Chapter eight

2K 47 2
                                    

Queen's POV
Madaling araw pa lang ay gising na ako. Nakauwi na pala kami sa Pilipinas. Isang linggo lang kami sa Canada. Naging maayos naman ang mood ni RJ after nun. Naging cheerful na siya uli.

Masaya naman ako kasi okay na siya. Pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang dahilan kung bakit nagbago ang mood niya. Hindi ko pa siya tinatanong uli.

Dito kami sa mansyon dumiretso pagkauwi namin. Binili niya ang mansiyon na ito bago pa kami ikasal. Napakalaki nga eh. Gusto ko sana na sa maliit na bahay lang, kaso sabi niya eh mas maganda daw na malaki ang bahay.

Well, yun ang gusto niya eh. Go with the flow na lang ako.

Bumangon na ako at bumaba para pumunta sa kusina.

Pagdating ko doon ay nakita ko agad si Nanny Lucy.

"Queen, gising ka na? Eh ang aga aga pa." Sabi niya.

"Kayo nga rin po eh, gising na." Sabi ko ng nakangiti.

"Ikaw talagang bata ka." Sabi niya habang umiiling.

Si Nanny Lucy ay matagal ng naninilbihan sa pamilya namin kaya masyado kaming close. Siya palagi yung kasama ko kapag may business trip sila Mom and Dad. Siya din yung umaatend sa mga family day ko sa school.

"Good morning Nanny Lucy." Bati ko sa kanya.

"Good morning iha, Manang Lucy gising ka na pala." Napalingon kami ni Nanny Lucy kay Yaya Mara. Ang kasambahay nila RJ na siyang dinala niya rito. Si Nanny Lucy kasi yung dinala ko dito sa mansiyon.

"Pwede niyo po ba akong tulungang maghanda ng breakfast?" Tanong ko.

"Aba'y syempre naman. Ano ba ang gusto mong lutuin?" Tanong ni Yaya Mara.

"Yung paborito po sana ni RJ." Sabi ko.

"Ay naku, tamang-tama. Alam ko lahat ng paboritong pagkain ng batang iyon." Sabi niya.

"Oh yun naman pala eh. Halika na iha at ng masimulan na natin. Para matapos bago magising yung asawa mo." Sabi ni Nanny Lucy.

Nagsimula na kaming maghanda. Sabi ni Yaya Mara ay paborito daw ni RJ ang sinangag at pritong isda at itlog na may kasamang fresh orange juice.

Ako na ang naghanda ng sinangag, si Nanny Lucy naman ang sa fresh orange juice at si Yaya Mara naman ang nagprito ng isda at itlog. Ilang minuto rin kaming naghanda bago natapos.

Hinanda ko na ang lamesa. Abala ako sa paglalagay ng plato ng marinig kong nagtatawanan sina Nanny Lucy at Yaya Mara. Nakakatuwa lang na naging close na silang dalawa.

Maya-maya pa ay narinig ko na tinatawag ako ni RJ.

"My sweetheart, nandito ka ba?" Tanong niya habang papalapit siya sa kusina.

"Nandito ako. Halika na at kumain ka na rito. Ipinagluto ka namin ng agahan." Sabi ko.
Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Sweet na yun para sa akin. Mas sweet daw kasi yung isang halik sa noo kaysa sa libo-libong halik sa noo. Well, para yun sa akin.

"Gumising ka ng maaga? Pupunta ka ba sa trabaho?" Tanong niya.

"Oo, gusto kasi ni Mommy na ihandle ko muna ang kompanya habang nagbabakasyon sila. Kasama nila ang parents mo." Sabi ko.

"Nasabi nga sa akin ni Mommy yun. Wala ba yung trusted employee ng Mommy mo at ilaw ang ipapahandle niya?" Tanong niya.

"Nandyan naman siya. Gusto kasi ni Mommy na masanay na agad ako. Ako din daw kasi ang maghahandle ng kompanya sa future." Paliwanag ko.

"Lalaki ba ang magguguide sayo?" Nagulat man ako sa tanong niya ay hindi ko na pinahalata.

"Hmm? Hindi ko alam eh. Walang nasabi si Mommy sa akin." Sabi ko.

"Ah, ganun ba?"

"Hmm."
Tahimik lang kami habang kumakain. Ng matapos na akong kumain ay tumayo na ako.

"Magshoshower muna ako." Sabi ko sa kanya.

"Sige, hintayin mo ako at ihahatid kita." Sabi niya at patuloy pa rin sa pagkain.

"Ang sweet naman ng asawa ko." Sabi ko sabay ngiti na nauwi sa tawa.

"It is my duty na ihatid ang asawa ko sa trabaho niya. Kinilig ka naman masyado." Sabi niya sabay ngiti ng nang-aasar.

"Kinilig ka diyan. Hindi noh. As if naman na kikiligin ako sa iyo!" Sabi ko. At umakyat na. Narinig ko ang paghalakhak niya. Nakakainis talaga tong lalaki na ito minsan.

Ay teh! Kinilig ka naman talaga. Deny pa!

Heh! Huo na nga. Kinilig talaga ako. Ang sweet niya kasi masyado eh.

Nagshower na ako at nagbihis ng pang-office na damit. Naglagay lang ako ng lip shiner at itinali ko yung buhok ko. In short, simpleng attire lang. Wala kasi ako sa mood magpaganda ngayon.

Pagkababa ko ay nakita ko si RJ na nakapagbihis na.

"Nakapagshower ka na agad?" Sabi ko.

"Dito na ako sa baba nagshower. Ang tagal mo kasing lumabas at saka ayaw naman kitang paghintayin kaya nagshower at nagbihis na rin ako." Sabi niya.

"Tara na. Ihatid mo na ako." Sabi ko sabay hila ng kamay niya.

Pagkalabas namin ay sumakay agad ako sa sasakyan niya. Isang black Lamborghini ang sinakyan namin. Ano pa ba ang iniexpect mo sa isang bilyonaryo?

Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Nang makarating kami sa kompanya ay sinamahan niya ako sa loob. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Partikular mga babae. Nakatingin sila sa asawa ko. Sorry girls, he's already my husband. Inangkin ko na. Natawa naman ako sa naisip ko.

"Sasama ka pa ba hanggang sa taas?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman, gusto ko lang makita yung guide mo." Sabi niya.

"Ah, sabi mo eh." Napailing-iling naman ako. Kakaiba talaga siya.

Married to Mr. Playboy(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon