makabagong henerasyon

2.2K 20 4
                                    

Makabagong henerasyon.


Makabagong hanerasyon na halos lahat ng bagay ay may presyo, o bago. Pag hindi ka nakasabay sa uso, ang tawag sayo jologs na kupas. Mga kabataan ngayon, may sari-sarili nang bisyo. Sa bawat kanto may na ninigarilyo at ang iba daig pa ang tambutso, sa kapal ng usok na lumalabas sa bibig ng kung sino-sino.

Makabagong henerasyon, na ang batayan ng kagandahan ay "likes" sa f.b, nilagyan mo pa nang "Caption" na "pusuan mo 10 likes kita" nag post ka pa nang "pumuso nito jo-jowain ko". mga millennial's ngayon braces o iPhone na ang batayan nang kayamanan. dapat hindi ganyan. Ang sabi pa nang iba "Advance akong mag isip" o "Advance utak ko" pero anong nang yari sa mga Quiz nyo, kung ganyan pala kayo katalino bat hindi nyo man lang patunayan sa pag-aaral nyo.

Mga kabataan ngayon, gagawin ang lahat maging famous lang sa fb. Mag susuot nang Reveling, at pag na bastos mag susumbong kay Manang Klaring.
Mga kabataan ngayon, pag may nausong kanta, kanta dito kanta don. Pero kahit bahay-kubo hindi makanta ng buo. Hindi naman sa nila-lahat ko ang mga kabataan ngayon, pero ang pinupunto ko dito. Sana man lang maging huwaran tayo, o maging kapaki-pakinabang man lang. upang sa hinaharap, hindi mahirapan at may ipag mamalaki tayo.

Bow~

____

Hi guys.!!!   May na pulot ba kayong aral?
                            Vote&Comment

TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon