CHAPTER 6: AFTER DEATH

11 0 0
                                    


Nang makarating na sina Tiyang Minerva at Alex, anak niya at bestfriend ko. Kaagad nila kaming nilapitan. Nang makalapit na sila, si tiyang naman ay napahawak na lamang sa kanyang bibig at si Alex ay nawindang sa kanyang nakita at kaagad na lumabas ng bahay at narinig ko na lang na nagsusuka.

'Ma--ry...' tawag ni Tiyang. Napaluha na lamang ako ulit. Maluhaluha na rin si Tiyang.

Name: Minerva Choi

Age: 48

Occupation: Housewife


Child/ren: Alexander Choi

Occupation: Chief of Security of Pacific Ring Asia Airport

Husband: Allen Choi

Occupation: Chief Bodyguard of Kim's Family

Background: Kaibigan niya ang eomma ni Xiana. May isa siyang anak, si Alex. Bestfriend ni Xiana. Laging kaagapay ni Mary. Sila lang ni Alex ang nasa Pilipinas. Ang asawa niya ay nagtratrabaho sa Korea bilang bodyguard ng pamilya Kim. May trabaho siyang wala ni sinumang may alam. At ang pangarap lang niya ay mabuo na ang pamilya niya dito sa Pilipinas, maging masaya at maginhawa. At ang mapatawad siya ni Xiana at Mary.

 At ang mapatawad siya ni Xiana at Mary

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nang makalapit na si Tiyang sa amin. Napaluhod na lamang siya at napahagulgul na lamang, para kaming binagsakan ng langit at lupa. Iyak lang kami ng iyak.

Nang ilang minuto ang nakalipas ay tumayo si Tiyang ay dahan-dahang naglakad papalapit sa amin. Nang makalapit siya sa amin ay bumaba na ko at tinulungan siyang ibaba si eomma. Pero hindi namin kaya, hindi ko kaya. Nanglalambot ako. Para akong lantang gulay na hindi makatayotayo.

Nang may kamay na tumulong sa amin sa pagbaba kay eomma. Nang tingnan ko kung sino, si Alex lang pala. Nang mababa na namin ay kaagad itong niyakap ni Tiyang at humagulgul. Ako naman ay napaupo na lang sa lungkot at mangiyakngiyak. Ng hindi ko na nakayanan ay umiyak na rin ako.

Hanggang sa may naramdaman akong humahagod ng likuran ko. Tiningnan ko ito, si Alex. Nginitian lang niya ako ng malungkot. Nang hindi ko na kaya ay niyakap ko na lang siya ng mahigpit at tinugon naman niya ang yakap kong yun. Iyak lang ako ng iyak sa kanya. Hindi ko na nga inisip kung mabasa ang damit niya basta iyak lang ako ng iyak.

Name: Alexander 'Alex' Choi

Age: 24

Occupation: Chief of Security Team in Pacific Ring Asia Airport

Mother: Minerva Choi

Occupation: Housewife

Father: Allen Choi

Occupation: Chief Bodyguard of Kim's Family

Background: Matalik na kaibigan ni Xiana simula pa ng bata sila. Nanay niya si Minerva Choi na kumare ni Mary Cheong. Sobrang mahal niya ang nanay niya kaya nagsikap siyang magaral para sa kinabukasan nila ng pamilya niya. Para na rin maipagmalaki niya ang sarili niya sa kanya tatay. Dahil gusto ng tatay niya na maging abogado siya. Pero ang gusto niya ay sumunod sa yapak ng ama niyang security guard. Walang oras sa buhay pag-ibig. At pangarap niyang mamuhay ng maginhawa at maipagmalaki siya balang araw ng tatay niya. At ang makilala ang babaeng magmamahal sa kanya ng wagas.

Guns over Roses: Deplorable Fate Where stories live. Discover now