CHAPTER 4 - THE ALPHA

23 5 1
                                    


Margo's POV

"oiweurq this is us, your friend" nag mamakaawang sabi ng isang lalaki sa isang malaking hayop. Teka? Hindi ito isang hayop, isa itong halimaw.



"iouweqy please come to your senses! Don't let that filthy creature control you!" Pinilit kong intindihin ang una nilang sinasabi na sa tingin ko ay pangalan, ngunit sa tuwing babanggitin nila ito ay hindi malinaw na para bang ayaw ipaalam sakin ang pangalan.



Maging ang mga mukha nila ay malalabo rin. Hindi ko magets kung ano ang nang yayari at kung sino ang mga taong ito, pero isa lang ang nasisiguro ko, isa itong pangitain.



"GRRAAHHHH!!!" Hirap na hirap na sigaw ng halimaw. Tila ba isa itong gutom na gutom na leyon na nag pipigil kainin ang mga nakahandang pag kain sa kanyang harapan.



Muling umikot ang paligid at natagpuan ko ang sarili kong nakaahiga sa aking silid. Bumangon ako at naabutan kong naka titig sa akin si Mag



"Ay puka!" gulat na gulat kong sigaw "Hahaha gising ka na pala. Mag ayos ka na at pupunta na tayo sa Great hall. Iaanounce na daw ang class types natin." Tumayo si Mag at hinila ako patayo.



"Teka kanina pa ba ako tulog?" tanong ko sa kanya



"Hindi naman siguro mga 3 days lang" sabi nito sa akin na nag dulot ng panlalaki ng aking mata "Charot! Hahahaha! Mga 5 hours ka palang tulog! Simula nung makabalik tayo sa mga katawan natin ikaw lang ang hindi gumising , ang sabi ni Prof. Ynngrid masyado daw napagod ang soul mo."



"Ahh.." yun nalamang ang nasabi ko. Bigla ko naman naalala ang nangyari sa battle royal. "Mag, sino nga pala ang nanalo sa battle royal?" pag tatanong ko ditto habang kumukuha ng aking damit sa walk-in closet, naka gayak na kasi sya kaya ako nalang ang hinihintay nya para makapunta sa great hall kung saan gaganapin ang announcement ng Classes.



"Seriously? Wala ka bang naaalala?" Nag tatakang tanong nito sa akin. "Hmm wala akong naaalala. Ang huling natatandaan ko lang ay yung pinag tulungan ako ng mga chakang babae kanina, pag tapos nun ay wala na."



Tumingin sakin si Mag na para bang hindi makapaniwala. "Margo, walang nanalo sa battle royal, and that's because of you" sabi nya sa akin. "Huh? Kako ba you?" bakit naman ako madadamay dyan huh? Issue tong babaeng to.



"Nag sasabi ako ng totoo, bakit hindi mo ba talaga natatandaan?" pag uulit ng tanong nito sa akin. "You've lost control while you're trying to defend yourself from those bitches. Ang cool nga eh, pero for some reason, halos lahat ng nasa loob ng forbidden forest ay nadamay sa pinakawalan mong kapangyarihan."



Sa mga sinabing yon ni Mag ay unti unting nag sink-in sa akin ang mga nangyari. Totoo ba yon? Then ibig sabihin dark power ang element ko?

ONE NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon