CHAPTER 1 - Gatlam Academy

38 5 1
                                    



Margo's POV



"Nanjan ka nanaman bat di ko maiwasang tumingin sa yong liwanag" feel na feel ko ang pag kanta ng aking sariling national anthem habang bumubuhos ang malamig na tubig sa aking katawan.



"Nadarang nanaman sayong apoy at bakit ba laging hinahayaan" Naliligo ako ngayon dahil may pasok ako sa school namin. As usual 7:30 AM ang pasok namin pero 5:00 AM palang ay naliligo na ako para matapos ko ang isang playlist ng mga kinakanta ko habang nasa CR.



"May lakad ka ba mama—" Napatigil ako at napasapo sa aking kanang balikat ng bahagyang uminit ito,



Hindi ko na sana ito papansinin ngunit habang natagal ay lalo itong umiinit na para bang pinapaso ako ng isang mainit na bakal.



"AAAHHHH!!!" Hiyaw ko dahil sa matinding sakit. Kitang kita ko ang pagliwanag ng aking balikat at nagulat ako ng makitang para bang may unti unting umuukit rito



"Margo!! Anak ka ng tatay mo! Wag ka ng bumirit birit dyan at maligo ka na ng ayos!" sigaw sakin ni mommy.



Hindi ko pinansin ang sinabi ni mommy, masyadong pre-occupied ang utak ko dahil sa sakit at gulat. Nag tagal ng limang Segundo ang sakit na naramdaman ko at pag tapos nun ay unti unti ng nawala ang init mula rito.



Laking pag tataka ko ng makitang meron ng marka ang naka ukit sa aking braso.



"A-ano to?" takang tanong ko sa aking saril.



Then everything went black.



Nang imulat ko ang aking mata ay puting kisame ang tumambad sakin.



"Mommy?" tawag ko sa aking ina ng makita ko itong nakikipag usap sa isang doctor.



"Oh anak gising ka na pala" naka ngiting tugon sakin ng aking ina. Pero wait lang. bakit parang namumula ang mata ni mommy? Umiyak ba sya?



"Anak may sasabihin kami sayo, huwag kang magugulat ahh"



Dahil doon ay lalo akong kinabahan, di ko na namalayan ang mga sunod kong sinabi



"May cancer ba ako mommy? Stage 4? Mamamatay na ba ako in less than 1 month?" mangiyak ngiyak kong sabi kay mommy.

ONE NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon