CHAPTER 5 - Town of Purgal

21 4 0
                                    


MARGO'S POV



The most shocking moment of this month has now finally over, me and Mag, and the rest of the Alphas are now heading to our own classes which is exclusively for Alphas only. After the ceremony, I've received a golden badge that I found out as a pin with a design of the letter A with wings on its both side.



"So Girls, the name is Mhico, Mhico Chrysler. It's such a pleasure to meet you." Mhico handed his hand on us and we politely accepted it.

(A/N: Chrysler is pronounced as Krays-ler.)




"Hi mga sissy!! Aketch nga pala si Kenneth, Kenneth marvels!" Masiglang bati sa amin ni Kenneth. Grabe! Nakaka gulat naman tong beking to! I mean, hindi mo sya pag kakamalang beki kung pag mamasdan mo lang, napaka tikas ng katawan nito para sa isang nag dadalagang shokla.



"Ah-eh hello din" nag aalangan kong tugon dito, kahit pa namang sabihing sing kapal ng leather shoes ng tatay ko ang mukha ko eh nahihiya pa rin naman ako. Syempre ang apat na pinaka malalakas na estudyante sa GA ang kasabay naming mag lakad ngayon sa hallway no?!



"I'm Rinoa Azure" Parang wala ganang pag papakilala naman si Rinoa na nasa unahan. Kanina ay napag alaman ko ring sya ang itinuturing na queen bee dito sa school. Dahil na nga sa malakas sya, ay maganda rin ang pisikal na anyo nya kung kayat ganon na lamang sya tingalain ng mga estudyante ditto



Kaya nga lang, mukhang masungit at mataray



"Pag pasensyahan nyo na yang ateng nyo ah! Kaloka palibhasa hindi ko pinahiram ng lip-tint kanina" Bulong sa amin ni Kenneth na naging dahilan ng biglang pag hagikhik namin ni Mag.



"Hoy Baklang dinosaur! Ano yang binubulong bulong mo dyan?!" Mukhang narinig naman ni Rinoa ang sinabi ni Kenneth kaya kinabahan ako para sa kanya.



Akmang may sasabihin pa si Kenneth ng bigla nalang nag salita si Raydin "Can you just shut the hell up?" Ma otoridad nitong sita sa amin. Bahagya akong nakaramdam ng kaba at hiya. Napaka intimidating ng aura nya, nakaka takot syang I-approach.



"Akala ko pa naman mabait tong robber" Bulong sa akin ni Mag "Shhh baka marinig ka" Bulong kong tugon dito.



Matapos ang halos limang minutong pag lalakad ay natunton din naming ang isang kwartong may malaking pintuan, ng pumasok kami roon ay napag alaman kong hindi ito ang classroom kundi ay ang office ni Headmistress Eliz.



"Good Morning Alphas, It's nice to see you all here in my office. Please take a seat" umupo naman kami sa couch na katapat lang ng desk nya.

ONE NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon