Letter #3

19 5 0
                                    

Letter #3

Dear C,

Hi Kuya! Dito ka pa rin ba mag grade 12? Wag ka na pong lumipat ng ibang school pleaseeeee.

Mamimiss kita sobra. Ang dami ko ngang hinihiniling ngayon eh.

Na sana noong june pa lang kita naging crush para worth it yung buong school year ko. Nasasayangan kasi ako kung bakit february lang kita naging crush. Edi sana madami na tayo picture ngayon hehehe tsaka mas madami memories.


By the way, naaalala mo ba yung chat ko? Noong SHS Day niyo?

May jailbooth kasi nung time na yun, yung di ka paaalisin sa pagkakaposas kasama crush mo hangga't hindi niyo nasasagot yung mga tanong nung organizers.

Pumunta pa ako sa building niyo hahahahaha hoping na makita kita. Magpapaposas sana ako kasama mo. Heheheh #melende.

Pero ang daming tao nun, nasa labas halos lahat ng gr11. Kakahiya nga pumunta eh kami lang yung junior highschool. Kaya di na lang kami tumuloy.

Noong lunch break, kinuha ng mga kaibigan ko yung phone ko para i-chat ka.

"Hi kuya! SHS Day niyo pala ngayon?" Todo agaw naman ako sa cellphone ko dahil baka kung ano-ano na yung isend nila. Nakakahiya!

Hinintay namin yung reply mo pero hindi mo man lang sineen yung message.

After two days, nagreply ka naman. Lunch break namin at kasama ko pa rin mga kaibigan ko. Biglang nagpop yung chat head ng profile mo sa screen ko. Tumili pa nga ako ng sobrang lakas halos lahat ng nasa canteen, pinagtitinginan na ako.

"Ohmygod! Nagreply siya!" Sigaw ko naman sa mga kaibigan ko dahil naguguluhan din sila kung ba't ako tumili.

"Ano sabi?" Tanong ni Kylie.

C:
Yep. Nung monday and tuesday.

"Oh? Ano na? Reply-an mo!" Sabi naman ni Melanie.

Nag-isip naman ako ng magandang reply pero wala talaga akong maisip.

"Hindi ko alam kung anong sasabihin!" Sigaw ko naman. Fuck. Wala talaga ako maisip na reply, para akong namental block.

"Akin na nga!" Agad namang inagaw ni Kylie yung phone ko.

"Ano ang booth ng section niyo?" Sinasabi iyon ni Kylie habang tinatype sa phone ko.

Pagkatapos ng ilang segundo, biglang tumunog ang phone ko sabay ng pagtili nilang dalawa. Kaya halos lahat na ng mga tao dito sa canteen, nakatingin na samin.

"Wedding booth daw ohmygod!!!" Sigaw ni Melanie. Agad namang bumilis ang tibok ng puso ko.

Shet. Pakasal na tayo.

Nakatago pa yung mukha ko sa table namin habang puno ng mura yung utak ko. Fuckinghell. Oh shit. What the fuck.

Nagulat ako nang mas lalong lumakas ang tilian nila. Inagaw ko naman ang phone ko sa kanila, baka kung ano-ano na iyong pinagta-type nila!

Nagulat naman ako sa nabasa sa conversation natin. Grabe! Ang dami na! Ang bilis naman magtype ng mga yon!

Me:
Awww. Pwede tayo pakasal?

C:
Pwede hahaha nung tuesday sana.

Holyfuck. Tandaan mo yan, kasi sinabi mo talaga yan sa chat natin.

Me:
Pupunta sana kami nung tuesday eh pero di kami natuloy kasi akala namin bawal jhs

C:
Pwede naman mga jhs. Marami ngang grade 7 at grade 8 pumunta.

For You, CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon