Letter #6
Dear C,
It's been 2 months since yung huli kong letter sa 'yo.
Kamusta? Balita ko break na daw kayo.
Pota di dapat ako masaya kasi alam kong malungkot ka pero tangina sobrang saya ko.
Sa sobrang saya, nilibre ko yung mga kaibigan ko HAHAHAHAHA parteeehhhh
Late ko pa talaga nalaman, nakita ko kasi yung post nung ex mo na may caption na "Happy First Monthsary" tapos di ikaw yung lalaki.
Tangina ha di ko alam kung ano nangyare sa inyo but I've made my assumptions.
Alam kong malungkot ka ngayon kaya binigyan kita ng gift.
Since Christmas Party na bukas and last school day na this year bumili talaga ako ng chocolate sa convenience store para ibigay sayo bukas.
Di ko naman alam kung ano hilig mo na chocolates kaya nahirapan pa akong pumili.
Nakita ko naman yung Toblerone na nakadisplay sa may counter na buy 1 take 1 daw hahahaha nagpromo pa talaga kaya yan na lang binili ko.
Sayo yung isa tapos akin isa hihi.
Taena sana hindi fail 'to kasi naalala ko nung una, si A, bumili ako ng keychain nung birthday niya para sana ibigay sa kaniya kaso di natuloy kasi nakita ko siyang may kayakap iba nung papalapit na sana ako.
Sakit.
Pero nakamove on na ko, sosss ang tagal na non. Kapal ng mukha niya hahahahah.
Anyways, buti nalang di ako nahuli ni mama nung nakita niya yung toblerone kasi sabi ko sa kaniya ibibigay ko sa bestfriend ko.
Ang swerte mo, di ako nagbibigay ng regalo kahit kanino, pati bestfriends ko nga di ko pa nabigyan pero ikaw...
Special ka eh yieeeee....
So ngayon, nilalagyan ko na ng post it yung toblerone na may nakalagay "To C" tapos may maliit pa yun na ribbon kasi kasama sa buy 1 and take 1 nakasabit hahahaha.
Tapos inutusan ako ni mama na mahugas ng plato sa kalagitnaan ng pag-aayos ko ng regalo sayo pati na sa kaklase kong nabunutan ko ng pangalan.
Papunta ako sa kusina namin tapos yung palabas non parang babae na pinipilit yung sarili niya sa lalaki kahit ayaw nung lalaki.
Ouch. Relate.
Tapos nagulat ako sa bungad sa 'kin ni mama sa kusina.
"Oy ikaw Kristel. Kapag nagkagusto ka sa isang tao, di mo dapat habulin. Ikaw yung babae kaya ikaw dapat hinahabol."
Yan.
Yan yung sabi ni mama.
Wait lang ma, parang huli ka na sa balita.
Matagal na kong naghahabol.
May mali din kasi sa mga mindset ng mga tao eh. Ba't naman magbabase ka sa gender mo in terms of liking somebody?
Porket babae ka ba wala ka ng karapat umamin sa taong gusto mo?
Porket lalake ba ikaw nalang palagi naghahabol at nagpapakita ng motibo?
Hindi dapat ganun.
Kasi pantay naman na lahat eh.
Ako nga matagal na umamin sayo.
BINABASA MO ANG
For You, C
Non-FictionI had my first love when I was at a young age. I also got my first heart break months after. I loved once and promised myself that I will never cross the same path until I was ready. But love will really find you, again, when you least expect it. L...