anong nang yari?

413 1 0
                                    

Mahal na aalala mo paba? nung una nating pag kikita. Nakasakay tayo sa parehong jeep, at mag katapat lamang ang upuan nating dalawa. Wala akong barya, kaya ang sabi mo 'libre na kita' tumanggi ako noon, pero hindi ka nag paawat at nag bayad ka. Kaya walang nagawa at nag pasalamat nalamang.


Habang na kasakay tayong pareho, hindi ko maiwasang mapasulyap sayo. Ngunit ng pagtingin ko saiyo na katitig ka pala sa akin, agad akong nag iwas nang tingin, pero hindi kalaunan naging mag kaibigan tayo. Kahit sa text at chat lang tayo laging nag uusap.

Mahal na aalala mo pa ba? lagi tayong mag katext maghapon mag damag. Madaling araw palang nag paplano na tayo ng date nating dalawa. Mag kasundo tayo sa lahat ng bagay, kaya para sakin, tayo sa isat isa ay bagay.

Mahal na aalala mo paba? nung mga panahong ang sayasaya nating dalawa? Yung lagi tayong mag kasama, sa hirap man o ginhawa. Tapos sabi mo pa sabay nating aabutin ang ating mga pangarap. Sabay tayong tatanda, at gagawa ng sarili nating pamilya.

Mahal na aalala mo paba? Yung mga pangako natin sa isat isa. Ang sabi mo hindi mo ko iiwan at sasaktan, sa sobrang kilig ko non nahalikan kita. Kahit na minsan may pag ka keso ka at korni, mahal parin kita.

Pero mahal bakit bigla kang nag bago? Ilang linggo kang hindi nag paramdam. nawalan nang tamis ang ating paiibigan. Pero hindi ko inaasahan na makikita lamang kita na may ibang babae nang kaharap at kayakap tapos bigla mo nalamang syang hinalikan.

Sa mga oras na iyon, gusto ko nang umalis at tumakbo kung saan. Pero sa mga oras na iyon isa lamang ang aking tanong saiyo.

-Mahal, anong nang yari sa ating dalawa?


~*~timer nga kase

Vote.Comment kung anong masasabi nyo~

TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon