Chapter 56

1.1K 16 0
                                    

Tristan's Pov

Maaga akong gumising kaya agad narin akong nag-ayos ng sarili.Pagkatapos kong naligo ay bumaba na ako para magbreakfast.

"Goodmorning manang!!!"bati ko sa isang katulong na nagwawalis sa loob ng bahay.

"Magandang umaga din iho.Kumain ka na ng agahan mo."sabi niya.Tumango lang ako.

"Sina Daddy po?"tanong ko.Tahimik kasi ang bahay eh Sabado naman ngayon.

"Ang daddy mo maagang umalis.Ang tita Cassandra mo naman ay nagtungo sa palengke.Si Bryle naman ay may lakad daw kasama ang pamilya niya."sagot ni manang.

"Okay."sabi ko nalang at nagtungo na sa dining area para magbreakfast.After kong kumain ay nagtambay na muna ako sa living room at nanunuod ng tv.

"Goodmorning cous!!!"sigaw ni Alexa at dali-daling bumaba ng hagdanan.

"Morning.Magbreakfast kana."sabi ko kaya dumiretso naman sya sa dining area.

Maya-maya lang ay nagstay din sya sa living room.

"Wala kang lakad ngayon?"tanong niya.

"Wala."sagot ko.

"Sasama ka ba mamaya sa airport?"tanong niya.Kumunot naman ang noo kong hinarap sya.

"Ano namang gagawin natin don?"

"Ngayon na kaya ang uwi nila Ivy.Don't tell me,hindi mo sila susunduin?"napatingin ako sa wristwatch ko at 8:00am palang naman.

"Ngayon na pala yon?Anong oras dating nila dito?"tanong ko.

"Mamayang 10:00am palang naman."tumango lang ako.

"Okay.Sasama ako."sabi ko.

Maya-maya lang ay nagpaalam narin si Alexa na magmalling nalang daw muna sya kasi nabored sya.Umakyat nalang ako sa kwarto at natulog.

May dalawang oras pa naman para masundo ko sina Ivy sa airport.Bakit hindi man lang tumawag sakin ang buntis na yon?Tsk.

Alexa's Pov

Alas nuwebe na ng umuwi ako sa bahay nila Tristan.Tinawagan ko narin si Nikko na dadaan nalang dito para sabay narin kami papuntang airport.

Hindi parin pala nakauwi sina tita Cassandra.

"Manang,nasan si Tristan?"tanong ko pagkapasok ko sa loob ng bahay.

"Nasa kwarto niya po."nginitian ko nalang ang katulong saka ako umakyat sa kwarto ni Tristan.

"Hey cous,wake up.Wake up Tristan."nagising naman agad sya at inirapan niya pa ako nang ako ang una nyang nakita.Haha.

"What?!"bulyaw niya.Kahit kelan talaga itong lokong to.

"Mag-ayos kana kasi papunta na si Nikko dito oy."sabi ko at hinila sya patayo saka tinulak sa loob ng banyo.

"What the fuck Alexa?!"nginisian ko lang sya saka ako lumabas ng kwarto niya.

"Maam,nandito po ang boyfriend nyo."ani ng katulong.

"Papasukin mo Manang."

"Sige po."

"Hon, nandito ka na pala.Maghintay lang tayo ng 10 minutes.Kagigising lang kasi ni Tristan."sabi ko.

"Okay.Tumawag si Ivy sakin at hindi niya daw macontact si Tristan."sabi niya.Nagkibit-balikat lang ako.

"Gusto mo ng snacks?"tanong ko.

"No hon.I'm fine.Tinawagan mo ba si Alicia?"tanong niya.

"Yeah.Kanina lang pero hindi daw sya makakasama."tumango naman sya.

The Playboy's Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon