👿👿👿👿

17 0 0
                                    

(THIRD VIEW)

"Sir hindi ko na ho kaya"-

"Ano bang mahirap don!? Nakapatay ka  nga dati! "-

"Sir, hindi ko na kayang madagdagan pa ang kasalanan ko sir"-


"GAGAWIN MO! ANG GUSTO KO! "-

"Sir..."-


"Sasagutin ko ang pampagamot ng anak mo."-


"Sir..pasensya na pero ayoko ho"-



"KUNG HINDI MO GAGAWIN ANG GUSTO KO! TATAPUSIN KO ANG BUHAY NG DALWA MONG ANAK!"-


"Sir....."-


"Madali lang naman akong kausap.. sa oras na umoo ka babayaran kita ng limpak limpak na pera ako na din ang bahala sa pampadialysis ng anak mo. Pero sa oras na tanggihan mo ako alam mo naman siguro ang mangyayari Hindi ba??hahaha Tutal stage 2 na ang cancer ng anak mo mamamatay din naman sya bakit di na lang natin padaliin ang buhay ng anak mo!? hahaha WAG NA NATIN PANG PAHIRAPAN ANG ANAK MO, WALA KANG SAPAT NA PERA PAMPAGAMOT! KAYA KUNG HINDI MO GAGAWIN TO! MAMAMATAY ANG ANAK MO! Ano bang gusto mo? Pahirapang PATAYAN!? o MADALIANG KASAHAN!?hahaha"- Pagbabanta nito
Kasabay nito ang paghaplos sa kanyang baril. Habang may ngiti sa labi at ang mata nito ay tila nanlilisik.

"S-sir...Ayo..."-

Mabilis na tumayo ang may katandaang lalaki at ikinasa nito ang baril nya,itinutok nito ang baril sa noo ng kanyang tauhan habang ang tauhan nya ay tila nabigla at tila nangangatog ang buong katawan dahil sa takot.

"GAGAWIN MO ANG GUSTO KO! GA-GA-WIN MO! PAPATAY KA! TATAP0S KA NG BUHAY! SA AYAW AT SA GUSTO MO!"

Napatango na lamang ang kanyang tauhan dahil sa takot.


May inihagis na bag ang may katandaang lalaki sa harap ng kanyang tauhan .

"Buksan mo!"-utos nito

Lumuhod ang kanyang tauhan at binuksan ang bag na may kalakihan na nasa sahig.

Lumaki ang mata ng tauhan dahil bumalandra sa kanya ang limpak limpak na salapi.

"Kalahating milyon! para sa pag payag mo"-

Umupo ang may katandaang lalaki sa sahig para mapantayan ang kanyang tauhan.
Inilahad ng may katandaang lalaki ang isang baril sa kanyang tauhan.

Pero tiningnan lang ng kanyang tauhan ang baril na inilahad nya sa harap nito at hindi ito kinuha..

Inilapag ng may katandaang lalaki ang baril sa sahig sa harap ng kanyang tauhan.

"Dating gawi?Pagpatay ng tao,Limpak limpak na salapi ang kapalit.Nagawa mo na ito dati kaya alam kong maggagawa mo ulit ito ngayon."-

I LIKE YOU SO MUCH YOU'LL  KNOW ITWhere stories live. Discover now