CHAPTER 15:

10 0 0
                                    

Mga taong malalawak ang mga ngiti,mga bituing kumikislap kasabay ng pinakamahalagang gabi ng aking buhay.Ipinikit ang aking dalwang mata habang humihiling sa poong maykapal.Hinipan ang ang kandila kasabay ang pagmulat ng aking mata...

*BAMMM!*

O.O Tumayo ang aking balahibo sa pagkakagulat dahil sa isang malakas na putok ng baril.Lumingon ako sa aking likod dahil may humila sa laylayan ng gown ko. Isang kamay na may dugo ang aking unang nakita at humawak ito sa kulay pink na gown ko tiningnan ko kung kaninong kamay iyon nakita ko ang isa sa mga taong napakalapit sa puso ko.Isang taong nakahandusay sa damuhan sa harap ng madaming tao habang duguan at patuloy na umaagos ang dugo sa dibdib nito.Nanlalambot ang tuhod ko hanggang sa napaluhod ako sa may ulunan ng taong yun tiningnan nya ako ng deretso sa aking mata kasabay ang pagpatak ng luha naming dalawa habang siya ay naghahabol ng hininga pilit kong tinatakpan ang dibdib nito para tumigil ang pag agos ng dugo.Nanginginig ang kamay ko habang ginagawa ko iyon dahil sa sobrang takot,  hanggang sa nagbitiw siya ng isang salita.

"Ingatan mo ang anak ko"- mahinang usal nya

Humagulhol na ko ng iyak marahil sa kalungkutan at takot napapalibutan ako ng mga nagkakagulong tao na tila hindi na din nila alam ang gagawin.Nang biglang may humila sa aking magkabilang braso palayo sa isa sa mga taong importante sa akin.Mabigat at tila mahigpit ang hawak ng mga taong iyon sa braso ko.Habang tumutulo ang luha ko ay kasabay nito ang paulit-ulit kong pahiyaw dahil inilalayo nila ako sa mga magulang ko na maging lahat sila ay bakas ang takot sa mga mukha kaya marahil hindi nila ako matulungan.Nang biglang sumulpot ang ama ko sa aking harapan habang nakakangiti ito sa akin ang dalwang kamay nito ay nakataas sa dalwang gilid na tila ba ay may hinaharangan.

"Ipikit mo ang mga mata mo nak."-Ama

Kaya agad ko itong ipinikit

"Mahal kita anak"-Ama

Papa....

*BAAAAMMM!*

Isang putok ng baril ang narnig kong muli dahilan para mabigla ako at mabuksan ang aking mata nakita kong pilit na nakangiti ang aking ama ng magtama ang aming paningin ay mas lalong lumawak ang ngiti nya sakin

"papa..,"-Mahinang tugon ko

*BAAAMMMM!*

Kasabay ng pangalwang pagputok ng baril ay pagtalsik ng mga dugo sa aking pink na gown at sa aking buong katawan pati narin sa aking mukha.Lumaki ang aking mata,bumilis ang tibon ng puso ko, nagsisikip ang dibdib ko,bumibigat ang katawan ko,nag-iinit ang mata ko.

Ibinaling ko ang aking tingin sa aking ama,nakita ko itong nakahandusay at tila malakas na umaagos ang dugo sa kanyang dibdib at ulo.

Agad akong binitawan ng dalwang tao na dumakma ng braso ko masyado na akong nanghihina dahil sa mga nangyayare.

Napaupo ako at itinaas ang aking dalwang kamay kapantay sa aking dibdib tiningnan ko ang aking mga kamay na puno ng dugo hinaplos ko ang aking pisngi may bahid din ito ng dugo para akong pinaliguan ng dugo ang pink kong gown ay tila namumula dahil sa dugo.

Napako ang tingin ko sa aking ama na nakahandusay.

Napako ang paningin ko sa kanya ang bigat bigat ng pakiramdam ko ayaw mag sink in sa utak ko ang nangyayare.

Dahan dahan akong tumayo kahit na ang bigat bigat ng buong katawan ko pinipilit ko pa din tumayo nang ako ay makatayo pinilit kong maglakad kahit nangangatal ang aking buong katawan.

Naglakad ako papunta sa aking ama.

Nang madampian ng palad ko ang mukha ng aking ama na tila sira na dahil sa impact ng pagbaril sa kanya pero kahit ganun hindi ako nag alinlangan na hawakan ang akin ama.

Kasabay nito ang pagpatak ng aking mga luha at hagulhol na pagkalakas lakas na tila wala na ata itong katapusan sobrang bigat na ng nararamdaman ko ang sakit sakit na! Ayo ko na!

"PAPA!!!!!!PAPA!!!!!!!"-Paulit ulit kong hiyaw

Papa...😭😔

I LIKE YOU SO MUCH YOU'LL  KNOW ITWhere stories live. Discover now