Chapter 1:Introduction

179 1 0
                                    

Yung singkit na mata nyang nakakatunaw.

Yung ngiti nyang kumikinang.

Yung boses nyang mala anghel.

Yung dimples nyang lumalabas kapag ngumingiti.

Yung katawan nyang lalaking lalaki.

Yung height nyang 5'9 gosh! Ang tangkad.

Yung moreno nyang kulay,Waah! i like this man so much.

Yung buhok nyang mas malambot pa ata sa unan ko..

Haaayy! Napaka pogi! Ang pogi ng crush ko sobra!.

Yung paghawi nya sa buhok nya gosh ang pogi nya.

Yung nakakashoot sya sa ring Gosh! ang pogi nya.

Yung taas ng pagtalon nya at lumalabas yung muscles sa binti nya Gosh! ang pogi nya.

Yung Labi nya lalo na kapag ngumunguso Gosh! ang pogi nya.

Yung sa tuwing nakikita ko sya OH MY GOSH! yung mata ko nagiging puso.

Yung mga tao biglang nag-slow motion

Yung oras bumabagal ata.

Yung puso ko gustong-gusto lumabas sa dibdib ko.

"Hoy!winlove!"- Jaja

"Nagd'day dream na naman yang gagang yan"- Camille

"HOY! ANO!?"-Jorina

"................."-Me

*SNAP* SNAP* SNAP*SNAP*SNAP*

"Hindi ka nun gusto! Gumising ka!"-Jaja pambubwisit sakin ni jaja

At agad naman akong bumalik sa katinuan ko,at sabay pagpapakawala ng pagbuntong hininga ko.

"Hayyyy! lalabas na ata ang puso ko jaja"-Me sabi ko ng may mga ngiti sa labi.

"Aba teh! malala ka na! "-Lourdes

"Sira ulo ka win! may sapi ka ata!"-Jorina

"ARAW ARAW MAY SAPI YANG GAGONG YAN!" -Camille

"Hahaha, Si Jerold na naman yung nasa imagination mo noh!?"-Jassmine

"uhmmm.yesss"-Pag sang-ayon ko sabay kagat sa pang-ibabang labi ko

"IWWWWW!"-silang apat sabay-sabay

"Ano ba yang dino-drawing mo patingin nga!"- Jaja sabay hablot sa oslo paper ko.

Hindi ko alam kung anong dino'drawing ko basta ang alam ko lang nung nagsimula akong maglapat ng lapis sa oslo paper hinayaan ko lang yung kamay ko gumalaw pero alam kong nagpoportrait ako.Pero di ko talaga alam kung ano yung pinoportrait ko.Wala ako sa katinuan nung mga oras na nagpoportrait ako HAHAHA nag d'day dream ako eh.

"Patingin Ja!"-Jorina

"oo nga, patingin nga!"-Lourdes

"Can i see?"-Camille

Tumayo sila sa kinauupuan nila at sabay sabay pumunta kung saan nakaupo si jaja habang pinagmamasdan ang drawing ko.Nung makita nila drawing ko sabay sabay silang nanlaki ang mata at biglang humagalpak ng tawa!

"Anong nakakatawa?"-Me

"Hahaha malakas na talaga ang tama mo sa utak pre! hahaha"- Jorina

"Tang ina mo ka! mag-aral ka muna! hahaha"-Camille

I LIKE YOU SO MUCH YOU'LL  KNOW ITWhere stories live. Discover now