Mayve's Point of View
Iminulat ko ang mata ko at agad-agad kong nasilayan ang matingkad na asul na pintura ng silid ko. Namulat ako sa katotohanan agad, na unang araw ko na sa bagong eskwelahan. Sa bagong eskwelahang pinamamahalaan ng pamilya ko. Kung saan wala akong balak na magpapansin sa mga estudyante, tahimik na uupo lamang sa isang gilid at didiretso sa opisyal na silid ng principal. Sabi ni mama kahapon, ako na raw ang hahawak sa eswelahang iyon, maari kong gawin ang anumang naisin ko. Pero syempre may limitasyon, at saka ayoko namang abusuhin ang kapangyarihan ko bilang may-ari. Kung tutuusin, hindi naman talaga ako ang may hawak, kun'di ang apelyido ko. At doon nakakapit ang lahat ng yaman na mayroon ako ngayon, kailangan ko pa ring magtaguyod sa aking sarili at gumawa ng sarili kong pangalan sa industriyang ito.
Narinig ko ang mahinang 'click' sound sa pintoan at nakita kong sumilip doon si Mama na may malawak na ngiting naka-plaster sa kaniyang mukha.
"Anak, Mayve, bangon na. You'll be late, and besides, it's your first day," Masiglang bungad niya sa akin, si Mama ang tipo ng taong masayahin. 'Yung tipong kahit anong mangyari ngingiti at ngingiti pa rin siya, kahit pagod na pagod na siya sa trabaho, ngingiti siyang abot mata. At kahit gloomy na ang atmospera ng buong bahay, ngingiti pa rin siya at sasabihing 'Anak, okay lang 'yan'.
"Yes, Ma."
Bumangon na ako gaya ng sinabi niya at naghanda na para salubungin ang eskwelahang pamamahalaan ko sa mga susunod na taon. Habang namamahala ako at gumagawa ng Principal Duties, ay nag-aaral pa rin ako bilang isang normal na estudyante. Kung tama ang pagkakaalala ko, inanunsiyo na ni Papa na darating ang kaniyang anak ngayong araw, pero mataas ang posibilidad na hindi nila ako pagkakamalang anak ni Papa. Sa suot ko ba naman, marunong akong humawak ng pera ngunit hindi ako marunong mag-ayos ng sarili. Kaya nga't tuwing may importanteng pagsasalo ang pupuntahan namin, kailangan pa ni Mama na tumawag ng isang sikat na makeup artist, at fashionista para lamang ayusan ako. Kahit anong gawin ko kasi, hindi pa rin kagandahan ang taste of fashion ko, at hindi ako matuto-tuto kung papaano mag-make up.
Bilang isang Mayve Lacibal Santos, matunog ang pangalan ngunit hindi ang hitsura, kailangan kong gawan ng lugar ang pangalan ko nang hindi ipinapakita ang hitsura. Ang sabi nila Papa, mas mabuti na raw na sa pangalan lamang ako kilala, para hindi ako mamukaan ng mga tao, para magkaroon ako ng kalayaang gumala sa mga pampublikong lugar, at para hindi pagtuunan ng pansin ng mga paparazzi at masasamang loob na gutom sa pera.
Dahil dito, mapayapa akong nakaka-
pag-aral sa Glydon Academy, ang nakaraan kong paaralan.Matapos maligo, ay isinuot ko na ang uniporme ng Xander Academy na nakakagulat ang disenyo.
Ang galing talaga ng mga ninuno ko.
Ang mga kalolo-lolohan ko pa ang nagdisenyo ng uniporme ng Xander Academy, dahil sinabi na rin sa akin na simula noon ay hindi pa rin nababago ang disenyo nito. Kakaiba kasi ang kulay, ang pagkakatahi, at ang overall design ng uniporme.
Bagay sa akin ang damit, at perpekto nitong niyayakap ang mga kurba kong hindi halata. Nakakatuwa nga dahil ang cute nito, para bang galing pa sa Japan, China, o Korea ang uniporme.
Hindi ako sigurado kung papaano ko papagandahin ang pananamit ko, kaya nagsuot na lamang ako ng mga salaming nakikita kong fashionable at hinahayaan ang buhok kong kulot dahil marami rin aakong nakikitang kulot ang buhok sa facebook, at ang ga-ganda nila doon.
"Mayve, kain na," Saad ni Mama pagkababa ko ng hagdan matapos ang pag-aayos ko.
"Opo, uhm Ma, nasaan si Papa?"
BINABASA MO ANG
That Cold Gangster Is My Boyfriend
FanfictionInakala ko nang mahirap ang maging isang tagapagmana, at ang panghawakan ang mga negosyo ng pamilya. Inakala ko ring magiging madali ang buhay eskwela ko dahil hindi ako pinagtutuunan ng pansin ng iba. Pero hindi ko inakala na magbabago ako, na magk...