Chapter 17:Fake Relationship

1.6K 29 0
                                    

Margaux Charice Point Of View
       Tatlong araw na after nung makalabas ako ng hospital.At ngayon,balik sa dati narin ang pakiramdam ko maayos narin ako.
"So ano na nga?Bakit ka naman pinagtutulungan ng grupo ni Alicia Eklabu non?"tanong ni Alexa."Hindi ko alam.Ang sabi niya lang sakin galit daw siya kasi ako daw ang pinili ni Tristan.Kaya ayun nga hindi na ako nakapanlaban kasi pinagtutulungan nila ako."paliwanag ko naman sa kanya."Ang kapal kapal talaga ng mukhan ng babaeng yun eh noh?Hindi pa ba siya nagising sa katotohanan na isa lang rin siya sa mga babae ni Tristan?Dhuh! Para namang gusto siya ng pinsan ko eh ang sama-sama nga ng ugali ng bruhildang iyon."wika ni Alexa at nang-irap pa.Natawa nalang ako.
Nandito nga pala kami ngayon sa cafeteria kasi diba?Lunchtime ngayon.Hindi ko naman maiwasan ang sarili kong malungkot dahil hindi ko na nakikita si Tristan pagkatapos ng araw na yon sa hospital.Asan na ba kasi ang taong iyon?
"Hey guys!"wika ni Nikko at umupo agad sa tabi ni Alexa."Hindi ka ba mag-order sunget?"tanong ni Alexa sa kanya."Busog pa ako iyakin."sagot naman ni Nikko with his killer smile.Teka?May hindi ba ako nalalaman tungkol sa kanilang dalawa?Bakit may endearment na ata ang dalawang ito ngayon?
"Baka may balak naman kayong ikwento sa akin ang tungkol sa iyong dalawa?"wika ko.Sabay naman na kumunot ang noo nilang dalawa.
"Tungkol sa aming dalawa?"nagtatakang tanong ni Alexa."Hindi Alexa.Tungkol sa aming dalawa ni Nikko.Tsk."sarkastikong sabi ko sa kanya at inirapan siya.
"Ano namang tungkol sa amin?"tanong ni Alexa.Si Nikko naman tahimik lang na nakikinig.
"Aba malay.Kaya nga ako nagtatanong kasi hindi ko alam diba?Gaga lang."sabi ko."Wow.Nakalabas ka lang ng hospital ang sunget mo na ah.Haha."natatawa nyang saad.
"Wala namang tungkol sa amin."biglang sabi ni Nikko.
"Weh? Eh bakit may endearment na kayo?"tanong ko at nginitian sila ng malapad."Endearment?"sabay pa nilang tanong sakin.Napairap na naman ako sa kawalan."Endearment guys.Yung sunget at iyakin.Haler?"saad ko kaya natawa naman silang dalawa."Ah yun ba.Wala lang yon."sagot ni Nikko.
"Oo na.Hindi ko na kayo pipipliting umamin basta ba sabihan niyo agad ako kung may nangyari---"natigilan ako sa pagsasalita nang tinawag na naman niya ako sa endearment namin.
"Munchie."may kalungkutan sa mga mata niyang nakaharap sa akin.Tumayo ako at hinarap din siya.
"Ano na namang kailangan mo Tristan?"tinawag ko siya sa sarili niyang pangalan kaya bakas sa mukha niya ang pagkagulat."I will explain.Just please listen to me first."wika niya."Hindi ko kailangan ang explanation mo.Malinaw naman sakin ang lahat eh.Mula pa nung nasa hospital ako at isang linggo kang hindi nagpakita sakin?Malinaw na sakin ang lahat ng yon.Naiintindihan ko naman.Naiintindihan ko naman na wala kang pakialam sakin kasi in the first place wala naman talagang tayo.Fake relationship lang naman talaga ng lahat hindi ba?"ramdam ko na ang mga luha sa mga mata ko na handa ng magsibabaan.Tangina naman! Nagulat sina Alexa at Nikko sa sinabi ko pati narin ang ibang mga estudyante na nasa loob ng cafeteria.
"Fake Relationship?!"gulat na tanong ni Alexa.Palipat lipat lang ang tingin niga sa aming dalawa ni Tristan.Si Tristan naman nakayuko lang.
"Totoo bang fake relationship lang ang namagitan sa inyong dalawa?"tanong ni Alexa.Hinarap ko siya at hindi na nakaligtas ang mga luha sa mata ko.Nagpatuloy na itong tumulo."Yeah.Fake Relationship.Isang relasyon na napag-usapan lang naming dalawa.Napagkasunduan.Tatlong buwan lang naman ang deal naming dalawa eh.And after that,wala na balik na ulit sa dati.Pero mukhang hindi na aabot sa tatlong buwan kasi mukhang ang daming nangyari na ikasisira sa pekeng relasyon naming dalawa."agad kong pinunasan ang mga luha ko.Mas dumami ang nakikinig at nanunuod sa eksena namin dito.Ang dami naring nagbubulungan."Hindi ako papayag."nagulat ako sa sinabi ni Tristan.Umiiyak narin siya."Hindi ako papayag na tapusin mo ang relasyon nating dalawa ng ganun nalang.Remember, may mga rules tayo.Maghintay ka na umabot tayo ng tatlong buwan at don na kita papakawalan."sabi niya at agad na umalis ng cafeteria.Halos malaglag pa ang panga ko sa sinabi niya.Tangina naman! Napaupo ako sa upuan at napasabunot sa buhok ko.Napatingin ako kina Alexa na ngayon ay nakangisi na silang dalawa ni Nikko.
"Bakit kayo nakangiti diyan?Gusto nyo bang ihambalos ko sa inyong dalawa itong tray sa harapan ko?!"singhal ko sa kanilang dalawa.
Humahalakhak pa si Alexa kaya mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya."Chill Cha.Ano ba, masaya lang talaga ako.Ay, kaming dalawa pala ni sunget.Ahihihi."tinaasan ko nga silang dalawa ng kilay."Wow.Masaya pa talaga kayong dalawa nang malaman nyong peke lang ang relasyon naming dalawa ni Tristan noh?Tsk."inirapan ko ulit sila.At sabay pa silang napahagikgik.
"First time kasi naming marinig yun galing kay Tristan.Feeling ko may gusto sayo yung pinsan ko.Kyaaahh!Aray ko naman!"reklamo nya nang batukan siya ni Nikko."Ang ingay mo."sabi ni Nikko at inirapan sya.

Kanina pa ako nakauwi sa bahay nang hindi kasama si Alexa.Walangyang gaga eh.May dinaanan lang daw siya sa mall eg hanggang ngayon wala pa siya.Napatingin ako sa wristwatch ko at eksaktong 7:30pm na.

[dingdong]3x
   Napasigh nalang ako at nagturo na sa gate.Baka si Alexa na yun.Pero himala naman kasi buong buhay ko hindi yun nagdodoorbell eh.Napailing nalang ako."Mabuti naman at nan---"natakpan ko ang bibig ko nang mapagtantong hindi pala si Alexa ang nasa labas ng gate.Tangina naman!

"Ano bang ginagawa mo dito sa bahay ko?"seryosong tanong ko nang pinagbuksan ko na siya ng pintuan.
"Bawal na pala pumunta ang boyfriend mo dito sa bahay mo?"natatawa niyang wika kaya sinamaan ko siya ng tingin."Boyfriend? Nagpapatawa ka ba? Wala akong maalalang mag boyfriend ba ako."sabi ko kaya mas lalo pa siyang natatawa.Alam ko naman na pinipigilan niya lang ang tawa niya eh."Yung Tristan Ford Zapanta na gwapo ang sabi nila kasi boyfriend mo raw yon."tinaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya."Correction.Fake Boyfriend."saad ko at inirapan siya.
Pero parang wala lang sa kanya ang mga irap ko.Umiling-iling pa siya at biglang lumapit sakin.Peste! Ang lapit-lapit na niya sa mukha ko na konting galaw ko lang mahahalikan na niya ako.
"I miss you munchie."parang isang milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang bigkasin niya ang mga salitang yon.I can even feel his breath.Ang bango nga eh.Ampota! Totoo ba talaga ito?Namimiss niya ako?Hindi ako nakasagot at parang naduduling ako nang hinawakan niya ang baba ko at pilit ipinaharap sa kanya."I'm so sorry for what I have done.Naguguluhan lang talaga ako.Pero sana hayaan mo naman akong gawin ang gusto ko para sayo.Hindi ko ginagawa sa mga babae ko ang bagay na ito munchie.At ngayon,handa kong gawin ang lahat ng gusto mo mapatawad mo lang ako."he said then kiss my forehead.Halos nanigas pa ako sa kinauupuan ko nang hinaplos niya ang pisngi ko at diretsong nakatitig sa mga mata ko.
Wala akong masabi.Hindi ko kayang makapagsalita sa mga oras na ito.Argh! Ano na bang gagawin ko?Bakit ganito ang nararamdaman ko sa lalaking ito?
"Huwag mo namang i-end ang relationship natin.Mas gusto ko pang ipagpatuloy ang nasimulan natin kasi gusto kitang makasama araw-araw.Masaya ako kapag kasama kita munchie."dagdag pa niya na halos ikinatigil ng paghinga ko.JOKE.Ang OA ko naman masyado.Ah basta.Grabe kasi ang dating ng demonyong playboy na nasa harapan ko ngayon sa akin eh.
"Hindi pa kita mapapatawad ngayon.Alam mo ba kung gaano ako nasaktan nung mga panahon na wala ka Tristan? Well,hindi na naman talaga ako nagexpect na dadalaw ka doon para sakin.Isang linggo kang nawala at hindi nagpakita sakin.Hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga oras na yon kasi nasasaktan ako.I know my own limit naman eh pero hindi ko lang talaga mapigilang masaktan."sabi ko at agad na tumakbo paakyat ng kwarto ko.

********

Itutuloy...

The Playboy's Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon