang tamang galaw."
Kaya noong araw ng pagtanghal ay ganadong-ganado akong sumayaw kasi nasaulo ko lahat, dahil na rin sa tulong at gabay mo kaya naging madali lahat. Alam kong bata pa tayo noon kaya hindi ko muna inisip 'yon, pero alam ko sa sarili ko na espesyal ka na sa akin.
Pero sobra akong nalungkot noong nabalitaan ko na aalis na pala kayo, lilipat kayo kaya posibleng hindi na tayo magiging magkaklase sa sekondarya. Malungkot man ay gumawa ako ng paraan para mabigyan ka ng remembrance man lang. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para mabigay sa 'yo iyong thank you letter, sana nagustuhan mo 'yon.
"Rachelle!"
"Hoy Rachelle!"
"Jervin naman eh! Bakit ka ba nanggugulat?"
Agad akong bumalik sa aking huwesiyo nang tawagin ako ni Jervin, ang bakla kong kaibigan.
"Nakatulala ka kasi riyan tsaka parang ang lalim ng iniisip mo. Okay ka lang ba?" tanong nito.
"Okay lang naman, may naisip lang." Sagot ko naman dito.
"Si Sedrick na naman ba iniisip mo?"
"Jervin! Nakakahiya," saway ko sabay nilingon ang aking paligid, baka kasi may ibang makarinig.
"Eh bakit? Totoo naman talaga eh! Tsaka, halata namang gustong-gusto mo siya." Sagot nito.
Napahilamos na lang ako sa sarili kong kamay, hindi ko mapigilang mapailing sa tuwing naaalala ko ang ginawa niya noong nakaraang araw.
"Sigurado akong si Sedrick 'yon, siya 'yong childhood crush ko. Pero bakit parang hindi niya ako maalala? Noong nakaraang araw, halos nagtutumalon pa ako sa tuwa nang makita siya pero siya... Parang hangin lang ako sa kan'ya. Umasa ako sa wala bes!" saad ng isip ko.
"Pero hindi niya na ako kilala Jerv, medyo nakakapanghinayang lang kasi walang araw na hindi ko siya inisip. Umaasa na sana isang araw maglandas ulit ang mga daan namin." Malungkot na saad ko rito.
"Rachelle naman eh, huwag mo na lang isipin 'yan. Grade 12 na tayo kaya enjoy na lang natin ang huling taon natin sa high school. Hindi ka rin naman sigurado na siya 'yon 'di ba? Ni hindi mo pa nakakausap dahil transferee siya." Pagpapagaan nito sa loob ko.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT COMPILATION
General FictionCompilation of One shot stories truly made by me.