Chapter eleven

1.8K 41 0
                                    

Queen's POV
Napangisi ako ng matapos ang tawag. Huwag ako Samantha. Kung mang-aagaw ka ay yung hindi ko pag-aari. Although hindi ko alam kung pag-aari ko ba si RJ. Ang alam ko lang ay ako ang may karapatan sa kanya. Dahil ako ang asawa niya.

Kasal kami. Sa papel lang man yun ay wala akong pakialam. Ako ang asawa niya.

Nahiga ulit ako. Dati naisip ko kung kaya ko rin bang gawin ang lahat para sa pag-ibig. Ngayon alam ko ng kaya ko rin pala.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng mahinang katok.

"Pasok, bukas yan." Sabi ko. Bumukas naman ang pinto at pumasok si RJ at lumapit sa akin.

"Bakit nasa guestroom ka? Dapat doon ka sa kwarto natin matulog." Sabi niya. Medyo amoy alak pa siya. Lalo siyang lumapit sa akin kaya mas lalo kong naamoy ang alak sa kanya. Bigla ko tuloy naalala yung tinext sa akin ni Clyton.

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.

"RJ ano ba? Tama na." Sabi ko habang tinutulak siya palayo sa akin. Ng makawala ako ay bigla nalang akong tumakbo palabas ng kwarto. Pumasok ako sa kwarto namin at nahiga sa kama.

Nagtaklubong ako ng kumot. Nakakainis siya! Matapos niyang makipaghalikan sa babaeng yun ay may gana pa siyang yakapin ang asawa niya! Wala siyang hiya!

Nanggagalaiti ako sa galit. Sobra!

Ilang minuto rin akong nasa ganung posisyon bago ko marinig kong bumukas ang pinto. Bakit kaya ang tagal niya? Siguro tinawagan niya na naman si Samantha.

"My sweetheart, I didn't mean to do that. I will never do it again." Sabi niya.

Inalis ko naman ang kumot na nakataklubong sa akin at hinarap siya.

Nakapagshower na siya pero feel ko na lasing to.

"Matulog ka na." Sabi ko.

Bigla nalang niya akong hinila at hinalikan. Hindi ko alam pero hindi ko nagawang lumaban.

And then, I totally gave in.

KINABUKASAN, nagising ako ng maramdaman kong may mabigat sa may tiyan ko. Napamulat ako at nakita ko ang kamay ni RJ na nakapatong sa tiyan ko.

Napabuntong-hininga na lang ako ng maalala ko ang nangyari kagabi. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Masakit yung katawan ko. Pati puso ko ay masakit din.

Ibinigay ko ang sarili ko sa lalaking hindi ako mahal pero asawa ko. Nakakainis.

Bakit kasi si Samantha pa rin ang mahal niya? Akala ko ba ay nagbreak na sila? Bakit nandito pa rin siya?

Nakakainis lang kasi ako yung asaw niya pero hindi ako ang babaeng mahal niya. Bumangon na ako at dumiretso sa cr.

Naligo ako at bumaba na. Pagdating ko sa kusina ay nagsabi lang ako kina Nanny Lucy na hindi na muna ako magbebreakfast.

Umalis na ako at dumiretso sa boutique. Pumasok kaagad ako sa office ko.

"Macky!" Tawag ko sa isa sa mga bagong empleyado ko.

"Yes Queen?"

"Nasaan si Mathilde?"

"Ummm....Queen, di po pala kayo nainform na nagleave muna si Mathilde sa trabaho. Pero di po namin alam kung bakit." Paliwanag ni Macky.

"Oh, ganun ba? Okay thanks Macky." Sabi ko. Tumango siya saka lumabas na ng opisina ko.

Kung ganun ay mag-isa ako ngayon? Ano kaya ang nangyari kay Mathilde?

Nagpatuloy lang ako sa mga dapat kung gawin. Makalipas ang isang oras ay naisipan kong pumunta sa Resto.

Paakyat na ako ng makita ko si Rellione na kausap si Blaike. Napansin siguro nila ang presensiya ko kaya lumingon sila sa akin.

"Chief Q, kamusta ka na?" Tanong sa akin ni Rellione. Ngumiti lang sa akin si Blaike.

"Rell, anong nangyari sayo? Mukha kang walang tulog?" Tanong ko rin sa kanya.

"Ano ba, Nazey, I am fine. Medyo puyat lang ng konti pero ayos lang ako." Sabi niya. Sumang-ayon na lang ako.

Kung ready na siyang sabhin sa akin ang lahat ay sinasabi niya naman. I know na mayroon siyang hindi sinasabi sa akin.

"Kakain ka ba? Anong gusto mo?" Tanong niya. Umiling naman ako.

"Ano nga pala ang ginagawa ni Blaike dito? Friends din ba kayo?" Tanong ko.

Napailing naman si Blaike.

"Mayroon lang akong sinabi sa kanya." Sabi naman niya. Tumango nalang ako sa sinabi niya.

Nabigla naman ako ng mayroong tumawag sa akin.

RJ Calling....

Bakit siya tumawag? Hindi ko sinagot yung tawag niya. Tumunog ulit iyon at iba na ang tumatawag.

Psssh....di manlang nagawang tumawag ulit.

Clyton Calling....

Napatingin ako kila Rellione. Tumango lang sila kaya umalis muna ako doon at bumalik sa office ko bago sinagot ang tawag.

"Hello"

(Hello My Queen. Guess what?)

"Hmmm? What?

(I saw your husband with Miss Samantha again. They are talking in a coffee shop. Laughing...!)

"Nasaan ka? Pupuntahan kita"

(Ow, how sweet My Queen. Nasa tapat ng Lavender's Coffee Shop. Black car My Queen.)

"Baka naman madaming black car diyan?"

(Malalaman mo naman agad ang kotse ko. Sige ganito nalang. Aabangan ko na lang ang kotse mo saka ako nalang ang pupunta sa iyo.)

"Sige, wait for me there Clyton."

Lumabas na ako ng boutique at sumakay sa sasakyan ko. Kaya pala hindi na nag-abalang tumawag ulit. Mayroon palang kausap na iba. Humanda kayo sa akin.





Ayan na po ang isa pang chapter. Baka every weekend lang ako makapag-update. May pasok na kasi eh.... Hindi ako sigurado kung makakapag-update ako ng madalas.

Married to Mr. Playboy(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon