3... 2... 1...

362 1 0
                                    

Tatlo. Tatlo tayong mag kakaibigan.
Ngunit tila, kayo lang ang nag kakaintindihan. Laging mag kasama sa lahat ng bagay, na parang may sarili kayong mundo at isa lang akong bagay sa tabi ninyo.

Dalawa. Dalawa kayong nag mamahalan. Kahit na nag mamahalan na kayo, di ko parin maiwasang umasa sa iyo. Mahal kita ngunit tila wala lang sa iyo yoon dahil kaibigan lang ang turing sa akin, ngunit pag dating sa kanya lahat gagawin mo mapasaya lamang siya.

Isa. Mag isa akong naiwan na luhaan.
Dapat ba akong ngumiti dahil mag kaibigan tayo? o Dapat ba akong malungkot dahil hanggang doon nalang tayo? Nag mahal lang naman ako, ngunit tila ako pa ang nasaktan.
Diba ako pwedeng sumaya katulad nang iba?

-Ito na ba ang tinatawag nilang friendzone?


______________


Maikli lang... ^______^

Comment..& vote

TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon