Chapter 3: BLΛƆKPIИK

620 7 0
                                    

[Jisoo, Jennie, Rosé, and Mayve]

Mayve's Point of View

"Alright, let's have an activity," anang Ma'am Pau. We answered her activity and did other things. Matapos ang eksena sa Auditorium ay nagsipuntahan na kami sa sari-sarili naming mga klase.

Nang matapos ang klase ni Ma'am Pau, iniligpit ko na ang mga gamit ko at maghahanda na sanang lumipat sa susunod na kwarto para sa susunod kong klase nang may tatlong naggagandahang babae ang humarang sa'kin. Kaming apat na lang pala ang natira dito sa room. Kumpara sa tatlong babae kahapon, ibang aura ang nararamdaman ko sa kanilang tatlo.

Magaan ang pakiramdam ko, nakangiti kasi silang tatlo. Mala-anghel rin ang mukha nila.

"Hi!" bati ng isang babaeng kulay kahel ang buhok. Ang tinis ng boses niya, parang bubuyog.

"You're Mayve Santos, right?" tanong ng nasa gitna. Singkit siya at halatang koreana, brown naman ang buhok niya kumpara sa babaeng kahel ang buhok kanina.

Tumango ako.

"You're Mrs. Santos' famous daughter!" saad naman ng babaeng nasa kabilang gilid. Itim ang buhok niya at hugis-puso ang labi.

Nakakatomboy naman sila.

"Yes. Anong kailangan niyo?" mailap kong tanong. Malay ko ba kung inuuto lang ako ng tatlo na 'to.

"Siguro na-trauma ka na kila Alice. Hais, ako nga pala si Rosé." Inilahad niya ang kanang kamay niya at matamis akong nginitian, tinanggap ko naman ang kamay niya.

"I'm Jennie, at siya naman si Jisoo," turo niya sa babaeng Gusto ko lang sanang imbitahan ka sa grupo namin." Nagkamay rin kami at nagngitian. Mukha naman silang mababait.

"Grupo?"

"Oo. Isang grupo na under YG entertainment. May talent ka ba?" saad ni Jisoo.

Nag-isip pa ako saglit. Mayroon nga ba? Uh, isinasali ako dati ni Mama sa mga contest. P'wede na kaya 'yon?

"Sanay akong magrap at sumayaw," nagdadalawang-isip kong sabi.

Pumalakpak si Jennie, "P'wede na 'yon!"

"Magii-schedule tayo ng araw kung kailan ka magt-trial para makapasok sa grupo."

Tumango-tango ako, "Sige, pero sa ngayon gumayak na muna tayo. May susunod pa tayong klase."

Nagsitanguan naman sila kaya lumabas na kami ng silid at pumunta sa susunod na klase.

------

Nang matapos ang klase para ngayong araw, naghintay ako sa waiting shed para sa sundo ko. Kahit kailan hindi pa nahuhuli si Manong, nasa'n na kaya siya?

Naghintay pa ako saglit pero nang mapansin kong hindi na talaga darating si Manong, nagpasya na lang akong maglakad pauwi. Medyo matatagalan ako kasi malayo pa dito ang village namin pero wala kasing dumadaan na taxi dito. Mahirap din pala kapag elite school.

Habang naglalakad ako sa madilim na parte ng eskinita, ang sidewalk na natatakpan ng matatangkad na abandonadong mga building, naramdaman kong may mga pares ng sapatos ang sumusunod sa'kin.

Kinilabutan ako kaya mas binilisan ko pa ang paglakad. Bumilis rin ang sa kanila. Nakakatakot na. Baka may multo dito? 'Wag naman sana.

Nawala bigla ang tunog ng mga paghakbang. Napahinga ako nang maluwag pero nagulat ako nang biglang may sumulpot na dalawang maskuladong lalaki galing sa madilim na parte ng lugar. Dapit-hapon na rin kasi kaya halos hindi ko na makita ang dinaraanan ko.

"Hi, Miss. Magpapasama lang sana kami," saad ng lalaking nasa kanan.

Magpapasama? Mukha ngang mas alam pa nila ang lugar na 'to kaysa sa'kin.

"Hindi rin po ako maalam sa lugar na 'to, pasensiya." Sinubukan kong iwasan sila para makadaan pero nang lalagpasan ko na sila, hinawakan ng lalaking nasa kanan ang braso ko.

"Ang bango mo naman, Miss. Baka gusto mong ituro na lang sa'min ang pinakamalapit na motel dito," bulong niya sa'kin.

Motel talaga? Ayaw sa hotel?

"Pakibitawan po ako, hindi ko po talaga alam ang lugar na 'to."

Tumawa sila, "Kung ituro na lang kaya namin sa'yo ang daan papuntang heaven?"

"Mga kuya, pakiusap po, pakibitawan na po ako."

Hindi sila nakikinig, patuloy lang silang tumatawa. Nagsisimula na akong matakot.

Alam ko na ang totoong pakay nila. Hindi ako bobo para hindi alam ang ibig sabihin nila sa heaven.

"Narinig niyo naman siguro siya, 'di ba?" May pamilyar na baritonong boses ang nagsalita sa likuran ko.

Nilingon namin siyang tatlo pero bago pa man ako makalingon, naramdaman ko na agad ang marahas na pagbitaw ng lalaking may hawak sa braso ko at sunud-sunod na sigaw ng dalawang lalaki. Pinagsu-suntok sila ng lalaki at sinisipa ang kalalakihan nila.

Nang mawalan ng malay ang dalawang nagtangka sa'kin, humarap naman ang lalaki.

Nagulat ako sa tagapagtanggol ko.

"Aaron?"

"Mayve."

That Cold Gangster Is My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon