Chapter 38:Too Good At Goodbyes

1.3K 19 0
                                    

Charice's Pov:
Dalawang linggo na ang nakalipas nung bumalik ako ng bansa.At sa dalawang linggong iyon ay hindi pa kami nagbabati ni Tristan.
Flashback:
  "Ano ba talagang problema mo?! Bakit hindi mo sasabihin sakin?! Bakit ka nagkakaganyan?!Bakit ka palaging naglalasing nung wala ako dito?! May problema ba tayong dalawa punchie?! Ano na?! Magsalita ka!"inis na sigaw ko sa  kanya pero nanatili lang siyang nakatingin sakin.Nakaramdam na naman ako ng galit sa kanya.
"Punchie naman! Alam mo ba kung ano-ano ang nalalaman ko tungkol sayo?! Ang sabi ni Alexa gabi-gabi ka nalang daw sa bar! Bakit ka nagkaka-------"
natigilan ako sa sinabi niya at halatang gulat parin ako.

"I NEED SPACE."nakanganga akong nakatingin sa kanyang naglalakad papalayo.He needs space.Wow!

Wala naman kaming problema ahh?

End of Flashback**

At ngayon, para akong tangang nakalutang nalang palagi.Mag-isa lang rin ako palagi dito sa bahay kasi sina Alexa at Nikko ay madalas gumala.Sa dalawang linggong nakalipas,tiniis kong hindi siya tawagan o itext man lang.Kasi nirerespeto ko ang nararamdaman nya.Akala ko kasi ay sya narin ang kusang lumapit at makipag-ayos sakin pero mukhang nagkakamali ako.Tsk.Tsk.

Lumabas nalang ako ng bahay since boring na naman.Naglalakad lang ako sa may park na hindi rin kalayuan sa bahay ko.Naupo nalang ako saglit sa isang bench.

"Hon, nakikiliti ako----hehehehe"
"Hon, stop it! Ugh! Stop! Nakikiliti ako hon!"
Naririndi ako sa mga naririnig kong bulungan sa likuran ko.Mga peste! Naglalandian ng tanghaling tapat! Tsk.
Nagulat nalang ako nang paglingon ko sa kanila ay hindi ko inaasahan ang nakikita ko.

Napalunok ako.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napalapit sa kanila at agad na hinila ang babae at pinagsasampal sya sa mukha.
*PAK*
"Para yan sa pang-aagaw mo sa boyfriend ko!"inis na sigaw ko.
*PAK*
"At para yan sa isang babaeng malanding katulad mo!!!"sigaw ko saka sya tinulak ng malakas.
"Charice tama na! Tama na ano ba!!!"nagulat ako sa ginawa nya.Tinulak niya ako ng malakas dahilan para mapasubsob ako sa damuhan.
At agad nyang niyakap ang babae.Mas nagulat ako nung paglingon nya sakin ay masama na ang tingin niya.
"Hon, okay ka lang?"nag-aalalang tanong nya."Ang sakit ng tummy...ko."napairap naman ako sa sinabi ng babae.Ano namang kinalaman ng tyan nya sa kalandian niya?! Tsk.
"Ano ba talagang problema mo Charice?! Nanahimik ako ohh.Nilayuan na kita! Please lang! Wag mo na kaming guluhin-------"natigilan siya ng magsalita ako."W-wait, punchie ano bang sinasabi mo? Diba space lang naman yung kailangan mo? Bakit mo ginawa to?---------"natahimik nalang ako sa sunod na sinabi nya."Yun na nga eh! SPACE lang.Pero kalimutan mo na yun! Let's in this.Masasaktan ka lang.Let's break up!"nanlumo ako sa mga naririnig ko.Halos hindi na ako makahinga dahil ang sikip-sikip ng dibdib ko.
"N-no...no...no...don't say that punchie---- I know that you loved me...please...don't say that--------"muli akong nanahimik at hinayaan nalang ang mga luha kong nagsibabaan.
"She's pregnant."sabi niya at agad inalalayan ang babae patayo."She is Ivy.My fiancee.From now on, let me go.Huwag ka ng magpapakita pa."malamig na wika nya at agad naglakad palayo.Naiwan nalang akong umiiyak habang naupo sa damuhan.

"Oh."napatingala ako sa nagsalita na inabot sakin ang panyo nya.Kinuha ko naman iyon."T-thanks."wika ko.Dahan-dahan naman niya akong inalalayan paupo sa may bench.Naupo narin sya sa tabi ko.Napahikbi na naman ako.

"Nag-break kayo ng boyfriend mo?"he asked.Pinunasan ko ang luha ko at dahan-dahang napatango.
"Nakabuntis kasi siya."malumanay kong sabi.Mukhang nagulat naman sya sa sinabi ko kaya hindi na sya nagsalita."Masakit kasi eh.Hindi ko kasi inaasahan na magagawa niya sakin ito.Alam ko naman kasing maayos pa kaming dalawa bago ako umalis ng bansa.Nagulat nalang ako nung pagbalik ko dito naging cold na sya at kanina lang ay nakipaghiwalay siya sakin."hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko at kusa na itong tumutulo.
"I'm sorry to hear that."wika niya."Okay lang."ngumiti ako at tinignan ang mukha niya.Pero agad rin naman yung napalitan ng gulat.

The Playboy's Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon