Chapter nine

1.9K 44 2
                                    

Queen's POV
Nang malabas na kami ng elevator, dumiretso agad kami sa loob ng opisina. Pagpasok namin ay nakita ko ang isang matangkad na lalaki na may suot na glasses, yung nerdy style.

"Jared?" Nagulat ako ng biglang magsalita si RJ.

"Bro, long time no see." Sabi naman ng lalaki. Medyo nalito ako sa kanilang dalawa.

"Magkakilala kayo?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.

"He is my younger brother." Sabi ni RJ.

"Hello Mrs. Rious, I am your guide for today and everyday." Sabi niya.

"Hindi ko alam na may kapatid ka RJ." Sabi ko sa kanya. He smiled shyly at me.

"Ow, about your wedding. I wasn't able to attend. I have to run some errands in your company, sis." He said smiling.

"You called me sis." I said amused.

"I don't want to be so formal. Besides, you're my brother's wife. You are my sister now." He said.

"I am relieve. Ikaw pala ang magiging guide niya. Akala ko kung sino na." Sabi ni RJ. Kaya pala sumunod siya sa akin dito eh.

"Don't worry big bro, I will take care of your wife." Jared assured his older brother.

"I'll count on that Jared." He said then kissed on the forehead.

"I'll be going now." He said. Tumalikod na siya at lumabas na ng office.

"My brother is somewhat possessive. I can't imagine it if I am not your guide sis." He said.

"Napaka overprotective nga niya kung minsan eh." Sabi ko naman.

"Sis, shall we start?" Tanong niya. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon.

Ilang oras din ang lumipas bago natapos ang mga itinuro niya sa akin.

"Ahm...Jared matagal ka na ba dito sa company ng pamilya ko?"

"Almost a year sis. You're dad and our dad are close friends. Your marriage with my brother  are you aware that it was fixed?" Tanong niya.

"Oo naman, simula pa lang ay alam ko na. I am just lucky mabait naman ang kuya mo kaya wala akong problema." Sabi ko sa kanya.

"Well, that's good." Sabi niya.

Nanatili pa ako sa opisina hanggang tanghali at umalis na ako para pumunta sa resto. Namiss ko na ang luto ni Rell.

Tinawagan ko nalang si Nanny Lucy na hindi ako makakauwi.

Pagpasok ko sa resto ay nakita agad ako ni Rell.

"Hello there Chief Q, long time no see." Sabi niya.

"Rell, namimiss ko na ang luto mo. Ipagluto mo naman ako ng kare-kare at sinigang." Sabi ko sa kanya.

"Ano pa nga ba? Okay. Chief..."

"Hmmm?"

"Ano kasi...ano-

"Rell ano ba ang sasabihin mo at medyo pasuspense pa." Tanong ko kasi halata namang kabado siya.

"Mamaya na lang. Ihahanda ko muna ang pagkain mo." Sabi niya.

"Okay sabi mo eh." Sabi ko sa kanya.

Habang naghihintay ay napansin kong pumasok si Samantha at mukhang papunta siya sa puwesto ko.

Tama nga ako dahil ng makalapit siya ay umupo siya sa tapat ko.

"So, what is the feeling of being the wife of Robert Jhare Rious?" Tanong niya.

"Masaya naman. Actually, we are doing good. As a couple." Sabi ko. Ngumisi naman siya.

"Sa umpisa lang yan Queen. Dahil pag nagtagal ay babalik siya sa akin dahil ako ang una niyang minahal at patuloy pa ring minamahal. Pinakasalan ka lang niya para sa business." Sabi niya.

Umirap naman ako.

"Bakit naman ako maniniwala sa iyo?" Sabi ko sa kanya.

"Why don't you ask him?" Sabi niya.

"By the way, I need to go. Pinuntahan lang kita para ipaalam sa'yo iyon. Gusto ko lang na ihanda mo ang sarili mo kung sakaling bumalik na siya sa akin. Dapat alam mo kung saan ka lulugar." Sabi niya at umalis na.

Medyo nawalan ako ng ganang kumain. Sakto namang dumating si Rell.

"O, bakit ka nakabusangot diyan?" Tanong niya sa akin.

"Wala naman. Nagugutom na kasi ako eh." Sabi ko sa kanya kahit wala na talaga akong ganang kumain.

"Ano pala yung sasabihin mo?" Tanong ko.

"Ah...eh...saka na lang siguro yun Chief Q." Sabi niya. Tumango lang ako at nagsimula ng kumain.

Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na ako kay Rellione.

Umuwi ako sa bahay. Sinalubong agad ako ni Nanny Lucy at Yaya Mara.

"Iha, nakauwi na ang asawa mo. Pero mukhang wala sa mood. Puntahan mo nalang." Sabi niya. Tinanguan ko silang dalawa saka pumanhik na. Papasok na sana ako sa kwarto ng marinig kong nagsasalita si RJ.

"Gagawa ako ng paraan. Please, ang sabi mo ay maghihintay ka?" Sabi niya. Puno ng hinanakit ang boses niya.

Sino kaya ang kausap niya?

"Damn, Sam please...."

Sam? Samantha ba iyon?

"Samantha, kailangan ko itong gawin. Hindi ko pwedeng tanggihan si Mom ang Dad. Please..."

Parang gusto kong maiyak. So tama si Samantha? Siya talaga ang mahal ni RJ? At ako ang dahilan kaya sila nagbreak? Sakit naman nun.

Paano na ako? Paano naman ako? Matapos kong mahulog sa mga sweet gestures niya? Matapos ko siyang mahalin ng sobra? Ganun na lang yun?

"Sam...you know that I love you right?"

Doon na ako naiyak...

"I will not fall for her, I will never fall for her." Sabi niya.

Mas lalo akong naiyak. Pumunta ako sa guestroom at napagdesisyunan ko na doon na lang muna ako matutulog.

Inayos ko muna ang sarili ko.

Hindi Queen. Hindi pwedeng agawin ng babaeng yun ang asawa mo.

Hindi ko siya ibibigay kay Samantha kahit ito pa ang mahal niya.

Sweet siya sa akin. So ibig sabihin ay acting pang yun? Masakit isipin na ganun pero lalaban ako.

I will make him fall for me!

Married to Mr. Playboy(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon