Letter #5
Dear C,
Hi! I know it's been months since the last time I wrote. Ayaw ko naman kasing distorbohin ka.
By the way, ang cute niyong dalawa ng girlfriend mo. 🙂 Bagay kayo....and alam kong hindi ko malalamangan yun.
She's pretty. I'm not.
But I hope na magstay strong kayo! At sana mahalin ka niya gaya ng nararamdaman ko sa 'yo.
I'm sorry. Naging emotional na naman ako.
Naalala mo ba yung chinat mo? Like a month ago?
C:
Kristel, tama pala...
Mapansin ko lang na mahiya ka sa 'kin sa personal. Wag kang mahiya! Approachable naman ako na tao. ☺️I don't know if I should be glad or what na napansin mong palagi akong nahihiya kapag meron ka. Na palagi akong tumatakbo palayo kapag alam kong tatawagin ka na ng mga friends ko pra lang asarin ako sayo.
O di kaya palagi ako pumupunta sa ibang direksyon para lang di magkrus ang mga landas natin. Kasi nakakahiya...kasi di kita matingnan sa mata sa kabila ng lahat ng nakakahiya na pinanggawa ng mga kaibigan ko sayo.
But I know, hindi ka naman apektado. Kasi ako lang yung may crush sayo. Ako lang yung nagiging OA dito.
Again, sorry. Because I really like you.
Yung iba kapag dumadaan yung mga crush nila todo sila papansin para lang makuha yung atensyon, pero ako? Sapat na yung alam kong malapit ka lang, ayaw kong magkalapit pa tayo.
Kasi natatakot na ako...na mahulog ng tuluyan. Sayo.
Delikado na kasi. Hindi naman ito yung first time. Alam ko yung signs and whatnots para malaman kung nahuhulog na ba ang isang tao.
I'm not dumb....nor blind.
Also, I don't want to experience that again.
Iyong mahulog ka ng walang sasalo.
Iyong nalunod ka at hindi ka na makaahon.
Kasi alam ko, C. Na hinding-hindi ka mahuhulog sakin.
I know that now.
***
One day, me and my friends were watching this movie. Then noong natapos na yung movie at nagkahiwa-hiwalay na kami, my other friend texted me saying na nakita ka raw niya.
I panicked. Kasi nasa iisang mall lang tayo. Sabi niya nakita ka daw niya sa may grocery store, so I went there. Ang tanga lang.
My heart was beating erratically that time.
Hindi kita nakita, so I chatted you that time...jokingly.
Me:
Hi! Nood tayo sine? My treat!Iyon iyong message ko. Joke lang naman yun pero ba't nasaktan ako sa reply mo.
C:
Sorry I have a date already.Boom. Wasak.
Ganun pala yung feeling na mareject...for the second time. I know I'm not pretty but loyal naman ako ah?
And dun nagsimula yung rumor, uhm not technically, basta narinig ko na lang na may girlfriend ka na pala.
Nagsimula yun sa pagpost mo ng picture niyo sa twitter na nakacover ng emoji yung mukha niya.
BINABASA MO ANG
For You, C
Non-FictionI had my first love when I was at a young age. I also got my first heart break months after. I loved once and promised myself that I will never cross the same path until I was ready. But love will really find you, again, when you least expect it. L...