CHAPTER 17:Hindi ka Worth it

18 1 0
                                    

Hinayaan na naming sumama si lory samin.Hanggang sa makarating kami sa canteen at makabili ng pagkain kwento pa din sya ng kwento ang daldal nya hahaha nakakatuwa.Ang ganda gandang babae salahula parang katulad din namin sya makakilos.

Kesyo daw kaya lang sya nagkakaroon ng kaybigan kasi famous sya,Mayaman at may boypren na Peymus at gwapo.

Habang nakain kami kwento parin sya ng kwento.Tagatawa at taga side comments kami haha

"Alam nyo guys,yung kristhel na yun naging kaybigan ko din yun"-Lory

"TALAGA?"-Lahat kami

"Oo,Masama talaga ang ugali nun ewan ko ba inborn na yata paggiging maldita nung babaeng yun"-Lory

"Bakit?Namalditahan ka na ba non?"-Jorina

"Syempre hindi,Husay naman sya kay jerald kapag minalditahan nya ko noh"-Lory

"Wow, superman hahaha"-Ako

"Tsaka isa yun sa mga babae dito sa school na tuko kung makadikit kay jerold"-Lory

"Halata nga "-Camille

"Oo nga eh,Hinawakan pa ni jerold ang kamay ni kristhel"-Ako

"Yeah,and i think nag assume na naman si kristhel kanina na gusto sya ni jerold.Assumera din yun eh"-Lory

"Tsss!"-Tugon ni win

"Uy selooossss"-Lory

"Hahahaha"-Sabay sabay kaming nagtawanan

"di ah"-Win

"Alam mo bang ikaw lagi yung nakakakuha ng atensyon namin ni jerald kapag may game sila boses mo yung nangunguna sa pagchecheer eh."-Lory

"Buti pa kayo nakukuha ko yung atensyon nyo.Samatalang si jerold pinagkakaitan ako masyado ng atensyon"-Win

"Ang Artiiii ni atii"-Lourdes

"Oh eh ano kung di ka nya mapan..."-Jaja

"Hi po ate"-Bata

"Sino ka naman?"-Jaja

"Hindi po ako sinoka,inire po ako ng nanay ko "-Bata

"Haha aba pilosopo"-Jorina

"Uy bata"-Win

"KILALA MO TO?"-sabay sabay naming sambit

"Ah oo,sa kanya ko pinaabot yung gatorade na binigay ko kay jerold"-Win

"Seriously???"-Camille

"Bakit?May masama ba dun?"-Win

"Gumamit ka ng bata ng dahil lang sa bugok na yun"-Camille

"Ang pogi naman nyang bugok"-Nakangiting usal ni win

"Akala ko ba nagseselos ka?"-Camille

"Oo nga akala ko ba?galit ka kay jerold?"-Lourdes

"oo nga"-jorina

"Biglang nawala eh haha"-Win

"Haha,by the way bakit ka ba nandito batang cute"-Lory

"Magpapasama po sana ako sa room nyo pupuntahan ko po kasi si kuya sheen balita ko po kasi pinalipat daw po sya ng strand"-Bata

"Ah sige samahan ka namin"-Ako

Nagsitayo na kami at tuluyan ng umalis sa canteen kasama yung bata.Na ngayon ay nakakapit sa kamay ni win masyado syang clingy kay win ha..

"FUUCCCCKKKK!!"-Kristhel

Sa pagsigaw na yon.

Napalingon kaming lahat.

"S-sorry po ate"-Pagpapaumanhin nung bata

"Anong sorry!?Mabubura ba ng sorry mo yung mantsa sa palda ko ha!?"-Kristhel

"T-teka lang naman kristhel wag mo namang sinisigawan yung bata"-Win

"WAG SIGAWAN!???Panong di ko yan sisigawan eh! tinapunan nya ko ng milo!!!!"-Kristhel

"a-ate di ko naman po sinasadya"-Bata

"SINUNGALING!ANG SABIHIN MO TATANGA TANGA KANG BATA KA!!!"-Kristhel

"s-sor..."-Bata

"Hoy!kristhel! Pati ba naman bata pinapatulan mo!?Ha!?Wala KA TALAGANG DELEKADESANG BABAE KA!!"-Hiyaw ni lory sakanya

WIIIIW!!PALABAN ANG NEW FREND NAMIN..

"Ha!Ako pa ang walang delekadesa!?You freaking weirdo!!!"-Kristhel

"IKAW ANG FREAK!!ANG TANDA TANDA MO NA NAPATOL KA PA SA BATA!"-Win

"Hay! Tatanga-Tanga ka kasing bata ka eh! Wala bang nagtuturo sayong bata ka ha!!???Lampa!Lampa! Bwisit!"-Naghuhumiritadong usal ni kristhel

"Ikaw ang hindi tinuturan nang tamang asal! MAY NANAY KA BA HA!!??"-Jorina

"SIGURO WALA! ASAL KANTO UGALI EH!"-Ako

"Yakkk ano ba to?? huhuhu lagi nyo nalang akong binubully ang bago bago ko dito lagi nyo nalang akong inaaway! Ano bang problema nyo saken? i try to being nice naman saunyo eh"-Kristhel

Anong!?Nababaliw na ba tong isang to!
BEING NICE!!?? BEING NICE!!??
PUTA PIGILAN NYO KO!
MATATADYAKAN KO TONG BABAENG TO!
GANDA GANDANG BABAE!
MAY SIRA PA ATA SA ULO!
kanina ang taray taray tapos ngayon nagmamaktol na parang bata???

"ARE YOU CRAZY!?"-Takang tanong ni win

"Kristhel..what happened?"

Agad naman kaming napatingin sa lalaking nagsalita..


Si jerold pala..

EPAL TALAGA TO!


"Inaaway nila ko,look! tinapunan nila ko ng milo oh! "-Kristhel

"A-ano!?"win

"I try to being nice naman to them but they are so rude"-Pagpapaawa ni kristhel

MAY SINTO SINTO TALAGA TONG BABAENG TO!

""Ano na naman bang kalokohan to ha!?"- Galit na tanong ni jerold

"A-anong?!sinunga..."-Win

"Wala ka na bang matinong gagawin ha?!!!"-Jerold


Nagtiim ang bagang ni win  kasabay nito ang pagtiklop ng kamay nito na pawang manununtok..

Ngumiti ng bahagya at pilit si win nagsalita ito ng hindi nakatingin kay jerold sa sahig lang ito nakatingin.

"Kelan ba ko gumawa ng tama sayo?Lagi namang mali,Lahing mali ang nakikita mo..."-matamlay na usal ni win

Lumapit yung bata kay win at hinawakan ang palad nito.

"Ate halika na po.."-Bata

Hinigit nung bata palayo si win kay jerold kaya naman sumunod na agad si jorina,lourdes, at camille dun sa dalawa habang ako ay nakatayo parin at nakatitig lang dun sa pwestong pinag alisan ni win.


Nang biglang lumapit si lory kay jerold.

"Alam mo jerold masyado mong binabalewala at inaaksaya ang taong WORTH IT"-Lory

Tinalikuran ni lory si jerold...

Lumapit at hinawakan ni lory ang braso ko..

"Tara na jaja,wag tayong mag-aksaya ng panahon sa mga taong HINDI WORTH IT NA HINTAYIN O MAHALIN"-Lory

Tuluyan na naming tinalikuran si jerold at kristhel.

Sumunod na kami ni lory kina Win.

I LIKE YOU SO MUCH YOU'LL  KNOW ITWhere stories live. Discover now