Habang nasa byahe ako naisipan kong kung uuwi ako sa dorm ngayon 9 pa lang naman ng umaga anong gagawin ko mag hapon sa dorm? Tititigan maghapon si taylor?Tsk! Idinial ko kaagad ang number ni camille at agad naman nyang sinagot ang tawag ko.
*Hello?*- Camille
*Camille nasa dorm ka ba?*-Ako
*Wala nasa bahay ako binisita ko muna sina mamy*-Camille
*Punta ko jan?*-Ako
*Family bonding to eepal ka?!anak ka anak ka!?-Sarkastiko nitong sagot
*Hindi! Kabit! Kabit ako ng tatay mo!*-Sarkastiko ko ring sagot
*Pesti ka! Bakit ka ba nang iistorbo!?*-Camille
*Kung uuwi ako agad sa dorm wala naman akong gagawin dun-Paghihimutok ko
*Sa bahay nyo duh!Usong bumisita sa nanay mo!"-Sarkastikong opinyon ni camille
*Alam mo namang laging wala sina mamy sa bahay"-Ako
"Malay mo nandun"-Camille
"Wala yun dun nasa trabaho nya yun"-Ako
"Pumunta ka sa shop nyo,o kaya bisitahin mo si ate winter o si ate winmill"-Camille
"Utot ka! nasa ibang bansa si ate mill at sa tingin mo kaya kong bisitahin si ate winter?baka nga kakatuntong ko pa lang sa harap ng dress shop ipatapon na ko nun palabas ng mall eh!"-Ako
"Oh sya sya!,Sige pupunta kami nina jaja jan sa dorm mo maya maya dumeretso ka na sa dorm bye bye na"-Camille
Agad naman akong binabaan ng telepono ni camille hihi kitams hindi ako natiis ni camille hahaha
"Manong dun lang po sa may tapat ng school"-Ako
"Studyante ko roon?"-Tanong ni manong
"Ah opo"-Ako
"Ibig sabihin mayaman ka at matalino?Kung gayon napakaswerte mo ineng"-Nakangitin usal nito
"Ah hehe di naman po manong"-Ako
"Alam mo bang jaan nag-aaral ang anak ko?"-Manong
"Iskolar po ang anak nyo manong?"-Ako
"Hindi,sa katunayan buwan buwan kong binabayaran ang tuition ng anak ko.."-Manong
"Po??Eh diba po 10 k monthly?pano po yun?"-Ako
"Handa ko naman tiisin ang lahat ng hirap at magsakripisyo para sa mga anak ko ineng, mahal ko sila eh,oh!Andito na pala tayo sa tapat"-Manong
"Ayy! sige po manong salamat po magkano po manong?"-Ako
"150 lamang ineng"-Manong
Agad akong naghanap ng 150 sa wallet ko kaso wala akong barya kaya buong 1K ang binigay ko kay manong.
"Ineng wala ka ba riyang ba...."-Manong
"Manong keep the change po babaye po salamat po"-Mabilis akong bumaba at lumayo sa taxi
Binabalik din kasi ni manong yung pera sakin pero ayaw kong tanggapin tulong na din kumbaga.Habang akoy naglalakad papasok sa school iniisip ko pa rin kung ano bang buhay meron si manong.Nung makita ko yung mata nya parang pamilyar sakin yung mata nyang yun pamilyar talaga eh..Parang nakita ko na yon di ko lang alam kung saan kung kelan..May halong awa ang nararamdaman ko kay manong kasi syempre di ba mukha namang mahirap yung buhay ni manong halata naman kasi nung madampian ko yung palad ni manong nung iabot ko yung bayad ko napakatigas at tila mag gasapang ang palad nya eh sabi ni mamy sakin kapag daw matigas at maggaspang ang palad sobrang sipag daw nun tapos pina aaral nya pa yung anak nya sa eakwelahan namin pano sya kumikita ng 10K sa isang buwan?Siguro may part time job si manong?Pero kung driver lang ang trabaho ni manong imposible syang makaipon ng 10k a month syempre di ba gagastos pa sya pangkain,pambayad ng kuryente at tubig at iba pang mga bayarin.Siguro nga may part time job si manong..
YOU ARE READING
I LIKE YOU SO MUCH YOU'LL KNOW IT
General FictionI Like You So Much You'll Know it Isa ka ba sa mga babaeng may Ultimate crush? Na araw araw umaasang magustahan sila ng crush nila? Isa ka rin ba sa mga babaeng kapag nagmahal handang suportahan si boylet sa kahit na anong laban? Ikaw rin ba yung ba...