CHAPTER 5: GOODBYE EOMMA

11 1 0
                                    

Xiana Kim POV

|Pakiplay na lang po yung video sa taas para mas feel yung moment.|

Lumapit ako kaagad kay eomma ng makita kong nagsuka siya ng dugo. Bakit siya nagsusuka ng dugo?! Umiinom naman siya ng gamot niya!

Nang makalapit ako kay eomma ay kaagad kong kinuha ang panyo na nasa drawer niya. At binigay sa kanya para doon siya sumuka ng dugo.

Unti-unti nabubuo ang mga luha sa mga mata ko. Bakit ngayon pa?! Bukas na eh... bukas na ang operation ni eomma! Bakit ngayon pa?!

Nang matapos magsuka ng dugo si eomma ay tumingin siya sa akin at ngumiti ng mapait.

'Xiana... my baby girl' sabi ni eomma sabay hawak sa mukha na may bahid pa ng dugo. At hinawakan ko naman ang kamay niyang iyon.

'Eomma...' tawag ko kay eomma ng puno ng lungkot at pighati.

'Eomma... bakit ganun? Kung kelan malapit na... ganito pa ang nangyari?' tanong ko kay eomma. Pero ito siya ngumiti lang siya.

'Pasensiya na anak... kasi ito lang ako... mahirap at walang kwenta...' sabi niya sabay ngiti na lamang ulet.

'Eomma wag mong sasabihin yan! Hindi totoo na wala kang kwenta! Ikaw nga ang pinaka-the-best na eomma in the world eh! Kung hindi dahil sayo, wala ako sa kinaroroonan ko.' sabi ko at tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Mga taksil kayo!

'Salamat anak... kahit papaano naging masaya ako... sa mga huling araw ko...' sabi ni eomma at sumuka na naman ng dugo.

'Eomma!' sigaw ko at niyakap ko na lang siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Diyos ko, tulungan niyo po ang eomma ko! Wag niyo muna pong kunin siya! Parang awa niyo na!

Itinulak ako ni eomma para magkaharap kami at tinignan niya ako ng seryoso. Yung mukha niya parang nagsuka siya ng isang galong dugo. Namumutla na siya. Puno ng dugo ang bibig at damit niya. Parang isang pitik na lang ay matutumba na ito.

'Anak... puntahan mo si Tiyang Minerva mo... sa kanya mo kunin yung passport mo...' pautal-utal na sabi ni eomma. Passport?

'Passport? Paano ako nagkaroon nun?' tanong ko kay eomma. Wala akong naalala na nagkaroon ako ng passport.

'Mahabang kwento... si Tiyang Minerva... na lang ang magkwekwento sayo anak... Tsaka...' sabi ni eomma. At may inabot siyang papel galing sa bulsa niya. Isang puting papel. At binigay niya ito sa akin. Binuksan ko ito at ang nakita ko ay isang address. Pero hindi dito sa Pilipinas sa... Korea. Nang makita ko ang address ay tinignan ko si eomma.

'Kaninong address ito ma?' (Ma - for short of eomma) tanong ko kay eomma. May kutob na ko. Sa tingin ko, sa demonyo ito eh.

'Sa papa mo...' sabi ni eomma at ngumiti siya ng mapait. Nabigla ako. At tumingin ng lang sa malayo. Ayaw kong makita ni eomma na ngumisi ako. At tumingin na ko sa kanya. Semeryoso ang tingin ko.

'Address ng demonyong yun?' tanong ko kay eomma sabay ngisi. Di ko mapigilan ang sarili ko sa pagngisi. Ikinabigla naman ito ni eomma pero wala rin.

'Anak...' sabi ni eomma sabay hawak sa kamay ko pero tinabig ko ito at ikinabigla na naman niya. Tumingin ako ng seryoso sa kanya.

'Ano gusto mo gawin ko dito?' tanong ko sa kanya ng walang emosyon. Nabigla siya sa inasal ko. Ang alam kasi ni eomma ay mahinhin at mabait akong bata. Pero hindi niya alam na may tinatago akong kademonyohan. Ngumiti na lang siya ulit ng malungkot.

'Anak... humingi ka ng tulong sa kanya.' sabi ni eomma at hinawakan niya ang kamay na ikinabigla ko. Humingi ng tulong sa demonyong yon? Kalokohan!

Guns over Roses: Deplorable Fate Where stories live. Discover now