Chapter 14

102 3 0
                                    

Zachie's POV

Sinundan ko si Querika nagalit siya sa isang simpleng laro

Sa simpleng laro na iyon baka di niya ako kausapin

"Hon buksan mo ang pinto!" Sigaw ko mula sa labas

Di na ako mapakali sa kinatatayuan ko paano kung iwasan ako ni Querika di ko kayakayanin yun

"Hon please pag buksan mo ako ng pintuan hon ...sabihin mo sa akin kung ano ang problema" pero ni tunog ng doorknob ay wala akong narinig kaya ayun magpalipas muna ako sa may labas at tinatanaw ang paglubog nang araw

Naramdaman ko naman na may parang tumapik sa balikat ko

"Here Zachie umiinom ka muna ng juice ako bumili niyan" nakita ko si Xesia sabay abot ng bote na dala niya

Tumabi siya sa akin

"Di ka ba hinihintay ni Celdrick sa kwarto niyo?" Tanong ko sabay inom ng bigay niya

Tumingin naman siya sa akin

"Di pa nagpaalam naman ako sa kanya atsaka hello kailangan ko rin ng me time noh...eh ikaw bakit nandito ka pa?" Mataray na tanong  niya

Napatungo naman ako

"Si Querika nagalit sa akin kanina at ngayon Di niya ako pinagbuksan ng room namin nagalit yata di ko rin naman alam kung bakit  siguro dito na lang muna ako magpapalipas hanggang sa mawala yung init ng ulo niya" sabi ko

Binatukan niya ko kaya Napa aray ako ano bang problema niya

"Hmmm tama lang  yan sa iyo kung Hindi ka ba naman isat kalahating gago nagseselos yung asawa mo noh!!!" Sabi niya sabay bukas ng chips na dala niya

Selos ?si Querika nagseselos kanino?

At kailan pa?

Saan?

Ano ba iyan!

"Teka paano mo naman nasabi iyan ikaw Xes gawa gawa ka ng issue" sabi ko haaay ang sakit pa rin nung pagka batok sa akin ng babaeng ito

"Nagseselos siya Kay Rhee Anh !siyempre sino ba naman hindi ex mo iyon at asawa mo si Querika tapos ang tawagan niyo pa love sa tingin mo nakakatawa kayo ...okay sabihin na natin na friends kayo ni Rhee Anh pero ex is ex at walang makakapagpabago dun! " sigaw niya haaay Xes talaga napaka Nagger

Nagseselos si Querika Kay Rhee Anh teka di ko naramdaman yun ha

"At kung ako ang nasa posisyon ni Querika kung Si Celdrick makita Kong ganun sa ex niya baka matiris ko lang silang dalawa...kaya ikaw Zachie huwag kang tanga...makiramdam ka!...kinakausap kita di bilang isang kaibigan kung Hindi bilang isang babae na alam na marunong makiramdam

Tumayo siya at binatukan ulit ako haaay sumusobra na siya

Napalingon naman ako at nakita ko si Celdrick na dala Si baby Xhiann

" Babe kanina pa kita hinahanap namimiss na agad kita"sabi ni Celdrick sabay yakap Kay Xes

"Nagpaalam ako sa iyo di ba?haaay sige na akin na si baby " sabi niya sabay halik Kay Celdrick

Hmmm naiingit ako makaalis na nga

Iniwan ko sila dun makaalis na lang kaysa manggigil ako sa inggit

***
Dumiretso naman ako sa kwarto ayun sarado pa rin

Kaya kumuha na ako ng duplicate ng susi ang tanga ko di ko man lang Naisip na humingi ng duplicate kanina edi sana nakapasok na ako sa loob

Binuksan ko naman yung pintuan at nakita ko si Querika inaayos niya yung gamit niya at inilalagay lahat ng iyon sa may maleta

Ang pagkakaalam ko di pa kami uuwi

Kahit Kunwari(Montes series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon