Aaron's Point of View
Matapos ng laban namin nina Namjoon at Kookie ay agad akong dumiretso pauwi. Hindi ako p'wedeng pumunta ng ospital kahit na ganito ang lagay ko-- puno ng sugat at galos-- dahil panigurado'y uulanin ako ng tanong ng mga doktor at baka mabisto pa ang gang namin. Kaya heto ako ngayon, iika-ika habang naglalakad sa madidilim na daan papunta ng condo. Pundido na kasi ang mga lightpost dito at walang kwenta ang mayor kaya hindi pa 'to napapalitan.
"Help!" isang sigaw ng babae ang narinig ko. Mukhang desperada ang tono kaya agad akong luminga-linga kung saan 'to nanggaling.
Agad kong nakita ang tatlong anino, ang dalawang magkatabi ay tila sinusubukang umisa sa isang maliit na pigura-- tantsa ko'y iyon ang babaeng nanghihingi ng tulong.
Tsk. Mga manyak na naman.
Agaran akong tumakbo patungo sa mga anino, at nang makita ko ang pamilyar na mukha ng babaeng pinagp-pyestahan ay agad nandilim ang paningin ko. Nanginig ang aking kalamnan at biglang nag-apoy ang sistema ko.
Isa pang hawak mo pa sa kaniya, patay ka sa'kin. Lintik lang ang walang ganti.
Sumugod ako agad at sinalubong ng tadyak ang isang lalaki-- tulog agad dahil sa mukha niya 'yon tumama. Hinila ko naman ang kwelyo ng isa pang lalaki at pinaulanan ng suntok ang buong katawan niya. Wala na akong paki kung lumalala ang paghapdi ng mga sugat ko, ang importante'y masagip ko si Mayve.
Walang ibang pumapasok sa isip ko kun'di ang iba't ibang paraan kung papaano ko papahirapan ang dalawang mabyak na 'to. Pero kinailangan ko iyong pigilan nang mapaluhod na si Mayve at nakita kong mawawalan na siya ng malay. Agad ko siyang sinalo at bago siya mawalan ng ulirat ay narinig ko ang malambing niyang boses, "Aaron?"
------
Hindi ko alam kung saan ko iuuwi si Mayve kung kaya't dinala ko na lang siya sa condo ko. Buti na lang talaga't nilinis ko 'to kanina. Inihiga ko siya sa kama ko at kinumutan. Kailangan ko siyang paliguin mamaya para mawala ang dumi ng mga kamay ng mga manyak na 'yon sa birhen niyang katawan.
Habang pinagmamasdan ko si Mayve, napansin ko ang mahahaba niyang pilikmata at ang mapupula niyang labi. Nakakatakam.
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at pinagdampi ang aming mga labi. Malambot pa rin. Pikitmata kong nilalasap ang lambot at sarap ng kaniyang labi.
"Mahal ko, asahan mong poprotektahan kita kahit ano man ang mangyari. Sana alam mong pati ang sarili kong buhay ay itataya ko para lang sa kaligtasan mo. I love you," mahina kong bulong sa aking natutulog na minamahal.
Mayve's Point of View
Dahan-dahan ang pagmulat ko sa aking mga mata. Baka mamaya'y nandito pa rin ang dalawang manyak na 'yon.... pero naalala ko bigla ang pagligtas sa'kin ni Aaron. Salamat sa kaniya kasi hindi naituloy ng dalawang lalaki na iyon ang balak nila sa'kin.
Pero saglit, kailan pa naging itim ang kisame ng kwarto ko? Sa pagkakaalam ko, sky blue 'yon. Kaya nakaninong kwarto ako? At kaninong higaan 'to?
Bigla akong napabangon sa napaka-komportableng king-sized bed. Ang ganda sana, kaso puro itim. Mas gusto ko 'yong mga matitingkad na kulay.
Bumangon na ako sa kama at nag-ikot ikot muna sa kwarto, ang ganda ng kwarto-- malinis at kaaya-ayang tingnan. Pero nakakapagtaka kasi wala man lang picture frames doon kaya hindi ko malaman kung kaninong kwarto iyon.
BINABASA MO ANG
That Cold Gangster Is My Boyfriend
FanfictionInakala ko nang mahirap ang maging isang tagapagmana, at ang panghawakan ang mga negosyo ng pamilya. Inakala ko ring magiging madali ang buhay eskwela ko dahil hindi ako pinagtutuunan ng pansin ng iba. Pero hindi ko inakala na magbabago ako, na magk...