Chapter nineteen

2.5K 30 5
                                    

Binasa ko po kasi yung story na ito at napansin ko na putol pala yung chapter nineteen. Hindi ko rin alam kung bakit. So, I decided to post it again.

Nazey's POV

As I've promised to my beloved best friend Mathilde, aatend ako sa kasal niya.

Limang araw nalang bago ang kanyang kasal, lumuwas ako kasama si Jared pabalik sa Manila.

Hindi na kami nasundo ni Clyton dahil sa naging busy ito sa kanyang trabaho.

"Sis, what if you happened to see my brother, what will you do?" Tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam ang gagawin ko Jared." Sabi ko sa kanya.

"I think, you need to settle your relationship with him. Hindi sa nangingialam ako pero I really think that it is best to tell him the truth." Sabi niya.

Well, he has a point. RJ needs to know and he have the right to know.

I sighed. I don't know what to do.

Sa sobrang pag-iisip ay dinalaw ako ng antok.

I woke up feeling my back pressed against the soft mattress of the bed.

Napabalikwas ako at napatingin sa kwarto kung nasaan ako.

This room is so familiar to me. That time, realization hit me.

I am in my room. In my parents house.

Iniisip ko kung ano na kaya ang kalagayan ng bahay namin ni RJ.

I want to go there. I don't know but I just feel like I need to go back there.

Umalis na ako sa kama at dumiretso sa banyo. Medyo maingat yung paglalakad ko.

Pagkatapos ko sa banyo ay bumaba ako sa may sala. Nakita ko naman si Jared na nagbabasa ng novel. Hindi ko alam ang title eh.

"Sis, you're awake. Nakatulog ka kanina. Hindi na kita ginising. Ang himbing ng tulog mo eh." Sabi niya. Nakatingin lang siya sa binabasa niya.

"Anong oras nga yung kasal ni Mathilde?" Tanong ko sa kanya.

"Mamaya pa. Pero kailangan mo ng magbihis. By the way, Sis, my brother will be there." Sabi niya.

"Jared, do you think it's about time? I mean, I know that he deserves to know but, is it really the right time?" Tanong ko.

"There is no right time for that Ate, as long as you have a time, say it." Yun lang ang sabi niya at nagbasa na naman ulit.

Maybe, it is the time.

Pagkalipas ng ilang oras ay nakapaghanda na kaming lahat.

Lulan ng sasakyan papunta sa simbahan ay kinakabahan na ako.

Anong gagawin ko kapag nakita ko na siya?

Anong sasabihin ko sa kanya?

Sasabihin ko ba agad?

Wala akong maisip na dapat gawin. Hindi ko alam.

Nang makarating kami sa simbahan ay pinaupo ako ni Jared sa upuan malapit sa altar.

Minutes later, nagsimula na nga.

They exchanged vows. I can see the happiness in their eyes.

I am happy for them. Sakto namang napalingon ako at nakita kong nakatingin sa akin si RJ.

My heart beats so fast upon seeing his face. He looks so stressed.

Hindi ba siya inaalagaan ni Samantha? Bakit ganyan ang itsura niya.

Pumayat din siya ng todo. Hindi inalis ang titig ko sa kanya.

He give me a small smile then look at the altar. Siya pa rin ang lalaking mahal na mahal ko.

Sana pala ipinaglaban ko ang relasyon namin.

Kasal pa naman kami diba?

I am Mrs. Rious. His wife.

Pagkatapos ng ceremony ay agad kaming dumiretso sa bahay ni Rell. Doon ginanap ang handaan at kung ano-ano pang ceremonies.

Nagkakasayahan ang lahat ng biglang sumulpot si Em kasama si Samantha.

Galit na galit ito.

"Wow! Masaya kayo? Mang-aagawa ka Mathilde! Akin dapat si Rell! Akin!" Sabi niya wagayway ng kanyang baril.

Napasinghap naman ang lahat. Agad akong nilapitan ni Jared.

"Don't be scared Sis, I am here." Sabi niya. Tumango lang ako sa kanya.

Bigla ring nagsalita si Samantha.

"Hello there my dearest RJ! Happy to see your wife again?" Sabi niya. Napansin ko rin na hindi siya buntis.

"Hello Queen. Matalino ka pero tanga pa rin. Hindi ko alam na maniniwala ka sa sinabi ko." Sabi niya sabay tawa.

"Sam, go away!" Pagtataboy ni RJ sa kanya. Hindi alam kung ano ang nangyayari.

Bigla nalang inagaw ni Samantha ang baril na hawak ni Em at itinutok ito sa akin.

"Samantha!" Sigaw ni RJ.

"I want you to see your wife before doing this." Sabi ni Samantha.

Namutla naman ako doon.

No!

Sumisigaw na si Mathilde at ang iba pang tao. Pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Here we go bitch!" Napapikit na lang ako ng marinig ko ang putok ng baril.

Wala akong maramdamang sakit. As in wala. Sumisigaw na ang ibang tao.

"Bro!" Sigaw ni Jared.

Napamulat ako at nakita ko ang duguang si RJ.

Hindi!

"Sweetheart..." Nahihirapan niyang sabi.

Agad namang nilapitan ng mga tao si Samantha para pigilan ito.

Nilapitan ko naman si RJ.

"Sweeheart...." Tawag niya sa akin.

"RJ, RJ, lumaban ka!" Sabi ko sa kanya.

"Mahal...na...mahal...kita..." Sabi niya. Mas lalo akong naluha. RJ please...

"Mahal na mahal din kita. Lumaban ka, kailangan kita. Kailangan ka namin ng anak natin. RJ!" Umiyak lang ako ng umiyak.

Nang makarating kami sa ospital ay agad nilang dinala si RJ sa ER.

Umiiyak pa rin ako habang yakap ko si Mathilde.

"Everything's gonna be okay." Sabi sa akin ni Mathilde.

"My brother is a strong man Sis. He is going to be alright." Sabi naman ni RJ.

Alam kong gusto lang nilang pagaanin ang loob ko.

"Alam niya ang tungkol sa baby hindi ba Jared?" Tanong ko.

"I am sorry Sis. Sinabi ko kay Kuya. Nakapunta kasi siya sa probinsiya. Hinahanap ka niya. Hindi para sa annulment, kundi para masigurong ayos ka lang. Kasama niya si Samantha that time. Pinagbabantaan siya na sasaktan ka kapag hindi pa napawalang-bisa ang kasal niyo. Hindi sinabi ni Kuya na nakita ka na niya. Ang daming nangyari Sis. He protected you. Nung malaman yun ni Samantha ay bigla nalang itong umalis. Hindi namin inaasahan na ngayon siya babalik." Paliwanag niya.

RJ...my RJ....

Lumaban ka please.... Hihintayin kita.

Ayan na....medyo natagalan pero ito na siya. Mga dalawang chapters nalang siguro. Di ako sure.... I will try to update as soon as possible. Thank you for supporting this story....

Married to Mr. Playboy(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon