Letter #1

43 5 0
                                    

Letter #1


Dear C,

Hi kuya! Alam kong hindi mo ako kilala hahahaha. Let me introduce myself, ako pala si Kristel Mendez, grade 9 student ako.



Ngayon ko lang narealize na ang gwapo mo pala! Crush na crush kitaaaaaa ❤️❤️


Nakita kita kanina sa may parking lot. Kasama mo mga kapatid mo, hinihintay niyo ata yung sundo niyo.


Naalala ko pa nga nung una kita nakita HAHAHA.


Pasukan nun, June 2016. Bali-balita sa school, may magkakapatid daw na mga gwapo ang nagtransfer.


Grade 11, Grade 10 tas Grade 7. Sayang nga eh, di nabiyayaan year level namin. Hahahahaha.


Nakita ko na yung nasa junior high, nadisappoint pa ako. Sabi kasi nila sobrang gwapo daw, pero di naman ako nag-gwapuhan. Okay, may itsura naman talaga sila pero alam mo yun....di ko sila type.


Tsaka 'di ko pa alam na may nakakatandang kapatid pala yun sila. 'Di ko pa alam na ikaw pala yung nakakatandang kapatid nila. Akala ko tatlo lang sila kasama na yung bunso na nasa grade 1 pa. Babae.


Mga July ata yon nung palabas na yung  sundo ko ng gate. Biglang nagtraffic kasi maraming sasakyan na pumapasok. Nakita ko yung tatlong magkakapatid at nakita din kita.


Syempre hindi pa kita kilala tapos hindi ko naman alam na mga kapatid mo pala yun. Tinanong ko pa yung kasama ko sa sasakyan.


"Sino yan? Ba't kasama niya yung magkakapatid na transferees? Tapos dala-dala niya pa yung bag nung bunso nila. Katulong ba nila yan? O driver?" Sunod-sunod kong tanong.


Bigla naman akong sinapak nung pinagtanungan ko.


"Baliw! Yan yung pinakamatanda sa kanila! Si C——!" Sagot naman niya.


"Ay? May kuya pa pala? Kala ko kasi tatlo lang sila magkakapatid."


"Oo, gaga!" Tapos bigla niya ulit akong sinapak pero binalewala ko lang yun. Napatitig kasi ako sayo. Sorry kuya! Hindi ko naman kasalanan kung ba't kita napagkamalang katulong ah. Hehehehe.


Sa inyong apat, ikaw lang kasi yung nakasuot ng civillian. Nakatalikod ka kaya hindi ko alam na student ka pala dito. Pero naalala kong wednesday pala ngayon, washday ng mga senior high.


Nakadikit pa yung mukha ko sa bintana ng sasakyan. Papalayo na kami noong nakita ko na ng maayos ang mukha mo.

Wow! Ang gwapo mo pala! Ewan ko pero sa inyong tatlong magkakapatid na lalaki, ikaw yung nakakuha ng atensyon ko.




Simula noon naging crush na kita. Pero ikaw yung pangalawang crush ko nung time na yun. Peace hehehe.



Yung unang crush ko, si Mark, crush ko na siya bago pa nagsimula ang pasukan. Ka-year level ko lang, nasa kabilang section. Sa kaniya pa nakatuon ang buong atensyon ko.



Yung kaibigan ko na palagi kong kasabay paglunch, classmate niya si Mark. Kaya palagi niya akong nilalakad dun.



Nakuha niya number ni Mark noong nagsembreak. Syempre naging magtextmate kami ni Mark.



Oh, babe! Chill ka lang. Wag kang magselos ah? Yieeee~



Kaya para hindi ka na magselos, fast forward na lang.



February 06, 2017. Naalala ko pa yung time na yun.



Flag ceremony sa gym, kasama kayo, grade 11 students. Nakapwesto na kami sa bleachers habang kayo naman nasa baba, sa may mga upuan kaharap ng stage.



For You, CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon