Prologue

56 7 0
                                    


THIRD PERSONS POV



"Inay!! Huwag! Maawa ka sa kanya pakiusap!!" Isang nakakabinging hiyaw ng pag mamaka-awa ang bumalot sa maliit na sulok ng kagubatan.



Hindi alintana ang mga sugat na natamo at mga dugong umaagos mula dito, patuloy na nag pupumiglas ang dilag at nag mamaka-awa sa harap ng isang malaki at nakaka-suklam na nilalang.



"Hayaan mo, pag tapos ng nanay mo ay ikaw naman ang isusunod ko" Litanya ng isang nakakatakot na nilalang sa malalim at nakaka pangilabot na boses.



Kitang kita mula sa mukha nito ang galak at tuwa habang pinag mamasdan ang nag hihingalong katawan ng isang matandang babae sa kanyang harapan.



Hindi alintana ang sigaw ng dilag, nag patuloy ito sa kanyang nais na isagawa.



Unti-unting lumabas ang mga matatalim na kuko mula dito at tuluyang itinarak sa tyan ng matandang babae, rinig na rinig dito ang mahinang ungol na dulot ng sobrang sakit at pang hihina.



Tuluyang pinunit ng halimaw ang tyan ng babae at isa isang kinuha ang mga laman loob nito at kinain.



"HAYOP KA!! Pag sisisihan mo ang mga ginagawa mo!" matapang na litany ng dilag habang humahagulgol na pinapanuod ang pag kain ng isang halimaw sa kanyang ina.



"WAHAHAHA!!" isang nakaka kilabot na tawa ang pinaka-walan nito. "Ni minsan ay hindi pumasok sa isip ko na mapipigilan ako ng mga hamak na taong tulad nyo!" naka ngisi nitong banggit.



"At tulad nga ng ipina ngako ko," dahan dahan itong lumapit sa dilag. "Ikaw nama—" hindi na ituloy ng halimaw ang kanyang sasabihin dahil sa liwanag na pumalibot sa dilag.



Isang mainit at nakaka silaw na liwanag ang bumalot sa buong kagubatan.



Nang unti-unti ng nawawala ang liwanag ay laking gulat naman ng halimaw ng makitang wala na ang dilag sa kanyang kinaroroonan.



"Shit!" Inis na banggit ng halimaw. "What happen?" isang kauri ng halimaw ang dumating at naki simpatya sa nang yari.



"Nakatakas ang Insomiac, mukhang natuklasan na nya ang kakayahan nya."



Sa kabilang dako, sa isang syudad na nasa gitna ng kagubatan, nag titipon ang mga namumuno rito at tila ba gumagawa ng plano.



"Maraming salamat at nag ka totoo na ang propisiya, Malapit ng dumating ang mga sugo." Ika ng isang matandang babae na puro alahas ang buong katawan at naka suot ng magarbong damit na isinu-suot lamang tuwing may mga mahahalagang okasyon.



"Kailangan na natin silang hanapin, kailangan ng matapos ang sumpang ito. Sapat na ang mga dugong tumulo at mga buhay na nawala. Kailangan na nating lumaban." At sa mailing litanyang iyon, ay tila ba nag ka roon ng pag asa ang lahat ng nasa loob ng silid.




END OF PROLOGUE

ONE NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon