Letter #7

34 2 1
                                    

Letter #7

Dear C,

I shouldn't be doing this.

I shouldn't be writing all these letters hoping that maybe one day you'll read them.

Most of the time tamad ako magsulat eh but when it comes to you...I feel like I could even write a bunch of stories, poems and letters for you and still don't get tired.

It's the end of the year. You gave me a lot of memories this year...well, kinda.

Sabi nila magconfess ka daw sa crush mo ng December 31 so that if you might get rejected, then sasabihin mo lang na "last year pa yan" or something like that.

Pero bakit hindi mo ako nireject? Is that even a good sign?

Nagconfess ako sayo at exactly 12:00 midnight, the start of the new year.

Me: Happy New Year! So, gusto ko lang sabihin sayo na crush kita.

Yep, it was straight to the point. No sugarcoated words nor flowery introductions. Just a straight-forward confession.

Alam ko naman na hindi mo kaagad nababasa yun since busy ka especially ngayon na you're celebrating media noche with your fam.

Pero nagulat ako na after a couple of minutes nagreply ka kaagad.

C: Hahahaha I knew that already 😂😂 Basta wag ka ng mahiya at maawkward towards sakin. G?

Tangina. Bakit walang any sign of rejection sa message mo. Parang in-eencourage mo pa akong ipagpatuloy yung ginagawa ko.

Kasi diba dapat yung common reply ng mga taong gusto natin ay "sorry di kita crush" or sometimes "ah haha" na lang nirereply kasi nakaramdam na ng awkwardness towards us. Tapos mapapansin mo nalang na sa susunod na na mga araw di ka na pinapansin.

Ganun dapat eh. Iyon yung reaction na akala ko gagawin mo pero hindi. Should I be honored? Or sadyang sanay ka na talaga sa mga ganitong scenarios kaya hindi na bago sayo na may nagco-confess na babae.

Anyways, nagreply lang ako ng "ok". Lol hindi ko naman na kasi alam anong isasagot ko, di naman tayo close or what.

Masaya dapat ako kasi simula pa lang ng bagong taon, ikaw kaagad bumungad. Di ko nga nirereplyan mga classmates ko sa group chat namin o kaya mga friends ko sa iba pang group chats.

But since January na ngayon, it means na tatlong buwan nalang bago ka grumaduate. Malapit ka ng matapos sa senior high at lilipat ng school.

***

The whole month of January passed by in a blur. As usual palagi kitang nakikita sa school at umiiwas ulit ako sayo.

Pero hindi na gaano. Di na ko tumatakbo papalayo kagaya noon hehehe pero yumuyuko pa rin ako o di kaya umiiwas ng tingin kapag magkalapit na tayo sa isa't-isa.

Malapit na pala retreat niyo! That means may reason na ako para magbigay ng letter sayo! Hahahaha.

Naalala ko pa nga di mo alam kung ano ibig sabihin ng palanca noong chi-nat kita. Ako pa nagsabi sayo na letter yun na binibigay kapag pupunta ng retreat ang isang tao.

Syempre nakaplano na kaagad kung ano ibibigay ko sayo. Hindi lang handwritten letter.

Nagtanong ako sa mga kaibigan ko na lalaki kung ano ba magandang ibigay sa lalaki o kaya ano gusto nilang matanggap na gift.

Shoes daw or any sports gear pero di kaya ng budget ko.

Books, opinyon 'to noong isang friend ko na mahilig sa books (lol kala naman niya sa kaniya ko ibibigay).

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

For You, CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon