Chapter 36:One Last Cry

1.3K 20 1
                                    

Charice's Pov:
  Palabas na kami ng hospital kasama si Alexa at Nikko.5:15pm na rin pala.
Pero hanggang ngayon,hindi parin nagpakita sakin si Tristan.Palagi kong tinatanong sa kanila pero mukhang wala naman silang alam kaya nanahimik nalang rin ako.
Sumakay na kami sa kotse ni Nikko.

"Cha, may gusto ka bang kainin?"tanong ni Alexa.Umiling lang ako bilang sagot.Nakatingin lang ako sa labas ng bintana.Nag-aagaw na ang liwanag at dilim pero hindi parin nakakatakot kasi maingay dito eh.
"Gusto niyo bang magdinner muna?"tanong ni Nikko.Hindi ako sumagot."Wag nalang.Kailangan na ni Charice magpahinga."sagot ni Alexa.Mabilis naman kaming dumating sa bahay.

"Salamat."sabi ko sa kanilang dalawa."Wala yon Cha.Kung may kailangan ka tawagan mo lang kami ah.Nandito lang kami para sayo."naiyak ako sa sinabi ni Alexa kaya niyakap ko siya.Niyakap ko narin si Nikko.
"Maraming salamat sa inyo."sabi ko.
"You're always welcome Charice.Matulog kana ng maaga."sabi ni Nikko at ginulo ang buhok ko.Napangiti nalang ako ako.
Napatingin ako sa cellphone ko.
January 15, 2018. 6:00pm.

Walang kahit isang text man lang galing kay Tristan.Buti pa sina Alicia at mag text pa.

"Get well Fontanilla girl.Take care.
I love you kahit ayoko sayo.
From:Aliciang Maldita na Alagang Andrei."

"Ingat ka palagi Cha.Nandito lang kami para tulungan ka.Wag kang mahiyang manghingi ng tulong samin.
Lablab.
From:MagandangAnneNaNerd."

"Waaaahhhh noona! I love you so much! Bibilhan kita ng maraming fruits para magana ang kain mo.Hehehehe! Take care always noona.ILoveYou.
From:CuteMJLoveDaddy."

"Noona! MJ is very bad.Palagi niya akong inaaway dito sa bahay.Sinusumbong niya ako kay Daddy.Bad MJ!
Noona, pagaling ka ahh.Mahal kita noona!!!
From:ItsMeJMPogi."

"Inumin mo ang gamot mo.Kain sa tamang oras.Ingat ka palagi.
From:PogingNikkoLoveNiAlexa."

"Cha!!! Gusto mo bang dyan nalang muna ako magstay? Yung mga gamot mo inumin mo ahh.Tsaka,matulog ka ng maaga.Huwag mong iistress ang sarili mo.Labyoo bestfriend.Ingat!
From:MagandangAlexaLoveNiNikko."

"Hi Charice! Nabalitaan ko ang nangyari sayo.Sayang hindi ako makadalaw sayo diyan.Busy kasi ako dito.Pero promise,pupunta parin ako kapag hindi na ako busy.I love you ingat ka!
From:GwapongAndreiAlagangAlicia."

Natawa nalang ako sa mga message nila.At the same time, naiyak.Hindi
ko akalaing may mga kaibigan akong ganito.Kahit iba't iba ang ugali ng mga yon masaya parin ako kasi dumating sila sa buhay ko.
Actually, magjowa na si Alicia at Andrei nung December palang.
Si Nikko at Alexa naman sinabi nila sakin kanina don sa hospital at kagabi pa raw siya sinagot ni Alexa.
Kitams! Lakas makalovelife ng mga
yon eh! Napayuko nalang ako nang maalalang wala man lang text si Tristan sakin.

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at natulog.Pagod na pagod ang katawan ko.

The next day,bumangon na ako at bumaba para kumain ng breakfast.
"Goodmorning Ma'am."wika ng mga katulong dito sa bahay.
"Goodmorning din po sa inyo."nakangiti kong sabi.Kumain nalang ako.

"Chaaaa!!! Goodmorning!!"sabi ni Alexa at hinalikan ako sa pisngi.
"Morning.Kain ka na."ngumiti naman siya at umupo.
"Actually, kaya ako pumunta dito kasi nagyaya si Nikko na kakain daw tayo sa labas."nakangiting sabi niya.
"Ayoko nga.Moment nyong dalawa yon at ayokong magmukhang chaperon niyong dalawa noh."sabi ko."Hindi kaya.Kakain lang naman tayo.Sabi kasi ni Nikko para daw makalabas ka naman."sabi niya.
"Okay sige."ngumiti naman siya.
"Anyway, tumawag na ba sayo si Tristan? Nagpunta na ba siya dito?"tanong niya.Umiling naman ako.Napabuntong-hininga nalang siya."Sa totoo lang Cha, hindi rin namin alam ni Nikko kung nasan si Tristan eh."hindi nalang rin ako sumagot.Dalawang araw na siyang hindi nagpaparamdam sakin.

The Playboy's Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon