Chapter four

2.3K 49 1
                                    

Naz POV

Nandito na ako ngayon sa office ko dito sa Resto. Request ni Rellione. Ilang araw na rin ang nakalipas ng magkaroon kami ng kasunduan ni RJ. Yes, RJ na ang tawag ko sa kanya. Wala lang, feel ko lang. Cute kasi yung RJ.

"Chief Q, kamusta yung meet-up niyo ng mapapangawasa mo?" Tanong ni Rellione. Napakunot naman ang noo ko. Paano niya nalaman eh hindi ko naman sinabi sa kanya.

"Ahm...Chief Q, sinabi sa akin ni Maths." Sabi niya.

"Sino si Maths?" Tanong ko. Sensya na, hindi ako aware.

"Si Mathilde." Sabi niya.

"Ah, yun pala yun. Maayos naman yung pag-uusap namin." Sabi ko.

"Ang sabi ni Mathilde, 'ang pogi ng fiance ni Queen'." Sabi niya habang ginagaya yung boses ni Mathilde. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Gayang-gaya mo ang boses ni Mathilde." Sabi ko sa kanya.
Natawa naman siya.

"So gwapo nga? Para kasing pamilyar sa akin yung initials niya eh. RJR." Sabi niya.

"Robert Jhare Rious ang buo niyang pangalan." Sabi ko.

"Talaga? Yung sikat na chief?" Sabi niya. Naconfused naman ako. Sikat na chief? May-ari siya ng isang Restau. Sikat siya, pero bakit hindi ko alam? Napansin siguro ni Rellione na nakakunot yung noo ko.

"Chief Q, siya yung nakasama ko sa America. Isa siya sa mga magagaling na chiefs na nagturo sa amin. Kaibigan ko yan. Pag nagkita kayo uli, kamustahin mo ako sa kanya ha." Sabi niya at nagpaalam ng umalis.

Maya-maya naman ay may biglang tumawag. Unknown number. Sasagutin ko ba? Naisipan kong sagutin nalang.

"Hello?"

(Hello my dearest fiance.)

"RJ?"

(The one and only)

"Napatawag ka?"

(Kinakamusta ko lang ang mapapangasawa ko)

Shemay........kinilig ako dun ah.

"Naku, no need. I am always okay."

(Would you mind if I come over your resto?)

"What? Pupunta ka dito?"

(Yeah, pwede ba?)

"Oo naman. Nga pala, kinakamusta ka ni Rellione." Sabi ko. Kilala niya naman si Rell diba?

(Si Rell? Paano kayo nagkausap?) Tanong niya. Siguro nakakunot yung noo nito.

"Chief ko siya sa Resto. Anong oras ka ba pupunta?"

(Actually, nandito na ako sa tapat ng office mo-

Hindi ko na pinatapos ang tawag niya at pumunta ako may pinto at binuksan iyon. Hindi naman ako excited na makita siya.

Sige, deny pa!

Hindi nga!

"Nandito ka na? Akala ko ba papunta ka palang?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin. Ngiti, hindi smirk.

Yung puso ko tumatalon, tumatakbo at kung ano pa....ano bang ginagawa niya sa akin?

"Nagpaalam lang ako, baka kasi ayaw mo akong makita. Pero parang excited ka palang makita ako." Sabi niya.

Anebe, kinikig ako!

Queen, wag kang ganyan!

"Ano ka? Hindi kaya. Assuming to!" Sabi ko.

"Defensive ka masyado. Hindi mo ba ako papasukin sa loob?" Sabi niya.

"Ay oo nga pala. Pasok ka. Anong gusto mong kainin. Tatawagin ko lang si Rell." Sabi ko.

"Oh, si Rell. Matagal na kaming di nagkita. Isa din pala siya sa mga naging kaibigan ko bukod kay Blaike." Sabi niya.

"I am happy to hear that." Sabi ko. Magsasalita pa sana ako ng pumasok si Rell. Nakatingin siya sa papel na hawak niya kaya di niya napansin na nandito si RJ.

"Chief Q, ang sabi ni Mathilde ito daw yung mga papeles na pinapakuha mo. Tungkol ba yan sa Resto? Kakakuha ko lang kasi kahapon." Sabi niya.

Magsasalita sana ako nga bigla nalang magsalita si RJ.

"Rell, ikaw na ba talaga yan?" Tanong niya.

"RJ, kamusta na?" Tanong naman ni Rell habang inaabot sa akin ang mga papel.

"Okay na okay bro. Balita ko malapit na ang kasal mo?" Sabi ni RJ. They look really close.

"Oo nga eh. Aatend ka ha. Total naman ikaw ang mapapangasawa ni Q. Aatend ka diba Q?" Tanong niya.

"Oo naman, papalagpasin ko ba ang kasal ng best friend ko?" Sabi ko na nakangiti.

"Best friends din kayo?" Tanong ni RJ.

"Actually, si Mathilde talaga ang best friend ko. Naging close lang kami ni Rell dahil kay Math." Sabi ko. Napangiti lang si RJ.

Shemmmmssss....ayan na naman ang ngiti niya!

Feeling ko namula ako ng tumingin siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

Umayos ka Queen. Baka kung ano ang isipin niya.

"RJ, alagaan mo yang si Q. May pagkasavage yan minsan, kaya pagpasensiyahan mo nalang." Sabi ni Rell sabay tawa.

"Rellione, nakakainis ka!" Sabi ko na mas lalong nagpalakas ng tawa niya. Napatawa na rin si RJ.

"Ang cute mong magalit." Sabi niya na ikinatawa ulit ni Rell. Namula naman ako pero kunwari hindi ako apektado.

"Uy Chief Q, bakit ka namumula? Kinikilig ka noh?" Sabi ni Relline sabay kurot sa pisngi ko.

"Tigilan mo ako Rellione at isusumbong talaga kita kay Em,sige ka." Sabi ko.

"Okay lang, di naman ako pinapagalitan ni Em. Masyado siyang mabait." Sabi niya. Ah ganun pala ha.

"Edi kay Mathilde nalang." Sabi ko at napahagalpak ako ng tawa ng makita kong namutla siya. Sabi ko na nga ba. Takot to kay Mathilde.

"Mathilde? Yung ex mo?" Sabi ni RJ.

"Oo, pero okay na si Maths. Sinagot niya na yata si Theo." Sabi ko. Actually, hindi ako sigurado kung sinagot niya nga ba talaga. Tinitignan ko lang ang reaction niya.

"Sinagot niya na? Sandali lang, dito muna kayo. Kakausapin ko lang si Mathilde." Sabi niya sabay alis.

"Sa tingin mo, anong sasabihin niya?" Tanong ko.

"Ewan ko. Tara, date tayo."
Sabi niya.

"Bakit?" Tanong ko.

"I want to know you more."

--------
Edited💚

Married to Mr. Playboy(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon