Chapter 25:True Feelings

1.5K 34 0
                                    

Charice's Pov:
    Nandito na ang lahat sa resthouse.Abala sa pag-iimpake dahil ngayon ang balik namin sa Manila.
Namumugto parin ang mga mata ko kasi magdamag akong umiiyak kagabi.Tsk.
"Sigurado kana ba talaga sa nararamdaman mo para sa kanya?"tanong ni Alexa sa harap ko.
"Oo.Kaya lang mukhang malabo eh kaya magmo-move on nalang ako."napatawa ako ng mapakla.
"Hindi rin natin alam ang totoong nararamdaman ni Tristan ngayon.Alam mo,ang swerte nga ng playboy na yon kasi may nagmamahal sa kanya na tulad mo."napangiti nalang ako.Pagkatapos rin naming mag-impake ni Alexa lumabas na kami para kumain.Nakita ko si Nikko na kausap si Tristan,ngumiti siya sakin kaya ngumiti rin ako.Napatingin naman si Tristan sakin kaya agad na akong umiwas.

Nandito na ang lahat sa dining at katabi ko si Arcie sa kanan.Sa kaliwa naman si Alexa."Okay kana?"bakas sa mukha niya ang pag-alala.Hindi ko rin naman magawang magalit sa kanya kahit alam kong siya ang mahal ni Tristan.Ang bait ba naman kasi ng babaeng ito eh.Tumango lang ako saka nginitian ko siya.
"Alam mo bang nag-aalala kami sayo kahapon?Akala kasi namin kung ano ng nangyari sayo eh."sabi niya."Okay lang naman ako.Nakabalik naman kami agad ni Tristan dito."ngumiti lang din siya.After naming kumain,pumasok na agad kami sa loob  ng bus.Hanggang ngayon hindi ko parin kinakausap si Tristan.Bahala siya sa buhay nya.Lakas-loob niyang halikan ako pagkatapos wala naman siyang nararamdaman sa akin.Tangina naman!

Tristan's Pov:
      Nagbyahe na kami pauwi sa Manila.Hindi parin ako pinapansin ni Charice hanggang ngayon.
"Bro,tapatin mo nga ako."seryosong tugon ni Nikko kaya napatingin ako sa kanya."Mahal mo ba si Charice?"nanlaki naman ang mga mata ko sa tanong niya."Ah----"hindi ko na natapos ang sagot ko kasi nagsalita na siya."I know you Tristan,sigurado ako na mahal mo nga si Charice.Kitang-kita ko yon sa mga mata mo kapag nakatingin ka sa kanya eh."saad niya."Hindi ko alam.Masaya ako kapag kasama ko siya.Mahalaga siya sa akin.I just realized na mahal ko nga siya pero mahal ko rin si Arcie."agad naman niya akong sinamaan ng tingin.
"You know what bro, I think hindi talaga iyan ang totoong nararamdaman mo eh.You know,lalaki rin ako kaya alam ko kung ano ang meaning sa mga titig mo kay Charice."wika niya."What do you mean?"tanong ko."Kasi, nafeel ko eh.Iba ang mga titig na ibinigay mo kay Charice than to Arcie.You know,I think ang pagmamahal na ibinigay mo kay Arcie is just 40%.So kay Charice yung 60% diba? Naisip ko lang, baka hindi mo lang talaga maamin sa sarili mo na si Charice talaga ang mahal mo.Baka kasi nangungulila ka lang diyan sa ex girlfriend mo.Alam naman natin ang lahat na halos ikabaliw mo ang nangyari noon.Kaya sa tingin ko, kailangan mo lang ng mahabang pag-iisip.Naisip lang namin ni Alexa kahapon na after this outing, babalik ka na muna sa resthouse mo sa Batangas.Hindi ka namin susundan don."napasmirk ako sa sinabi niya."Sa tingin ko nga bro.Kaya, thank you so much.Kailangan ko lang sigurong pag-iisipan ng mabuti ang bagay na to."sabi ko.Tinapik naman niya ang balikat ko.Maya-maya pa ay nakauwi narin kami sa Manila kaya agad na akong nagpahinga.

Charice's Pov:
    Pauwi na kami ni Alexa sa bahay.Napapagod talaga ako sa byahe namin."Cha, pwede mo ba akong samahan sa cemetery bukas?"napakunot naman ang noo at nilingon siya."Bakit?Anong gagawin mo don?"hindi na niya pinansin ang tanong ko sa halip ay nakasandal lang ang ulo niya sa bintana ng kotse.
Napaisip naman ako at boom! Ngayon ko lang naalala na couple anniversary slashed death anniversary pala nilang dalawa ni Kyle ngayon.Agad kong niyakap si Alexa at don ko lang napansin na umiiyak na naman sya.Seriously? Ganito na talaga siya hanggang ngayon.Fresh na fresh parin talaga sa isip at puso niya ang past niya.
"Alexa, wag ka ng umiyak."niyakap niya narin ako at humagulgol na naman siya"I just can't help it Cha.Bakit hanggang ngayon ang sakit-sakit parin?Bakit hanggang ngayon hindi ko parin magawang masaya completely."hinagod ko lang ang likod niya."Sa tingin mo ba gusto ni Kyle ang ginagawa mo ngayon?Alexa,pinapahirapan mo na naman ang sarili mo.Nandito lang kami para sayo.Susuportahan ka namin palagi.Huwag kang mag-alala,sasamahan kita bukas.okay?"ngumiti naman siya at pinunasan na ang luha niya."Thanks Cha."sabi niya.

   Pagkarating namin sa bahay,nauna ng natulog si Alexa sakin kasi pagod na daw siya.Napabuntong-hininga nalang ako.Umakyat narin ako sa kwarto at bago makapasok dinaanan ko muna ang kwarto ni Alexa.Naririnig ko na naman siyang umiiyak.Naaawa na ako sa kanya.Sa tuwing dumadating ang araw na ito.Ang araw kung kelan magcecelebrate silang dalawa.Ang araw na ito rin ang magdadala sa kanila sa kalungkutan.Kung bakit ba kasi namatay si Kyle sa mismong araw ng anniversary nila.Agad na akong pumasok sa kwarto at natulog.

*********
Short update!
Mental block ako ngayon guys!
Kaya sorry po.Pagbubutihin ko nalang sa next chapter!

@CherayDiAyy💕

The Playboy's Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon