Win' s POVNakakainis talaga eh! Konting arte kagat agad yung jerold na yun! Ayos na sana eh, Bakit ba laging sumusulpot yon? Lagi nya na lang kinakampihan si kristhel. Ano bang laban ko sa babaeng yun eh Maganda,Tisay, Chinita, Alam nyo yung mala dyosang kagandahan yun ganun yun, tapos ang tangkad pa pang model ang height, tapos matalino pa, isa pa sya sa mga sikat na babae dito sa school tapos ang yaman pa. Oh see?? Anong laban ko? sa liit kong to baka isang dampi lang sakin ng balingkinitang katawan nun baka tumalsik na ako papuntang Mars eh sa tambon ba naman ng pwet nun sa laki din ng boobs. Samantalang ako pinagkaitan ako ng boobs may pwet naman ako kaso BOOBS??? WALA AKO NUN! hindi din ako matalino nangongopya nga lang ako kay camille eh tsk! Bat ba kasi pinagkaitan naman ata ako masyado? HAYY! KAINIS!
"Ate ayos ka lang?"- Bata
"Ah oo naman,yan tingnan mo yung polo mo oh may mantsa ng milo"-Ako
"Ayos lang po ate konti lang naman po eh"-Bata
Natuon yung paningin ko sa kamay namin nung bata nakahawak sya sa palad ko. Habang yung isa nyang kamay ay may hawak pa ding plastic cup yung lalagyan ng milo pero wala na itong laman.
"Bakit ayaw mo pa itapon yan?"-Ako
"Wala po kasing basurahan ate"-Bata
"Jan mo na lang iwan sa tabi oh"- Ako habang itinuturo yung bodega
"Ate sabi ni papa sakin itapon ko daw po yung basura ko sa tamang basurahan"-Bata
"Ayy hehe sabi ko nga "-Ako
Habang patungo kami sa room namin kasama yung bata.Nakahawak pa din ito sa palad ko habang yung mga kaybigan ko ay nakasunod lamang samin.
At tahimik naming tinatahak ang daan paountang classroom.Nang makarating kami sa classroom ay agad kong binuksan ang pinto ng classroom namin at iginala ko ang mata ko hinahanap ko si sheen eh.
"Uy bata yun si shee..."-Ako
"KUYA SHEEN!"-Bata
Kakagulat tong batang to bigla bigla nalang nasigaw jusko! Agad namang lumingon si aheen sa direksyon namin.Pumasok kami nina camille sa loob ng classroom kasama yung bata.
Umupo naman agad sina jaja sa sarisarili nilang mga upuan ganun din naman ako pero hindi pa rin bumibitaw tong bata sa kamay ko
Nang makaupo na ako sa upuan ko ......
"Ate pede pong pakalong po?"-Bata
"Jan ka na lang umupo sa upuan na yan oh jan sa tab...."- Ako
Biglang sumulpot si sheen sa harap namin nung bata kaya napatingal kami nung bata.Bakit ba kasi ang tangkad nitong lalaking to.
Umupo si sheen sa upuan ni jerold.Dun ko fapat pauupuin itong batang to eh.
"Ate kalungin nyo po ako"-Bata
Tiningnan ko muna sheen.
Nakangiti ito habang pinagmamasdan kami nung bata kaya napangiti rin ako ng bahagya.
"Sige lika dito"-Ako
Kinalong ko yung bata pero hindi pa din bumibitaw yung bata sa pagkakahawak sa palad ko.
" Magkakilala kayo? Paano?"-Sheen
"Ah hehehe ano kasi a-ano..."-Ako
"Kuya pinaabot nya po kasi sakin yung gatorade"-Bata

YOU ARE READING
I LIKE YOU SO MUCH YOU'LL KNOW IT
General FictionI Like You So Much You'll Know it Isa ka ba sa mga babaeng may Ultimate crush? Na araw araw umaasang magustahan sila ng crush nila? Isa ka rin ba sa mga babaeng kapag nagmahal handang suportahan si boylet sa kahit na anong laban? Ikaw rin ba yung ba...